Natukoy na ng pulisya ang mga suspek sa karumal-dumal na pagpatay kay Miss Philippines Earth 2013 runner-up Lullete Jane Ramilo de Guzman.
Ayon sa press release na inilabas ng Police Regional Office 2 ng Cagayan, kinasuhan na sa piskalya ang isa sa mga suspek.
Nahaharap sa reklamong murder ang isa sa pumaslang kay Lullete.
Nakasaad sa statement: "Matapos ang masinsinang imbestigasyon, natukoy na ng kapulisan ang mga suspek sa pagpaslang kay Lullete Jane D. Ramilo, dating Ms. Philippines Earth 2013 3rd Runner-up.
"Naisampa na ang kasong murder laban sa isang indibidwal na sangkot sa karumal-dumal na insidente ng pamamaril na naganap bandang alas-sais ng gabi noong Pebrero 13, 2026 sa Brgy. Cabaritan, San Manuel, Isabela."
Hindi direktang pinangalanan ng pulisya ang murder suspect na kinilala lang nila sa alias na "JayR."
"Kinilala ang isa sa mga suspek sa alyas na 'JayR.' Naisampa na sa piskalya ang kasong murder laban sa kanya at kasalukuyang sumasailalim sa preliminary investigation."
Masusi umanong tinututukan ng pulisya ang insidente.
"Bilang bahagi ng masusing case build-up, pinagtibay rin ang ugnayan at koordinasyon ng Philippine National Police (PNP) sa Office of the Provincial Prosecutor ng Isabela upang matiyak ang integridad ng mga ebidensya, ang wastong pagproseso ng mga dokumento, at ang agarang pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban sa mga salarin.
"Samantala, sa ilalim ng pamumuno ni Provincial Director, PCOL Manuel B. Bringas, mariin niyang binigyang-diin ang matatag na dedikasyon ng Isabela Police Provincial Office sa paghahatid ng hustisya para sa mga kaanak ng biktima."
Ayon kay Bringas, “Ang Isabela PPO ay nananatiling mapagmatyag, maagap, at walang kinikilingan sa pagtupad ng tungkulin—lahat ay isinasagawa para sa kapakanan ng sambayanan at sa matatag na paghahatid ng hustisya.”
Read: Who was Lullete Jane Ramilo, Miss PH-Earth 2013 runner-up?
CLIFFORD DELA CRUZ STATEMENT
Sa kabila ng development na ito, hindi masyadong natutuwa ang asawa ng namayapang beauty queen na si Dr. Clifford dela Cruz.
Hindi raw sila kumbinsido sa pagsasampa ng reklamo sa isa sa mga suspek. Sa simula pa lamang daw ay alam na nila ang mga suspek.
Ang totoong problema raw ay ang mahabang pagkaantala ng kaso dahil sa kumplikadong "investigative protocols."
Hindi raw ito hustisya.
Pahayag ni Dela Cruz: "From the very beginning, we already knew who these people were.
"The real problem has been the long delays caused by complicated investigative protocols, the slow process of gathering documents and the protection given to these criminals by those who should be upholding justice. Only now are their names being revealed.
"But this is not justice.
"This is not closure.
"What we are seeing is only identification, not capture, not accountability," saad niya.
Dagdag niya: "It is a false sense of justice being presented, while the real masterminds remain free. And we know who they are.
"We cannot and we will not be at peace until every person responsible for the murder of my beloved wife, Lullete Jane Ramilo is brought before the court and held accountable until they are imprisoned and justice is truly served.
"This is not the end.
"This is only the beginning of our fight.
"And we will not stop. #justiceforjing"
Si Lullete ay binaril at pinatay ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin noong gabi ng February 13, 2026.

Nasa loob ng sasakyan si Lullete at noo'y kakarating lang ng kanilang tahanan sa Brgy. Cabaritan, San Manuel, Isabela.
Si Lullete ay sumali sa Miss Philippines-Earth 2013 kunsaan siya ay hinirang bilang isa sa limang runners-up.
Read: Former Miss PH-Earth 2013 runner-up shot dead in Isabela
