Pitong aktres ang magkakasunod na inilunsad ng movie producer na si Jesse Ejercito ng Crown Seven Film Productions o Seven Star Productions noong 1970s.
Nauna si Elizabeth Oropesa sa Huwag Pamarisan! Mister Mo, Lover Boy Ko (1975) directed by Ishmael Bernal.

Sumunod sina Chanda Romero sa Sa Kagubatan ng Lungsod (1975) directed by Arsenio Baurista; Alma Moreno sa Ligaw na Bulaklak (1976) directed by Ishmael Bernal; at Daria Ramirez sa Lord, Give Me A Lover (1976) directed by Arsenio Bautista.
Ang mga sumunod pang pinagbida ni Papa Jesse ay sina Lorna Tolentino sa Miss Dulce Armor, Ina (1978) directed by Manuel Cinco; Beth Bautista sa Huwag! Bayaw (1979) directed by Manuel Cinco; at Amy Austria sa Nang Bumuka ang Sampaguita (1980) directed by Ed Palmos.
Noong 1976 na golden year ng Philippine cinema, maliban sa Ligaw Na Bulaklak ay bumida si Alma sa mga pelikulang Kung Bakit May Ulap Ang Mukha Ng Buwan; Mrs. Eva Fonda, 16; Walang Karanasan; Ay, Manuela; Bitayin Si… Baby Ama! (Terror of Muntinlupa); Bakit Ako Mahihiya…?; Hinog Sa Pilit; Markadong Anghel; Fantastika vs. Wonderwoman; Ikaw… Ako, Laban Sa Mundo; at Usigin Ang Maysala.
Above the title ang billing ni Alma sa posters at billboards ng mga pelikulang iyan.
Kabilang sa mga pelikula ni Elizabeth noong 1976 ang Nunal sa Tubig ni Ishmael Bernal, Hide and Seek ni Joey Gosiengfiao, at Magsikap: Kayod sa Araw, Kayod sa Gabi ni Luciano B. Carlos.
Read: Elizabeth Oropesa on how she handled lewd remarks in the past

ELIZABETH OROPESA ON HER SHOWBIZ CAREER
Eksklusibong nakapanayam ng PEP si Elizabeth sa mediacon ng GL movie na I Fell, It’s Fine noong Marso 5, 2026 sa Deer Claus, 11th Jamboree St., Quezon City.
Kaugnay sa title ng movie, may panahon ba na bumagsak siya nang todo, sa personal na buhay man o sa career?
“Sa career, hindi pa ako bumagsak,” sambit ng beteranang aktres.
“Well, for a while, noong bago ako pumunta ng Amerika noong masyado nang nauso yung bold noong 1986…”
Namayagpag noon ang mga penekula, mga pelikula kung saan may penetration o totohanan ang eksena ng pagtatalik.
Pagpapatuloy ni Elizabeth: “Umalis ako noon! I stayed in New York. Ayaw ko na yung pelikula. Kasi, kukunin ako, ayaw kong gawin yung mga yon.
“Kasi, may award na ako. May FAMAS na ako, may Urian na ako. Ayaw kong gawin.
“Tapos tinuruan ko yung grupo ko, Seven Stars na, ‘Huwag kayong tatanggap kung ganyan din lang! Dahil puwede naman kayong umangat sa career.’
“So, lahat nagka-award sa grupo ko. Lahat nagka-award except… si Alma, wala.
“Lahat nagka-award except for Ness [palayaw ni Alma, na Vanessa Lacsamana] sa totoong buhay.”
Read: 1976: The Golden Year of Philippine Cinema
SEVEN STARS
Sa Seven Stars ni Papa Jesse, si Alma ang pinakamaraming pelikula noong mid-‘70s…
“E, papaano, lahat ng tinatanggihan namin, tinatanggap niya!” bulalas ni Elizabeth.
“Ganun yun, e… at saka siya yung pinakakontrobersiyal. Kami, wala kaming Dolphy. Wala kaming… Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Wala kaming ganyan!
“Na Daboy [Rudy Fernandez], di ba? Wala kaming ganun. Siya, big time lahat ang ano.
“Anyway, at saka hindi kami tumakbo [sa pulitika]. Siya, tumakbo! Di ba?
“Pag lumalabas yan sa TV, nagpa-panic kaming lahat! Nagte-text-an kami. ‘Ayan! Ayan! Text-text mo!’”
Si Alma rin ang pinakamapangahas sa Seven Stars, at tinaguriang "Sex Goddess of Philippine Cinema."
“That’s her thing. Magaling naman siya doon, e. So, siya naman ang ganun sa amin,” saad ni Elizabeth.

“Ang solid na grupo talaga na magkakabarkada — si Lorna, si Amy, ako. Kung minsan sina Daria, sina Chanda, nagsisine pa rin kami hanggang ngayon.
“Nagkikita kami. Si Ness, hindi.”
Nagkaroon ba ng rivalry ang Seven Stars ni Papa Jesse?
Napabuntong-hininga si Elizabeth: “Well, Lorna, LT, and of course Alma, si Ness. Kasi dahil kay Daboy na, di ba, nag-overlapping yon? OK. Yun lang.
“Pero yung ano, wala. Alam nila, may hierarchy, e. Alam nila kung sino ang nasa itaas. Siyempre ako yun. Ha! Ha! Ha! Ha! Ganun yon.
“At saka alam nila, masama akong magalit. At saka ako yung inuutusan noon ni Papa Jesse, ‘Ayusin mo yan.’
“Ang tawag noon, ‘Paupuin mo yan.’ Meaning, para masuheto. Para hindi nakakahiya.”
Read: Investigation results about sex video scandal, nakakagulat!

