PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie Imperial says bf's mother Annabelle Rama is "sobrang bait"

Barbie Imperial on boyfriend Richard's mom: "I love Tita Annabelle."
by Melba R. Llanera
Published Mar 30, 2026
Barbie Imperial confirms relationship with Richard Gutierrez; shows jewelry from Annabelle Rama
Barbie Imperial opens up about her relationship with boyfriend Richard Gutierrez and her bond with his mother, Annabelle Rama. During the media conference for their primetime series Blood vs Duty, Barbie proudly showcased the diamond ring and earrings gifted to her by Annabelle.

Kinumpirma ni Barbie Imperial, 27, na maganda ang relasyon niya kay Annabelle Rama, ina ng boyfriend niyang si Richard Gutierrez, 42.

Kilalang mataray at prangka si Annabelle sa mga taong hindi nito gusto. Pero kay Barbie, sobrang generous daw ng celebrity mom.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa sidelines ng presscon ng Blood vs Duty, na ginanap sa Dolphy Theater sa ABS-CBN compound noong March 27, 2026.

Dito ay proud na pinakita ni Barbie ang malaking diamond ring at diamond earrings na iniregalo raw sa kanya ng ina ng kasintahan.

"I love Tita Annabelle," bungad ni Barbie.

Sabay turo niya sa suot niyang diamond ring, "Eto, bigay niya ito."

"Pati ito," turo niya sa kanyang suot na earrings.

Pagpapatuloy ni Barbie, "Nung birthday ko, binigyan niya ako ng ring.

"Sobrang bait ni Tita Annabelle. She's very generous, very sweet, very malambing."

Read: DISMISSED: Liza Diño cyber-libel complaint against PEP, Tirso Cruz III, Joey Reyes, Atty. Joji Alonso

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BARBIE-RICHARD RELATIONSHIP

Bukas na ngayon sina Barbie at Richard sa kanilang relasyon.

Nang tanungin ang dynamics nilang magkasintahan, ibinahagi ni Barbie na nahawaan na raw niya ng pagiging makulit ang aktor.

Lahad ng Kapamilya actress: "Super tahimik [si Richard]. Actually, tahimik siya nung nakilala ko siya.

"Pero ang kulit ko kasi. Kung saan man ako natutuwa, saan ako tumatawa, sine-share ko sa kanya.

"Parang nabigay ko na yung energy sa kanya, ang kulit niya na rin. Nahawaan ko na ng energy."

Ayon pa kay Barbie, hindi niya masasabing advantage na pareho silang nasa showbiz ni Richard para maging maayos ang kanilang relasyon.

Dahil "hindi rin naman smooth" yung mga relasyon ng aktres sa ex-boyfriends niya na galing showbiz gaya niya.

Pero sa kaso nila ni Richard, nakatulong daw ang 15-year age gap nila.

"Siguro sa edad, malayo yung edad. Hindi naman lahat, pero sa experience ko lang, mas alaga, naga-guide ako at nakikinig ako kasi there are times di ako nakikinig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobrang alpha ko, feeling ko, strong, independent woman. With him, I listen," saad ni Richard.

Si Richard ay hiwalay sa kanyang asawa na si Sarah Lahbati, kung saan mayroon siyang dalawang anak na lalaki.

Read: Ron Angeles spills details about viral video scandal

BARBIE GUTIERREZ ON WORKING WITH RICHARD GUTIERREZ

Magkatambal sina Richard at Barbie sa Blood vs Duty, ang bagong action-drama series ng ABS-CBN.

Lubos ang saya ni Barbie na magkasama sila ni Richard sa isang show, lalo't ito raw ang kauna-unahang primetime series niya na siya ay lead actress.

"Actually, nung nalaman ko, I'm so happy, sobrang happy and excited, kasi isa rin sa mga pangarap ko, of course, ay makatrabaho siya.

"Finally, nagkatotoo naman, sobrang happy," sabi ng aktres.

Kung ang ibang showbiz couples ay nagkakaproblema kapag magkasama sa isang proyekto, sa kaso raw nina Barbie at Richard ay hindi isyu ito.

Saad ni Barbie: "So far, wala pa namang conflict. But I think naman yung mga conflict, part na siya ng mga relasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"As long as na hindi naman siya dinadala sa set, na professional kami, I think that's okay."

Read: ABS-CBN releases statement amid Lopez family dispute

BARBIE IMPERIAL ON BLOOD VS. DUTY

Sa Blood vs Duty, si Barbie ay gumaganap bilang isang Muslim, at kapatid niya si Gerald Anderson.

Ibayong paghahanda raw ang ginawa ni Barbie at ng JRB Creative Production, ang business unit ng ABS-CBN na in-charge sa produksiyon ng serye.

Kuwento niya: "Ang ganda ng role ko. Ako dito ay isang Muslim, si Jamilah. Grabe yung preparations kasi compared sa ibang nagawa kong roles medyo madali siya.

"But ito, since mayroon tayong mga Muslim community, kailangan natin silang respetuhin, kailangang mag-research talaga kami.

"Bawat galaw namin tinatanong talaga namin sa Muslim Affairs, 'Tama ba ito, okay ba ito?' Kasi we don't want to offend the Muslim community."

Marami raw nadiskubre si Barbie sa kultura ng mga Muslim lalo na pagdating sa pagkain ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Isa sa mga na-discover ko, kasi mahilig akong kumain, mahilig ako magluto, so na-curious ako kung ano ang mga pagkain na niluluto nila.

"Mayroon silang ginagawa na parang niyog na burnt. Tapos, I think mayroong chicken, sobrang sarap, trinay ko siyang gawin. Tiyula itum yata ang tawag sa kanya, sobrang sarap."

Ang Tiyula Itum ay isang traditional Tausug black soup mula sa Sulu, Mindanao. Nagiging itim ang kulay ng soup dahil sa burnt coconut na inihahalo rito.

Na-enjoy rin daw ni Barbie ang pagsusuot ng nikab, hijab, at abaya—ilan sa mga tradisyunal na kasuotan ng mga babaeng Muslim.

"Oh my god! First time ko sa isang project na halos wala nang makita. Sobrang challenge yun kasi balot na balot ako and [mukha] lang talaga ang nakikita sa akin.

"But I'm so happy. I'm so grateful kasi dito sa prod na ito, JRB and, of course, sa mga directors, si FMR [FM Reyes], hindi nila ako pinabayaan. As in nandiyan siya for me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang mapapanood ang Blood vs Duty sa Netflix sa April 3; sa iWant sa April 4; at sa primetime block pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN via All TV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa April 6.

Pinagbibidahan ito nina Richard Gutierrez, Gerald Anderson, Bela Padilla, Barbie Imperial, Baron Geisler, at Geoff Eigenman.

Iprinodyus ito ng JRB Creative Production, sa ilalim ng direksyon nila Direk FM Reyes, Bjoy Balagtas, Rico Navarro, at kasama si Erwin Tagle bilang action director.

Read: Donny Pangilinan urges fans to stop hate against Belle, Shuvee

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial opens up about her relationship with boyfriend Richard Gutierrez and her bond with his mother, Annabelle Rama. During the media conference for their primetime series Blood vs Duty, Barbie proudly showcased the diamond ring and earrings gifted to her by Annabelle.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results