PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joseph Bitangcol defends Sandara Park from drug use allegation

Joseph Bitangcol: "I’m sure, 100%, na hindi niya gagawin yon."
by Rose Garcia
Published Mar 21, 2026
Joseph Bitangcol defends Sandara Park from drug use allegation
Joseph Bitangcol on Sandara Park: "At saka, mabait talaga yan. Hindi ka magtataka na binigay sa kanya ang blessing na yan. At pagpunta niya sa Korea, naging sikat din siya. Hindi nga siya nakapag-asawa, nakapag-baby dahil sa career, sa family. Yun ang focus niya talaga."
PHOTO/S: @daraxxi / @sephyboi13 Instagram

Walang pagdadalawang-isip na pinagtanggol ni Joseph Bitangcol, 41, si Sandara Park, 41, sa intrigang gumagamit umano ng bawal na gamot ang kanyang ex-girlfriend.

Kaugnay ito ng alegasyon ni Park Bom na nadiin umano ito sa "drug scandal" para pagtakpan at protektahan ang imahe ni Sandara.

Read: Park Bom claims being a decoy for Sandara's alleged drug abuse

Sina Sandara at Park Bom ay parehong miyembro ng Korean girl group na 2NE1.

Una na ring pinabulaanan ni Sandara ang isyu, at sinabing hangad niyang nasa mabuting kalagayan si Park Bo Gom sa kabila ng kontrobersiya.

Read: Sandara Park denies Park Bom’s drug abuse accusation

Kalaunan ay binura rin ni Park Bom ang kanyang Instagram post ukol dito.

"For me, imposible, imposible," mabilis na pagdepensa ni Joseph kay Sandara.

"Kasi, matagal ko rin siyang nakasama. At siyempre, ang masasabi ko, kilala ko ang pagkatao nun.

"Yung sacrifice niya para sa family niya. Kaya tumanda siya na talagang naka-focus sa trabaho, sa family at sa career."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala raw sa personalidad ni Sandara na gumamit ito ng ilegal na droga.

"I’m sure, hindi niya gagawin yon. Yosi nga lang ang hirap pa-take, drugs pa. I’m sure, 100%, na hindi niya gagawin yon," diin ni Joseph.

Nakausap si Joseph ng piling entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng finale episode ng Sing Galing, na mapapanood ngayong March 21 at 22 sa TV5.

Kasama si Joseph sa celebrity guests bilang dating contestant ng show.

Read: Jenny Syquia, inalok ng date ni Jared Leto; ka-batch si Carolyn

JOSEPH BITANGCOL AND SANDARA PARK'S HISTORY

Si Joseph ang bukod-tanging nakarelasyon ni Sandara na inamin ng dalaga.

Naging magkasintahan ang mga ito matapos nilang magkasama sa defunct Kapamilya reality show na Star Circle Quest (SCQ) noong 2004.

Tumagal ng humigit kumulang tatlong taon ang kanilang relasyon, at naputol iyon bago mag-migrate ni Sandara sa South Korea para magsimula ng career doon bilang K-pop star.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dalawang dekada na ang nakalilipas, pero hindi maiwasang tanungin si Joseph tungkol kay Sandara.

May komunikasyon pa ba sila?

"Wala, wala po," sagot ni Joseph, na bahagyang natawa nang maungkat ang past nila ni Sandara.

"Kapag may viber chat lang sa SCQ , as a group, pero hindi naman kami lang dalawa.

"Ang madalas kasi na nagkikita, kami nila Joross [Gamboa], RJ [Martinez], Melissa [Ricks], Roxanne [Guinoo]. Pero as malaking group, hindi pa.”

Ano ang nararamdaman niya tuwing si Sandara pa rin ang tinatanong sa kanya?

Sagot ni Joseph, "Wala naman. Siguro, ang masasabi ko lang, ano lang ng mga tao yan dahil ako lang ang naka-loveteam dito na naging boyfriend.

"So siguro yung ibang tao, curious lang kung may communication pa.

"Kasi, yung ibang tao natatawa or nagugulat kung meron. Siguro, yun lang naman, curious lang.”

Hindi naman daw siya naiinis kahit paulit-ulit na tinatanong pa rin tungkol sa South Korean star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi naman. Siyempre, siya yung malaking reason kung bakit ako naaalala ng mga tao. Malaking part siya," direktang sagot ni Joseph.

Inamin naman ni Joseph na nakaramdam siya ng panghihinayang, lalo na sa naudlot na loveteam nila ni Sandara noon.

Balik-tanaw niya: "Siguro may time na pasaway kami. Siyempre, bata pa kami. Kahit yung relationship namin hindi nagtuloy-tuloy. Hindi itinadhana.

