Pagod na raw ang dating Pinoy Big Brother (PBB): Otso housemate Lie Reposposa na maging breadwinner ng kanilang pamilya.
Sa Facebook ngayong Martes, March 10, 2026, isang nakababahalang post sa salitang Bisaya ang pinakawalan ni Lie.
Saad dito: "YAWAAAAA KAAAYOOO [Mga demonyo kayo] PUTANG INAAAAA!!!!!"
Makalipas ang isang oras, tuluyan nang naglabas ng kanyang sama ng loob si Lie.
Nais daw niyang umasenso sa buhay, pero pansin niya, siya lang ang nagsisipag upang makamit ito.
Parang totoo raw ang sinasabi ng iba na hindi nagiging "winner ang breadwinner" sa tunay na buhay.
Himutok ni Lie: "Gusto kong umahon sa buhay pero parang ako lang ang lumalaban. Breadwinner daw, pero kailan ba naging winner ang breadwinner?
"Parang lagi na lang talunan."
Pagod na raw siya sa pagtulong sa kanyang pamilya dahil tila hindi pinahahalagahan ng mga ito ang kanyang mga ginagawa.
Kinakaya lamang daw niya dahil kapamilya ang mga ito.
Pagtatapos niya, "Pagod na pagod na akong tumulong sa mga taong hindi man lang marunong mag-appreciate, pero ang hirap kapag pamilya mo."
Read: "Tanghalan ng Kampeon" contestant collapses during performance
LIE REPOSPOSA: "hirap tulungan ng ungrateful parents."
Sa comments section ng kanyang post, diretsong sinabi ni Lie na sariling mga magulang ang pinatatamaan niya sa kanyang post.
Sabi nito: "hirap tulungan ng ungrateful parents."

Isang netizen ang sumagot sa komento ni Lie.
Pinayuhan nito si Lie na huwag na ilabas sa publiko ang mga hindi nila pagkakaunawaan. At magtira rin daw siya ng para sa sarili at sa future.
Panimula ng netizen: "Angelie Reposposa don't make it public. kung parents mo kinakasamaan mo Ng loob. Mag Tira ka parin sa Sarili mo sa future mo.
"Importante NATULUNGAN mo sila, huwag mo ibuhos lahat dahil may Sarili ka rin Buhay."
Nagbalik-tanaw pa ang netizen sa kanyang buhay noon.
Lahad nito: "Ako noon sobrang hirap Pinag daanan ko Buhay pa tatay namin lagi may sakit Ako lang may trabaho Ako lang tumulong sa 6 ko na Kapatid.
"Pero ni Minsan di ko Pina pa alam sa ibang tao na masama loob ko mga magulang ko. After all magulang mo parin Sila.
"Mas masakit maka basa o makarinig ng masakit na mga salita laban sa kanila na galing sa mga taong di Naman Sila Kilala."

Sagot ni Lie: "wala, eh, napuno na ako, di ko na din sila kaya."

Read: Pageant runner-up clarifies serenade issue with Derrick Monasterio
Wala pang rekasiyon ang mga magulang o kaanak ni Lie kaugnay ng himutok ng social media personality.
Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng mga sangkot sa isyung ito.
