PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zig Dulay asked if taping will stop for Bea Alonzo's wedding

Zig Dulay reveals he's doing films with Charo Santos-Concio and Dennis Trillo.
by Julie E. Bonifacio
Published Apr 2, 2026
Zig Dulay speaks about GMA series with Bea Alonzo Whispers From The Heart; mum about Bea's wedding
Director Zig Dulay (left) on taping schedule for GMA-series Whispers From Heaven starring Bea Alonzo (right and inset) “Actually, hanggang June-July kami. Pero next year pa ipapalabas. So, marami tayong time para ayusin ang serye sa post-production." The director keeps mum, however, about Bea's reported upcoming wedding with boyfriend Vincent Co (inset) in May.
PHOTO/S: Julie Bonifacio / @beaalonzo Instagram / CTTO @ririi TikTok

Nagsimula na si Direk Zig Dulay mag-shoot para sa bago niyang teleserye with Bea Alonzo, ang Whispers From Heaven.

Ang Whispers From Heaven ay ang bagong drama series na pagsasamahan muli nina Bea at Direk Zig.

Una silang nagka-trabaho sa Widows' War noong 2024.

Last February 2026, nagkaroon ng story conference ang Whispers From Heaven at nagkaroon na rin ng script reading.

“Nag-start na kami. Nakapag-first week na kami na shoot. Last week lang. Tapos magre-resume after Holy Week. Tapos, tuluy-tuloy na,” bungad ni Direk Zig.

Hanggang kailan ang taping nila?

“Actually, hanggang June-July kami. Pero next year pa ipapalabas. So, marami tayong time para ayusin ang serye sa post-production,” sagot ni Direk Zig.

May balita na ikakasal si Bea sa fiancé niya at businessman na si Vincent Co sa May 16.

Kung tototo ito, tatamaan ang schedule ng taping nila ng Whispers From Heaven.

"I think naayos naman na lahat ang schedule," confident na sabi ni Direk Zig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang usisain kung kailangan nilang mag-break sa taping para maisingit ang kasal ni Bea, ang paiwas na sagot ni Direk Zig, "Actually, hindi ko alam in relation doon sa schedule."

Basta siniguro ni Direk Zig na kasado na ang serye.

"Basta naayos na ng mga producer namin yung schedule. And then, maliban kay Bea din kasi, meron din kasi akong ginagawa na iba.

"So, tsina-chacha nila yung ano namin, yung mga schedule namin."

Laking pasasalamat ni Direk Zig na sa isang taon pa naka-schedule ang pag-ere sa telebisyon ng Whispers From Heaven.

Pahayag ni Direk Zig, “Yun yung maganda doon, na canned yung serye.

“So, hindi siya mamamadali, mas paghahandaan, which is somehow yun naman yung gusto namin pareho ni Bea.

"Yung parang wala kaming hinahabol, parang ganoon. Hindi kami nagmamadali. Mas matututukan, mas mapapaganda. Yun, mas better.”

Read: Kathryn Bernardo at Mark Alcala, spotted sa Thailand airport; Lucena mayor, binabatikos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ZIG DULAY ON 8TH SINAG MAYNILA

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Zig pagkatapos ng Gabi ng Parangal ng 8th Sinag Maynila Independent Film Festival, na ginanap sa Gateway Cinema 11 noong March 28, 2026.

Isa si Direk Zig sa jury members ng Sinag Maynila 2026.

Ang big winner ay ang regional film na Pinikas. Humakot ng pitong award ang Pinikas kabilang ang Best Director and Best Picture.

Inamin ni Direk Zig na nahirapan siya sa deliberations para sa awards.

"Kasi siyempre, ang hirap gumawa ng pelikula lalo na sa panahon ngayon.

"So, sa tunay na buhay, yung mga gawa na pelikula kagaya ng mga entry sa Sinag Maynila, ano talaga siya, parang para makagawa ka, panalo na, parang ganoon.

