PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo wants to be "superdad" to son Calix

Dennis was absent on his son's first birthday because of his first taping day for "Gagambino."
by Rose Garcia
Published Sep 14, 2008
"Bilang isang superhero na ama...hmmm...siyempre, poprotektahan. Magbibigay ka ng maraming oras palagi para palagi kang nakabantay sa kanya. Maalagaan nang maayos," says Dennis Trillo.

Kahapon, September 13 ginanap ang first birthday ng love child nina Dennis Trillo at Carlene Aguilar na si Calix. Pero on the eve of his son's first birthday, nag-first taping day naman si Dennis ng kanyang fantaseryeng Gagambino at sa naturang set nga siya nakausap ng Startalk.

Ayon kay Dennis, masaya raw siya na one year old na nga ang anak.

"Masaya! Siyempre, pati ako excited kasi, magwa-one year old na siya at napakabilis talaga ng panahon ngayon. Nakakagulat na one year old na siya. Excited kaming lahat."

Tulad nga raw ng napagkasunduan nina Carlene at Dennis, magiging pribado raw ang children's party. Ang wish nga ni Dennis para sa anak, "Wish ko sa kanya na lumaki siyang mabait. Masunuring bata. Maging matalino at saka, mabait."

Natawa si Dennis sa sumunod na tanong sa kanya ng Startalk, kung may plano na raw ba siyang bigyan ng kapatid ang anak?

"Hindi ko muna iniisip yun, e. Darating ang panahon, pero, malayo pa siguro yun. Bata pa si Calix and hindi siguro maganda kung susundan ko kaagad yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Carlene pa rin ba ang nais niyang maging ina ng susunod niyang anak? "Hindi ko masasabi ‘yan. Hindi ako manghuhula para malaman ko yun. At saka, wala pa...hindi ko pa talaga iniisip yun, e."

Katulad nga raw ng ginagampanang role ni Dennis sa Gagambino, hangad din daw ni Dennis na maging isang "superdad" kay Calix.

"Bilang isang superhero na ama...hmmm...siyempre, poprotektahan. Magbibigay ka ng maraming oras palagi, para palagi kang nakabantay sa kanya. Maalagaan nang maayos."

Ayon kay Dennis, he really makes it a point that he has time for his son.

"Of course, hinahanapan ko palagi ng oras. Kapag may time ako, binibisita ko para at least...gusto ko talaga na makilala niya ‘ko nang maayos. Masubaybayan ko ang paglaki niya."

Kinumusta rin ng Startalk ang dalawang StarStruck Avenger na makakasama ni Dennis sa Gagambino, sina Katrina Halili at Nadine Samonte. Aniya, sa Gagambino lang daw siguro ang love triangle nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Love triangle sa story. Pero sa totoong buhay, hindi ko masabi...sa ngayon, focus muna tayo sa Gagambino. Focus sa career. Kung anuman ang mangyari sa totoong buhay, bahala na...

"Ito na ang pinakamalaking break ko simula nang mapasok ako sa GMA-7, kaya pinaghandaan namin ito nang husto. Marami akong training na ginawa. At saka, siguradong magugustuhan ito ng manonood, lalo na ng mga bata."

Read Next
Read More Stories About
Dennis Trillo, Startalk
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Bilang isang superhero na ama...hmmm...siyempre, poprotektahan. Magbibigay ka ng maraming oras palagi para palagi kang nakabantay sa kanya. Maalagaan nang maayos," says Dennis Trillo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results