PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cielo Eusebio says forgiving Nikko Natividad not "kaduwagan"

Cielo: "Sasabihin nyo na hindi ba ako nandidiri? Hindi ba ako nasusuka?"
by Rachelle Siazon
Published Mar 10, 2026
Cielo Eusebio answers bashers criticizing her for forgiving Nikko Natividad
Cielo Eusebio answers bashers criticizing her decision to stand by Nikko Natividad despite video scandal. She writes: "Kung di pa kumalat yan di aamin? Yun na nga diba andyan na oh ang lakas ko kay Lord diba, tinuruan ng leksyon in a hard way na kahit kayo eh enjoy na enjoy naman kayo sa panonood ano pang gusto nyo."

Umalma si Cielo Eusebio sa bashers na kinukutya ang desisyon niyang patawarin ang kanyang mister na si Nikko Natividad.

Ito ay sa gitna ng pag-amin ni Nikko na niloko niya si Cielo, at siya ang lalaki sa video scandal na kumalat kamakailan.

Read: Nikko Natividad's wife stands by him despite video scandal

Sa kanyang Facebook post ngayong Martes, March 10, 2026, ibinahagi ni Cielo ang isa sa mga batikos na natanggap niya.

Tinawag siyang "batugan" ng netizen at umaasa lang sa sustento ni Nikko kaya raw niya nakuhang patawarin ang pangangaliwa nito.

Batikos pa ng netizen, hindi raw aamin si Nikko na nambabae ito kung hindi pa ito nabuking sa video scandal.

Taong 2022 nang mangyari ang pangangaliwa ni Nikko, at nalaman lamang daw ito ni Cielo kasabay ng publiko nitong mga nagdaang araw.

Mensahe ni Cielo sa kanyang open letter (published as is): "Una at huling beses na papatol ako sa mga pinagsasabi nyo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Una, bakit ba apektadong apektado kayo sa pagpapatawad ko sa asawa ko? Bakit ba kinkwestyon nyo yung desisyon ko?

"Bakit kailangan yung desisyon nyo yung tama?

"Hindi kaduwagan yung pinili ko, kayang kaya ko umalis kung gugustuhin ko pero hindi yun ang gusto ko."

Kung anuman ang isyu nila ng asawa ay sila na ang bahala rito.

Lahad pa niya (published as is): "Bakit kailangan ko iexplain sa inyo kung bakit? Katulad ng sabi ko katiting lang ng totoong buhay namin yung nakikita nyo.

"Wala kayong alam.

"Anong alam nyo? Ang manghusga at mangdukdok pa sa taong dapang dapa na."

Hindi raw maintindihan ni Cielo kung bakit ganoon na lang ang pamumuntirya sa kanilang mag-asawa.

"Magsorry o hindi may nasasabi kayo. Anong kasalanan sa inyo ng asawa ko?

"Kung di pa kumalat yan di aamin?

"Yun na nga diba andyan na oh ang lakas ko kay Lord diba, tinuruan ng leksyon in a hard way na kahit kayo eh enjoy na enjoy naman kayo sa panonood ano pang gusto nyo."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Nikko Natividad now married to longtime non-showbiz partner

CIELO EUSEBIO ON HUSBAND'S INFIDELITY

Hindi na raw kailangang ipagduldulan sa kanya ang kasalanang nagawa ng asawa dahil siya mismo ang nakakaramdam ng epekto nito.

Inamin naman ni Cielo sa una niyang official statement na lubos siyang nasasaktan sa nabulgar na lihim ni Nikko.

Maging si Nikko ay nabanggit sa panayam nito kay Ogie Diaz na todo ang iyak at panlulumo ni Cielo nang malaman ang katotohanang sumambulat sa publiko.

Saad ng misis ni Nikko: "Sasabihin nyo na hindi ba ako nandidiri? Hindi ba ako nasusuka?

"Oo sige! dapat yan ang maramdaman ko, pero nasa realidad na ako ng buhay tapos na, matagal na.

"Nag-kaanak na nga kami ulit ng pangalawa ano pa gagawin ko tatlong taon na nakalipas. Ano maglulupasay ako at papahirapan ko sarili ko sa bagay na hindi ko na controlado.

"Hiningi na ng tawad ni Nikko sa Diyos at sa buong pamilya namin at habang buhay nya na yan babawiin at dadalhin pero hindi ibig sabihin kailangan maging miserable siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dahil andito ako. Sasamahan ko sya."

Naniniwala raw si Cielo kay Nikko na isang beses lang nangyari ang pakikiapid nito.

"Kahit ipaliwanag sa inyo na isang beses lang yan wala kayong papaniwalaan kundi sariling version nyo ng kwento nyo. Parang alam na alam nyo at kayo lang ang tama.

"Hindi ko ninonormalize at binabalewala yung ginawa ng asawa ko pero hindi nyo na kailangan malaman ano yung pinagdadaanan namin.

"Lahat ng nararamdaman at gusto nyo sabihin nasabi ko na yan, narelease ko na yan, naisigaw ko na yan with matching pagbabasag ng picture frame.

"Kung pinili naming ayusin ano bang problema nun sa inyo?" balik-tanong niya.

Read: Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."

CIELO EUSEBIO APPEALS FOR KINDNESS

Umapela si Cielo na sana ay tigilan na ang pangungutya sa kanila ni Nikko.

"Let’s be real here. Opinion nyo yan sige di ko maalis yan pero wala ba kayong puso para kimkimin nyo nalang sa sarili nyo yan? Pero sana itigil nyo na yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nandidiri kayo sa ginawa ng tao dahil may asawa pero kayo din mismo ang nanunuod pa at nagpapakalat. Please stop!"

Idiniin din ni Cielo na hindi siya umaasa lang kay Nikko para kumita ng pera.

Nagpahiwatig pa siyang tila mas malaki ang kita niya kesa sa mister.

"At hindi ako batugan. Hindi nyo ko kilala.

"Para di kayo nabobother at gumagawa ng version nyo na porke di ako nangiwan ay wala na kong pera osige bumili nalang kayo ng produkto namin para magkapera pa ako Saku Skin.

"Sasabihin nyo di ako makaalis dahil nakadepende ako sa asawa ko? Baka other way around asawa ko ang nakadepende sakin. Hindi lahat tungkol sa pera.

"Wag nyo na pahirapan yung sitwasyon na hindi kayo kasali. Isipin nyo na ang gusto nyo isipin pero sarilinin nyo nalang at maging mabuti kayo sa kapwa nyo kahit nagkamali lalo at hindi naman sa inyo may kasalanan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, idiniin ni Cielo na pinipili nila ni Nikko na ipaglaban ang kanilang pagsasamang mag-asawa.

"I’m continuing our life and moving forward through the grace of God. Mahirap hindi siya madali.

"Pero nasaktan man ako maghihilom din and yun ang papaniwalaan ko. Hindi lang ako ang babaeng nakaranas nito at hindi lang ako ang babaeng pinili na magpatawad.

"Ang mahalaga sakin yung forgiveness na binibigay ko sa asawa ko ay dahil sa pagmamahal ko at pagmamahal ng Diyos sa buhay ko.

"Sasabihin nyo nadamay na naman si Lord. Ganun talaga! sino dapat ko idamay kayo ba?"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cielo Eusebio answers bashers criticizing her decision to stand by Nikko Natividad despite video scandal. She writes: "Kung di pa kumalat yan di aamin? Yun na nga diba andyan na oh ang lakas ko kay Lord diba, tinuruan ng leksyon in a hard way na kahit kayo eh enjoy na enjoy naman kayo sa panonood ano pang gusto nyo."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results