LA OROPESA: AWARD-WINNING ACTRESS
Mahigit limang dekada na si La Oropesa sa local showbiz. Ang unang FAMAS best actress niya ay para sa Lumapit, Lumayo Ang Umaga (1975) directed by Ishmael Bernal.

Dalawa ang best supporting actress niya sa Gawad Urian, para sa Milagros (1997) directed by Marilou Diaz-Abaya, at Laman (2002) directed by Maryo J. de los Reyes.
Para sa Bulaklak ng Maynila (1999) directed by Joel Lamangan, best actress siya sa MMFF, FAMAS, Gawad Urian, Luna Awards ng Film Academy of the Philippines (FAP), at PMPC Star Awards for Movies.

Anu-ano ang mga pinakapaborito niyang pelikula? Yung top three…
Mabilis na tugon ni La Oropesa: “Naku, marami, e! Of course, yung umpisang-umpisang nakilala ako, sa Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat ng Lupa [1974].
“Siyempre, yung Bulaklak ng Maynila. Tapos yung kay Kuya Ronnie [Fernando Poe Jr.], hanggang ngayon, Alupihang Dagat [1975].
“Walang tumalo dun sa box-office sa lahat ng ginawa ni Kuya Ron. Kaya gustung-gusto ko iyon. Ilan ba ang ginawa ko kay Kuya Ron? Tatlo.”

Niligawan ba siya ni Kuya Ron or FPJ?
“Hindi! ang boyfriend ko, si Andy [Poe], kapatid niya. Kuya ko yon. Kuya-kuya.”
Read: Elizabeth Oropesa frankly reveals what she regrets not doing when she was young
ELIZABENTH OROPESA ON KISSING SCENE WITH ALMA MORENO
GL movie ang I Fell, It’s Fine kung saan bida sina Glaiza de Castro at Rhian Ramos, sa direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo.
Ipapalabas ito sa mga sinehan sa Abril 4, Black Saturday. Ano ang papel niya rito?
“For a change, hindi ako luhaan dito. Kasi palagi akong kinukuha, alam mo naman ako, pamposte ng mga drama,” pagmamatwid ni La Oropesa.
“For a change, this is something that I really love doing. Gustung-gusto ko ng comedy. Mahirap actually ang comedy.”
Lesbian ba ang role niya sa pelikulang ito?
Natawa si Elizabeth, “Secret! Ha! Ha! Ha! Ako lang ang nakakaalam ng lihim nilang lahat. Parang hindi pa nagkakabukuhan, ako, alam ko na.”
Gumanap na lesbian si Elizabeth sa pelikulang Si Malakas, Si Maganda, At Si Mahinhin (1980), sa direksiyon ni Danny Zialcita.
Siya ang tinutukoy na Malakas, "sexy pero deadly sa chicks."

Naka-kissing scene niya si Alma Moreno na Maganda.
Sa ending, nagkamabutihan sila ng karakter ni Dindo Fernando, closet queen kaya Mahinhin.
Kumusta ang halikan nila ni Alma?
“Naku, ako kasi, very technical ako, e. Two things ang palagi kong pinaghahandaan,” sey ni Elizabeth.
“No. 1, kailangang makumbinsi ko yung mga tao na nililibugan talaga ako dun sa babae.
“That’s how you should portray yourself para mapatunayan mong kayang-kaya mo na umarte at mapapaniwala mo sila.
“Pangalawa, technical, ayaw kong nakikipag-kissing scene na yung ilong ko, tumatabingi.
“Na yung nguso ko, tumaas. Parang ano yan, may choreography. Pinapraktis, ikanga.”
Sa Si Malakas, Si Maganda At Si Mahinhin, may dialogue siya kay Dindo na something to the effect na, “Malas daw ang may bakla sa bahay!”
Naniniwala ba siyang salot ang mga bading?
Napamulagat si La Oropesa, “E, papaano iyon?! E bakla ako! Hindi naman ako salot. Hindi totoo yon.”
Tampok din si Elizabeth sa pelikulang Graduation Day na nag-showing sa mga sinehan umpisa Marso 18, 2026, Miyerkules.
Gumanap siya rito bilang lola ni Jeric Gonzales.
May dalawa pa siyang pelikulang natapos — Pura Serbidora with Dolly de Leon, at Apo ni Nario with the late Ronaldo Valdez.
Kabilang siya sa honorees sa 2nd FAMAS Prestige Awards sa Marso 30, Lunes Santo, sa Manila Hotel.
Sa Marso 31, Martes Santo ng 5:30 P.M., ipapalabas sa Videotheque ng UPFI Film Center, UP Diliman, Quezon City ang pelikulang Sa Pusod ng Dagat (1998) na tinampukan nila ni Jomari Yllana, sa direksyon ni Marilou Diaz-Abaya.

Read: Nic Chien reveals learning about parents’ split from Instagram comment