“So, nire-recognize ko lahat ng effort, lahat ng binigay, lahat ng makakaya ng mga direktor.

"Tapos, marami sa kanila mga kaibigan ko, mga colleague ko, siyempre, mga direktor. Kaya alam ko yung mga pinagdaanan nila, alam ko yung mga pinaglalaban nila. Doon ako nahirapan."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At the same time, natuwa si Direk Zig dahil maraming entries sa 8th Sinag Maynila ay galing mula sa ibang rehiyon.

"Kasi, lagi nilang sinasabi noon noon pa na namamatay na ang film industry. Pero sa dami ng short filmmakers, sa dami ng filmmakers mula sa iba’t ibang regions sa Pilipinas, parang pinapasinungalingan ngayon," aniya.

"So, ang dami pa ring pag-asa, yung mga batang filmmakers. Naniniwala pa rin sila, punung-puno pa rin sila ng passion.

"Feeling ko kailangan nating kapitan yun. Kailangan nating paniwalaan yun. Sama-sama tayo itaguyod at buhayin ulit ang film industry sa Pilipinas,” saad pa ni Direk Zig.

Read: Big winners ng 8th Sinag Maynila

ZIG DULAY REVEALS HE'S DOING A FILM WITH CHARO SANTOS-CONCIO

Samantala, ibinalita rin ni Direk Zig na ang pelikulang ginagawa niya ngayon ay tampok ang dating ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio.

"I don’t know if puwede kong sabihin," sabi muna ng direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabay pag-amin din niya, "May ginagawa ako, pelikula namin ni Ma'am Charo Santos. Medyo excited ako doon.”

Hindi raw GMA Films ang producer ng pelikula.

"Sobrang excited ako doon kasi first time naming magka-work ni Ma'am Charo. Ang sarap sa pakiramdam na maka-work siya.

"And then, tinatapos namin ang pelikula at excited kami na ipalabas siya sa mga tao,” masayang kuwento pa ni Direk Zig.

May plano bang isali ang movie ni Charo sa Metro Manila Film Festival this year?

"Kung saan man," pasubali niya.

"Actually, kausap ko yung producer namin. Minabuti namin na tapusin na muna. Walang masyadong deadline, parang ganoon.

"Ayusin muna namin yung pelikula, and then after that, tinitingnan namin kung saan siya pupunta."

Bawal pa raw sabihin ang title ng movie nila ni Charo.

Bukod dito ay may isa pang pelikulang pinaghahandaan si Direk Zig.

"Tapos yung bago ko ay excited ako na maka-work ulit si Dennis Trillo,” pagbubulgar ni Direk Zig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang proyektong iyon ay ipoprodyus ng GMA Films.

"Pero hindi pa... Siyempre sa ngayon, hangga’t hindi pa kami nagsu-shoot, hangga’t hindi pa ready, medyo mahirap pa magsalita ng tapos. Pero excited na ako sa pelikula.

“Hindi pa puwedeng sabihin ang title, e. Hindi rin siya period film. Pero nag-shoot kami sa Palawan kay Ma'am Charo. Yung kay Dennis dito lang," pagtatapos ni Direk Zig.

Ang huling pelikula ni Direk Zig ay ang 2023 Metro Manila Film Fest entry na Green Bones, na pinagbidahan nina Dennis at Ruru Madrid.

Read: Maine Mendoza joins Atayde family gathering amid breakup rumors

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Zig Dulay (left) on taping schedule for GMA-series Whispers From Heaven starring Bea Alonzo (right and inset) “Actually, hanggang June-July kami. Pero next year pa ipapalabas. So, marami tayong time para ayusin ang serye sa post-production." The director keeps mum, however, about Bea's reported upcoming wedding with boyfriend Vincent Co (inset) in May.
PHOTO/S: Julie Bonifacio / @beaalonzo Instagram / CTTO @ririi TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results