Naging mainit na usapin kamakailan ang nangyari sa female examinee na hindi pinayagang mag-take ng Licensure Examination for Teachers (LET) noong March 15, 2026.
Ang rason: na-late siya ng four minutes.
Lumuluha si Rasiya Esmael Bagkuas sa video na kanyang ipinost at inilahad ang masaklap na karanasan.
Ang matagal na paghahanda niya para sa board exams, na kadalasan ay inaabot ng maraming buwan, ay nauwi sa wala.
Napakalayo rin ng kanyang ibiniyahe mula Cotabato papuntang Koronadal, ang kapital ng South Cotabato, kung nasaan ang pinakamalapit na testing center ng LET.
Katwiran ni Rasiya, dumating siya at nakapasok sa testing center bago ang 8:00 A.M., na siyang simula ng exams.
Pero bakit tinanggihan siyang mag-take?
Read: SSS launches online Annual Confirmation of Pensioners
RASIYA’S PLIGHT
Sa mga nakaranas ng licensure examinations, aware sila sa pagiging istrikto ng Professional Regulation Commission (PRC) pagdating sa oras ng examinations.
Sa katunayan sa Frequently Asked Questions ng PRC, mahigpit na nakasaad dito na required ang examinees na dumating sa testing center bago ang itinakdang oras.
Saad dito (published as is): “Examinees must be at the testing centers before 7:00 a.m. to accomplish examination forms and for further instructions. Late examinees are no longer admitted once the examination has already started unless there is valid reason.”
Sa kanyang nag-viral na video sa Facebook, inilahad ng umiiyak na si Rasiya na mali ang petsa ng Notice Of Admission (NOA) na dala niya dahil 2025 pa ito.
Since wala pang alas-otso, pinayagan daw siya ng proctor na lumabas at magpa-print ng NOA na 2026 ang nakasaad na taon.
MORE DETAILS ABOUT THE INCIDENT
Mas idinetalye ni Rasiya ang pangyayari nang ma-interview siya via phone patch ng Bicol TV Sorsogon noong March 20, 2026.
Kuwento niya: “Lumabas ako nagpa-print ng bagong NOA, pero nung pagbalik ko hindi na nila ako pinapasok. Late na daw ng four minutes.
“Kahit anong pagmamakaawa ko, hindi na talaga niya [guard] ako pinapasok.”
Ang ikinakatwiran ni Rasiya, galing na siya sa loob at binigyan din ng permiso ng proctor na lumabas, pero hindi siya pinapasok ng guard.
Nakita raw niyang nakipag-usap ang guard sa proctor sa assigned room ni Rasiya, subalit maging sila man ay nagkaroon ng pagtatalo. Mas lalo siyang na-late.
Hanggang sa tinanggap na raw niyang hindi na siya makakahuha ng board exams sa taong ito.
Inamin ni Rasiya na mixed reactions ang natanggap niya online.
Marami ang kumastigo, pero may mga kumampi rin sa kanya.
RASIYA ADMITS MISTAKE
Sa panayam na iyon, inamin ni Rasiya sa kanyang pagkakamali.
“Lesson learned na rin po sa lahat ng magti-take ng exam katulad ko. Wala po akong sinisisi. It’s all my fault po. Hindi ko po sinisisi ang PRC o ang proctor. Kasalanan ko naman po.”
Nang usisahin kung bakit ang dinala niyang NOA ay 2025 at hindi 2026.
Katwiran niya, hindi agad naaprubahan ang kanyang online application.
May mga requirements kasi na hiningi sa kanya ang PRC via email.
Hanggang inabutan na raw siya ng 2026 at hindi na niya napansin ang date.
Payo naman niya sa mga magti-take ng licensure exam in the future, “Dapat be responsible…on time sana [para] di na maulit ang nangyari.”
Sa kabila ng masaklap na nangyari, kinumpirma ni Rasiya ang balitang inalok siya ng broadcaster at teacher na si Carl E. Balita ng scholarship para muling makapag-review.
Itinuturing ni Rasiya na malaking blessing ito.
Samantala, kaugnay naman ng pangyayari, maraming netizens ang pumanig sa PRC.
Karamihan sa mga ito ay mga dating examinees at nagkomentong sa simula't simula ay may paalala sa kanila ukol sa requirements, tulad ng pagdating sa tamang oras.


