Bakit importante ang recent sightings ng Philippine deer sa Marinduque?
Pruweba kasi ito na hindi pa tuluyang nawawala ang endemic animal sa Pilipinas na pinaniniwalaang extinct na.
Ilang dekada na ang nakalilipas, particularly noong ‘90s, nang huling makakita ng Philippine deer o Rusa marianna o Philippine sambar.
Pero kamakailan, namataan ang mailap na hayop sa bukid at nakunan ng video.
THE 2022 PHILIPPINE DEER SIGHTING
Matatandaang taong 2022, isang residente sa bayan ng Torrijos ang nagsabing may nakita umano siyang Philippine deer.
Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, umusbong mula sa sighting na ito ang pag-asang hindi pa tuluyang nauubos ang Philippine deer.
Nung sumunod na taon, isa pang residente ang nagsabing may nakita siyang usa sa Barangay Duyay sa bayan ng Boac, na halos isang oras ang layo sa Torrijos.
Hanggang nitong pagpasok ng Marso 2026, nakunan ng video ang wala pang sungay na Philippine deer, indikasyon na bagong henerasyon ito.

Read: Zebras brought to Palawan 49 years ago: How are they now?
YOUNG DEER SPOTTED
Bukod sa mga naibalita, marami pang sightings sa iba’t ibang lugar sa Marinduque simula pa noong nakaraang taon, post kamakailan ng Department of Environment and Natural Resources-Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan (DENR-MIMAROPA).
“Records from 2025 documented multiple sightings across the sanctuary, with Barangay Makulapnit emerging as a key habitat, recording at least ten (10) individuals."
Nakakita rin daw ng bakas ng mga paa ng usa sa Boac at kalapit na mga lugar.
Nangangahulungan daw ito ng "broader distribution of the species within the landscape.”
Tinawag na “remarkable conservation breakthrough” ang hakbang ng DENR MIMAROPA sa pakikipagtulungan sa Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Marinduque, at sa mga local communities.
Binanggit din ang mga conservation efforts para ma-monitor ang mga hayop, gaya ng Biodiversity Monitoring System (BMS) activities, camera trap installations sa maraming barangay, at public awareness campaigns.
Sa kabila ng magandang balitang ito, nagbabala ang DENR na patuloy pa rin ang mga nakaambang panganib sa Philippine deer.
“Several cases of deer mortality linked to illegal hunting, poaching, and attacks by wild dogs were recorded in different barangays,” hayag ng ahensiya.
Binanggit din ang pag-atake sa isang female deer ng mga ligaw na aso sa Balagbag Range noong December 28, 2025.
Nailigtas naman ang usa sa tulong ng Protected Area Management Office at mga local government office partners.
Mayroon ding proposed scientific study ang University of the Philippines Los Baños (UPLB) upang matukoy ang populasyon ng Philippine deer at makapag-provide ng long-term conservation at management strategies.
Ang bagong development na ito ay bunga ng pagtutulungan ng DENR kasama ang regional environmental and natural resources conservation offices, LGU, at ng local communities.
Pagtatapos ng DENR: “The reappearance of the Philippine deer in Marinduque stands as both a conservation milestone and a call to action—demonstrating that while recovery is possible, sustained partnership is essential to ensure its long-term survival.”
Read: VIRAL: The true story behind dogs seen traveling together
