PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Director Cathy Garcia-Molina still doesn't want to work with Richard Gomez

Direk Cathy herself asked for a comedy project from Star Cinema boss Malou Santos.
by Julie E. Bonifacio
Published Sep 14, 2008
"Siguro kailangan magkaayos muna kami if ever na magsimula ng kahit na anong proyekto," says Director Cathy Garcia-Molina (left) about the possibility of working with Richard Gomez (right) again.


May kasunod agad na pelikula ang box-office director na si Cathy Garcia-Molina sa Star Cinema pagkatapos ng super successful na A Very Special Love na dinirek niya, starring John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo. This time, ang balik-tambalan ng box-office tandem din nina Vhong Navarro at Toni Gonzaga na My Only U naman ang pamamahalaan ni Direk Cathy.

"This is given to me after A Very Special Love. Pero yung isang project na naririnig ko rin na gagawin nilang movie yung Amnesia Girl. Hindi ito yun. I think yung My Amnesia Girl is meant for another director, e. So, nire-reserve sa kanya. So, ako ito muna. It's totally different," bungad ni Direk Cathy.

WANTING TO DO COMEDY. Bakit biglang ang focus niya ngayon ay ang magdirek ng isang comedy-romantic movie?

"Ako ang humingi kay Tita Malou [Santos, Star Cinema's Managing Director]. Sabi ko, ‘Tita Malou, parang gusto ko naman pong mag-comedy. Subukan ko po.' Pero ang spine pa rin, love story. Hindi ba kahit kayo rin naman kapag tinanong ninyo ako sa presscon, na parang ano bang gusto mong iba? So, sabi ko, pa-try po ng mas konting comedy pa than this. Para lang may bago for me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang management na raw ang pumili ng mga bida sa hiniling na kasunod na pelikula niya sa Star Cinema. May pressure ba sa kanya na ang last movie nina Vhong at Toni na D Anothers na dinirek ni Joyce Bernal ay blockbuster din noong ipinalabas, 2005?

"Uhm... Ano lang may conscious effort lang sa akin na huwag mapanood nung manonood yung napanood na nila sa brand of comedy ni Joyce. Ako naman bilang delicadeza rin kay Bb. Joyce, ayoko rin namang masabi na ginagaya ko siya. At hindi lang siya, kahit si Direk Wenn [Deramas]—sa lahat, I think ng directors naman—may ganung intention na huwag ma-compare. We avoid naman talaga na ma-compare. Una, intriga. Pangalawa, wala naman kaming masamang tinapay sa isa't isa."

Speaking of Direk Joyce may mga comment na kung siya raw sana ang nag-handle ng For The First Time, mas may kilig pa raw sana ang mga eksena nina KC Concepcion at Richard Gutierrez.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Siyempre po, it's so unfair naman for Bb. Joyce who's a friend of mine and colleague sa industriyang ito para ma-compare. Alam ko, inevitable ‘yon. I think kahit sa artista ganun. Pero sana hindi, kasi she has her own strength and I think I have mine. Pareho lang namin ginagawa ang trabaho namin. Pareho naming ginagawang mabuti. So, I think hanggang doon na lang. Magkaibigan kami. Schoolmate kami. Ahead lang siya sa akin ng a batch."

Dahil daw diyan kaya posibleng magkakaroon na ng comparison at competition sa kanila ni Direk Joyce.

"Hopefully, it's a healthy competition. Ako mas tatanggapin ko yung kumpetisyon na sana para sa mga manonood. Kasi every time we give them a better one. But other than that wala nang lumabas na ganun."

JOHN LLOYD AND SARAH'S KISSING SCENE. Next month nakatakdang ipalabas ang My Only U. By November magsisimula naman si Direk Cathy ng second movie nina John Lloyd at Sarah. This time kaya may kissing scene na sina John Lloyd at sarah?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hmm...susubukan namin. Ang akin naman kasi parang hindi naman hinahanap sa isang pelikula. Lagi para lang mag-enjoy kayo at makapagkuwento ng magandang kuwento. Kung mero, bonus na lang for the audience and sa akin, kung wala okey lang sa akin."

Nagtaas na ba siya ng talent fee?

"Hindi," mabilis na sagot ni Direk Cathy. "I never asked for any raise from Star. Even when I was starting, as an assistant director, ang Star Cinema ang automatic na nagbibigay. So, hindi ko naranasan na nakikipag-haggle sa presyo. Kung ano sa tingin nila ang dapat kong suwelduhin, e, di yun. Well, wala naman akong kaide-ideya kung magkano ang suweldo ng ibang direktor."

Pero binigyan ba siya ng bonus ng Star Cinema dahil sa laki ng success ng A Very Special Love?

"May bonus," masayang sabi ni Direk Cathy. "Pero wala akong demands. Mahirap yun, e. Mamaya humihingi na pala ako ng hindi nararapat. Naniniwala rin ako na ang Star, marunong silang mag-alaga ng mga sarili nilang talents. ‘Tsaka kung ano yung nararapat yun ang binibigay nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RICHARD GOMEZ. Nagkita na ba sila ni Richard Gomez?

"Hindi pa po," ngiti ni Direk Cathy.

May issue kasi sa pagitan nilang dalawa ni Richard. May sinabi raw kasi si Richard noon na naka-offend kay Direk Cathy. Nabasa ba niya ang explanation ng misis ni Richard na si Lucy Torres?

"Hindi po. Ang nabasa ko yung sagot ni Richard. So, kumusta naman? Okey lang. Ayoko na. Huwag na nating palakihin."

Ano ang na-feel niya nung mabasa niya ang sagot ni Richard?

"Well, ang sagot kasi niya was, e, sa ganun siya. Ako, I hope with that sentence parang nasabi na niya na, I don't know if that's an acknowledgement on his part, kasi sinabi niya nga na ganun siya."

Ano ang masasabi niya sa comment ni Richard na something like, kung sensitive ka hindi ka bagay sa showbiz?

"E, he is entitled to his own opinion."

Gagawa raw ulit ng movie si Richard sa Star Cinema, paano kung siya ang kuning direktor?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ay, hindi po gagawin ni Tita Malou yun."

Ayaw niya na talagang idirek si Richard?

"Huwag muna. Huwag muna. Lalo na at may ganitong lumabas na hindi ko naman inisip na lalaki. Siguro kailangan magkaayos muna kami if ever na magsimula ng kahit na anong proyekto," pagtatapos ni Direk Cathy.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siguro kailangan magkaayos muna kami if ever na magsimula ng kahit na anong proyekto," says Director Cathy Garcia-Molina (left) about the possibility of working with Richard Gomez (right) again.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results