Kinumpirma ni Ian de Leon na pinaghahandaan ng kanyang pamilya ang paggunita sa death anniversary ni Nora Aunor sa April 16, 2026.
"May celebration kami sa Libingan ng Bayani. Magkakaroon kami ng mass sa umaga, lunch siyempre sa tanghali, and kauntig merienda sa hapon.
"We're gonna spend the whole day there. Ang bilis nga, e. Almost a year na. Di pa rin ako makapaniwala, e," saad ni Ian.
Sabay sabi niya: "Actually, I don't wanna call it celebration coz it's my mom's first death anniversary. I would like to call it parang reunion since she was away for almost a year.
"Reunion with family, yung mga nagmamahal sa kanya. And, of course, we would like to keep her spirit alive, keep her essence and her presence alive in our hearts so we have to do this.
"Yun lang, kaunting salu-salo lang. Definitely it's open to everyone."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ian sa Philippine Arts, Film, and Television Awards (PAFTA) na ginanap sa Manila Hotel noong February 21, 2026.
Tinanggap ni Ian ang posthumous award na pinagkaloob ng 1st PAFTA Award's Night para sa di matatawarang kontribusyon ng ina sa Philippine entertainment industry.
"Ang dami ko pang actually na gustong sabihin kaso lang, siyempre, gusto kong i-limit.
"Gusto ko rin sabihin na sana nandito siya. And, of course, masaya siya.
"But you know, she's in another round. I know she's watching, I know she's around, I know she's there."
Read: Nora Aunor, surrounded by her children in her very last moments
IAN DE LEON ON MISSING NORA AUNOR
Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang pagpanaw ng ina.
Ayon sa 50-year-old actor: "Prayers lang every day, strength, faith and deeper wisdom sa mga nangyayari especially wala na si Mom. Gina-guide naman niya kami."
Nami-miss pa rin daw niya ang mga panahong nakakasama niya ito.
"Yung harutan namin, yung lokohan namin. Mahilig yung mag-prank. Pina-prank niya ako."
Sinariwa rin ng aktor kung anong nagmarkang usapan nila nung nabubuhay pa ito.
"Well, nung nag-usap kami, just to bring it out on the record, naaalala ko 2011, Sa Ngalan Ng Ina taping, magkasama kami sa kuwarto. Sabi niya sa akin, 'Basta itutuloy lang natin yung mga pangarap ko, matupad man o hindi.
"Kasi gusto niya talaga tumulong. Gusto niyang tulungan yung mga tao like indigenous people, yung mga nasa remote areas, nagsasabi siya ng outreach programs.
"Yun ang mga gusto niyang gawin, so that's why ipagpapatuloy natin ang Nora Aunor Foundation. We want to continue what her dreams are."
Read: British couple pleads guilty in racist attack on Filipina nurse
ON love from noranians
Labis din ang pasasalamat ni Ian sa Noranians na hanggang sa ngayon ay sumusuporta at nagmamahal pa rin sa ina.
Ani Ian, "Napatunayan ko sa inyo kung gaano niyo kamahal ang aming ina. Napatunayan namin sa inyo kung gaano niyo siya binigyan ng halaga.
"Na-realize ko na hindi lang superficial ang pagmamahal niyo kundi sa pinakaloob-loob ng puso ninyo."
Hiling niya, sana ay di malimutan ng mga tao ang legacy na naiwan ng aktres.
"Yung legacy, kailangan nating ipagpatuloy yan sa tulong ng mga nagmamahal sa kanya.
"Di natin kayang gawin na tayo lang, so kailangan natin ng suporta ng mga taong nagmamahal sa kanya.
"Of course, a lot of prayers, a lot of devotion. And gusto nating i-continue yung inspiration sa mga tao."
Makulay ang kuwento ng buhay ni Nora, at hanggang sa huli ay hindi ito tumigil sa paggawa ng mga proyekto sa ngalan ng pagmamahal nito sa pag-arte.
Sabi pa ni Ian sa dinanang highs and lows ng ina, "Siyempre from rags to riches. At sa panahon ngayon, kailangang tularan yung ehemplo niya dahil kinayod niya talaga yun.
"Hindi siya naging Superstar. Hindi siya naging National Artist nang ganun-ganun lang.
"Binigay niya ang buong buhay niya. Binigay niya yung buong puso niya sa mga nagmamahal sa kanya.
"Binabalik niya lang yun. Iba kasi ang puso niya, totoo, walang ibang makakapantay."
Read: Paul Jake Castillo carries Kaye Abad to keep Hermes slides dry
ON NORA AUNOR FOUNDATION
Samantala, pinabulaanan ni Ian ang balitang nakatanggap daw ang Nora Aunor Foundation ng 20,000 dollars mula sa OFW avid fan ni Nora.
"Hindi totoo yun. Alam niyo naman pag mainit ang issue, nagkakaroon ng haka-haka," pahayag ni Ian.
Nilinaw niya na kaya itinatag ang Nora Aunor Foundation ay para maging centralized na ang pagbigay ng tulong sa ngalan ng pumanaw na National Artist.
"That's why we establish the Nora Aunor Foundation to establish order, structure.
"Kailangan natin magkaroon ng authority over the projects or the plans of the people who celebrate her legacy.
"Di puwedeng bara-bara. We need to have discipline. We need to have order in everything. Magkakasama-sama naman tayo lahat, e, so why not keep it in order? Why not do it right?
"We have to do this na magkakasama-sama, walang samaan ng loob, walang siraan. Just do it the right way."
Tikom naman ang bibig ni Ian nang tanungin tungkol sa museo na itatayo sa Iriga City, ang hometown ng Superstar.
Sinasabing mayroon din sa Manila para doon naman nakalagay ang memorabilia ni Nora.
"Yung sa museum confidential muna. I'd rather keep it na lang. No information muna," pagtatapos ni Ian.
