Nagpahayag ng pagkadismaya si Jillian Ward sa nangyayaring pambabastos sa mga kababaihan dahil sa kanilang paraan ng pananamit.
Talamak ang ganitong kritisismo sa social media.
Maging si Jillian, 21, ay hindi nakakaligtas.
Ilang posts ng dalaga ay umani ng body-shaming at sexualizing comments dahil naka-swimwear at body-hugging outfits siya.
Narito ang ilang halimbawa:

Hayag ni Jillian sa renewal of contract niya sa Sparkle GMA Artist Center noong March 10, 2026: “Nakakalungkot kasi 2026 na. Some people won’t let other people, especially women, to express themselves in the way that they want to express themselves."
Pagpapatuloy niya, “Kasi ako naniniwala ako na as long as you don’t hurt anyone, do what you want wear whatever you want.”
“It’s 2026. Sana, we view women for their talents, their intelligence … kung ano yung contributions nila dito sa mundo, and not just with what they wear.
“Let people be. Each to their own po iyan, e.
“Just express yourself,” mensahe niya.
Sa mga nabibiktima naman ng pamba-bash at pambabastos: “Stop worrying about other people judging you. Ang importante, wala kang nasasaktan, and you’re happy.”
Nabanggit din ng aktres na kanyang mindset pagadting sa mga “criticisms” at “fake news” na ibinabato ng ibang tao laban sa kanya.
“Minsan, hindi na po ako nagbabasa ng comments kasi ayoko na pong magpaapekto doon dahil ang nagma-matter sa akin is yung mga shows ko, yung may mga napapasaya ako.
“So I think, yun yung pagiging resilient ko din and being brave, especially this year and last year.”

MESSAGE TO FELLOW WOMEN
Si Jillian ay binibigyan ng tag na "Star of the New Gen" ng kanyang home network.
Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ano ang mensaheng nais niyang ibigay sa mga kababaihan ng bagong henerasyon?
“Ang gusto ko ring message na ibigay to young women is wag po silang matakot to speak up, to be brave, and to go for what they want kahit ano pong sinasabi ng mga tao sa kanila,” sagot niya.
“As long as they’re not hurting anyone;,as long as you know yourself, you should be confident and do what you love. Reach for your dreams and raise your voice for other people.”
Gusto raw ni Jillian na makilala siya hindi lamang bilang magaling na artista, kundi may paninidigan at tumatayo para sa mga mas makabuluhang bagay.
“Gusto ko pong makilala ako bilang isang artist, tinatanggap niya po kung ano yung challenges na binibigay sa kanya, kahit anong challenging role po iyan. Basta po may maibigay sa akin na project, magagawa ko po nang maganda, and ma-excede ko pa po yung expections ng mga tao sa akin.
“I want to be remembered as somebody who does not give up and an artist na is not only doing it for the art, but an artist who raises their voice for things that matter.”
