PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

SB19 Pablo on AI covers: “Very unethical...should be illegal”

"Dapat mas patindihin pa nila yung rules..."
by Mark Angelo Ching
Published Mar 26, 2026
pablo nase sb19.
Pablo Pablo Nase talks about SB19's second full-length album Wakas at Simula and the use of AI in the music industry.
PHOTO/S: SB19 on Facebook

Isa si Pablo Nase sa mga pinakamagagaling na songwriters at music producers sa Pilipinas.

Bilang pinuno ng SB19, si Pablo ang gumawa ng ilan sa maraming hit songs, tulad ng "GENTO," "MAPA," "Bazinga," at "Mana."

Dahil dito, tinanong ng press ang opinyon niya sa isa sa mga pinakamainit na isyu sa music ngayon: ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI), kung saan ang "digital computer or computer-controlled robot" ang gagawa ng "tasks commonly associated with intelligent beings," ayon sa Britannica.com.

Marami na ang gumagamit nito para gumawa ng sarili nilang bersiyon ng mga kanta.

Maaari nga ring i-upload ang boses ng mga kilalang mga singer upang maglabas ng mga kathang hindi naman talaga ni-record ng totoong tao.

Isa sa mga ito ay ang “Hawak Mo Ang Beat” na pinagkakaguluhan ngayon sa Tiktok.

Marami ang nagulat na AI-generated pala ang dance track na ito.

Noong nakaraang taon naman ay hindi nagustuhan ng bandang Cup of Joe ang AI-generated rock version ng kanta nilang "Pahina," na nag-number 1 sa Spotify Viral Songs chart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng press si Pablo sa presscon ng Wakas at Simula, ang bagong album ng SB19, na ginanap noong March 23, 2026, sa isang hotel sa Quezon City.

SB 19 full-length album wakas at simula
SB 19's second full-length album wakas at simula is set for release on March 27.
Photo/s: SB19 on Facebook

Panimula niya, naniniwala siyang mahalaga ang innovation sa music industry.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I think AI po is a very powerful tool. And ako po personally strongly believe in innovation.

"I think it’s really important.

"But siguro po, not at the expense of yung ninanakaw na yung identity ng mga artists, yung creative works,” saad niya.

Hindi raw dapat kinukuha ang gawa ng mga artists nang walang consent.

“And for sure, yung mga artists na iyan, from ground up binuild nila kung sino sila. Talagang pinaghirapan nila yung mga nilalabas nila and kung paano sila nabuo as a person.

"So for these softwares or companies to use it without their consent, I think it’s very unethical. And I think it should be illegal.”

Dahil dito, umapela siya sa mga AI companies na sana ay mas pahigpitan pa ang kanilang sistema.

“Sana po, yung mga gumagawa man ng gantong mga innovation, dapat mas patindihin pa nila yung rules or maging strict sila pagdating sa paggamit. Or siguro, dapat yung mga artists, artists has the sole control if gusto nilang ipagamit yung identity nila, yung personality nila, or creative outputs nila sa mga gantong klaseng tool,” saad ni Pablo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pilita Corrales’s BF Homes property up for rush sale at PHP24M

PABLO ON WAKAS AT SIMULA ALBUM

Samantala, proud na proud sa Pablo sa pag-produce sa Wakas at Simula, ang pangalawang full-length album ng SB19, na ire-release sa March 27.

Sa katunayan, nagbigay siya ng patikim sa press sa pamamagitan ng pagparinig sa snippets, o maiikling bahagi, ng ilan sa mga bagong kanta sa 24-track album.

Feel na feel ni Pablo at ng iba pang SB19 members na sina Justin, Ken, Stell, at Josh ang pag-lip sync sa mga bago nilang kanta.

Kuwento ni Pablo, Wakas at Simula ang pamagat dahil walong taon na silang magkakasama.

“And siyempre, kapag ganito ka na katagal, parang iniisip mo na rin or tatanungin mo na rin kung ano ba yung next chapter? Or matatapos na ba itong loop na ito? Or ano ba yung mangyayari sa amin?

"And we want to celebrate, at the same time, look back at everything that we have done kasama yung mga tao na sumusuporta sa amin,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anim ang bagong kanta ng SB19 sa Wakas at Simula: "VISA," "Memories," "Toyfriend," "Everblack," "Emoji," at "Wakas."

Sa anim, kaabang-abang ang "Emoji" at "Toyfriend" dahil collaboration ito ng banda sa dalawang international artists.

Sa "Emoji" ay kasama nila ang tinaguriang Queen of C-pop na si JOLIN, sa "Toyfriend" naman ay ang Japanese boy group na BE:FIRST.

Intentional ang pakikipag-collab ng Kings of P-Pop sa mga foreign artists na ito dahil nais nilang i-target ang world domination ngayong taon.

Naka-schedule na rin ang mga concerts ng SB19 sa North America, Europe, at sa Middle East.

Excited na rin sila na mag-perform sa Lollapalooza sa Chicago sa July.

“We’ve been preparing for this moment our entire lives,” sabi pa ni Pablo.

“We’ve experienced so many stages, we’ve experienced so many concerts, festivals, and we’ve represented a lot of times for different types of scenarios.”

Ready na raw silang i-conquer ang buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Through that, and through this album, siguro mas masasabi namin ngayon na we’re not afraid of anything. We’re more confident when it comes to presenting the Filipino talent, and of course, P-Pop,” saad niya.

Read:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pablo Pablo Nase talks about SB19's second full-length album Wakas at Simula and the use of AI in the music industry.
PHOTO/S: SB19 on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results