"Sayang din, ang laki ng potential.

"Pero, thankful kami sa ABS-CBN at Star Cinema, binigyan agad kami ng movie at yung tiwala nila, nandoon.”

Ang tinukoy niyang pelikula nila ni Sandara ay ang D' Lucky Ones (2006).

Mako-consider ba niyang TOTGA o The One That Got Away si Sandara?

"Sabi ko nga kanina, kilala ko ang pagkatao niya, puwedeng TOTGA," pagsang-ayon ni Joseph.

"At saka, mabait talaga yan. Hindi ka magtataka na binigay sa kanya ang blessing na yan. At pagpunta niya sa Korea, naging sikat din siya.

"Hindi nga siya nakapag-asawa, nakapag-baby dahil sa career, sa family. Yun ang focus niya talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Joseph ay may asawa at mga anak na. Pero iwas siyang pag-usapan ang estado ng married life niya ngayon.

Nang usisain kung may posibilidad na pagdating ng araw ay sila pa rin ni Sandara ang magkatuluyan, natawa si Joseph.

Pero hindi rin niya itinangging maganda ang pinagsamahan nila ng ex-girlfriend.

Aniya, "Hindi natin masasabi ang mga puwedeng mangyari. Special pa rin siya sa akin."

Read: Hilda Koronel: "We were very poor. I grew up in the slums."

JOSEPH BITANGCOL ON HIS SHOWBIZ CAREER

Nagsimula sa industriya si Joseph noong 2004. Isa siya sa miyembro ng Batch 1 ng Star Circle, dating pangalan ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Halos dalawang dekada na mula nang una siyang maging artista, at gusto pa rin daw niyang ipagpatuloy ang kanyang career sa pag-arte.

"Kasi, mahal ko talaga ang pag-acting, pag-perform. Yun po talaga ang love ko.

"Dati po, nawala rin ako sa showbiz dahil naging busy ako sa theater. Sobrang gusto ko talaga ang pag-arte at pag-perform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit na napahinga ko, acting pa rin ang ginawa ko."

Dati siyang nasa pangangalaga ng talent manager na si Ogie Diaz.

Pero nagkasundo raw daw silang dalawa na susubukan naman niyang magpa-manage sa iba.

Ayon pa rin kay Joseph, “Hopefully, ganun pa rin. Siyempre, kung hindi na tayo puwede sa bida, basta mabigyan lang ng moment. Mapansin muli ang pag-arte ko, yung kaya kong ibigay at ipakita."

Ang huling serye pa raw na nagawa niya ay ang The General’s Daughter, at kadalasan ay guesting na ang mga ginawa niya.

Aminado naman siya na may mga nasayang siyang pagkakataon noon para mas maalagaan ang career.

Sa tanong kung may pinanghihinayangan siya, sabi niya, "Meron din. Siguro sa mga decision-making o kaya maliliit na bagay.

"Hayan, kilala niyo sina Mommy, sina Daddy. May time kasi noong bata, kapag umuusbong ka na, parang ayaw mo ng kasama sa taping.

"Pero ngayon, kahit gustuhin na araw-araw pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Why Sheryl Cruz, Romnick Sarmenta's teenage M.U. did not work out

JOSEPH BITANGCOL ON MOM'S HEALTH CONDITION

May pinanggagalingan si Joseph kung bakit ngayon, mas gusto niya o kung pwede lang na araw-araw niyang makasama ang mga magulang.

Pagbabahagi niya, nag-recur ang cancer ng ina.

Sa puntong ito ay mababanaag na naging emosyonal ang aktor.

"Umulit kasi. Ongoing pa rin ang chemotheraphy niya," lahad ni Joseph.

Dagdag niya, "Natapos na siya last year, kaso, may nakita pa rin. Breast cancer stage 4."

ON THE BRIGHTER SIDE

Sa kabila ng iba niyang regret, maraming bagay na ipinagpapasalamat pa rin ni Joseph.

“Siyempre, yung pagsali ko pa rin sa Star Circle. Kasi, suntok sa buwan talaga bago nangyari ang Star Circle.

"Nagtitinda lang naman ako ng barbeque. So, I never imagined na makakapasok ako.

"Nangyari na… ang daming pinto na nagbukas. Ang daming nakatulong sa family namin. Yun talaga, ang pagsali ko sa Star Circle.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joseph Bitangcol on Sandara Park: "At saka, mabait talaga yan. Hindi ka magtataka na binigay sa kanya ang blessing na yan. At pagpunta niya sa Korea, naging sikat din siya. Hindi nga siya nakapag-asawa, nakapag-baby dahil sa career, sa family. Yun ang focus niya talaga."
PHOTO/S: @daraxxi / @sephyboi13 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results