PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VMX movies that turned up the heat in March 2026

VMX sexy stars ignited the fire last month.
by Jerry Olea
Published Apr 5, 2026
vmx movies march 2026
VMX SEXY STARS IN MARCH 2026: (main photos, from left) Skye Gonzaga in Tuklas, Apphle Celso in Scorpio Nights 4, and Ayanna Misola in Ligo; (insets) Aliya Raymundo and Zel Fernandez in Abot Langit; Je Ann Fortich, Cheena Dizon, and Queenie de Mesa in Maid's Obsession.
PHOTO/S: VMX Philippines

Tag-init na kung Marso, at ito ang Fire Prevention Month, at Buwan ng Kababaihan.

Sa unang linggo ng Marso 2026 ay isyu ang “pag-iinit” ni Quezon City Fourth District Representative Jesus “Bong” Suntay kay Anne Curtis.

Pinagpiyestahan ang intimate videos ng The Big Four kabilang ang dating nag-VMX na sina Arron Villaflor at Nikko Natividad.

Lumabas din ang intimate video ng VMX actor na si Nico Locco.

Ang buong buwan ng Marso 2026 ay sakop ng Kuwaresma, subalit noon pa man ay hindi iyon hadlang sa paghahatid ng VMX ng mga mapangahas na pelikula.

Naka-lineup sa Abril 2026 ang VMX streaming ng Stepdaddy, Sawsawan, Halina ni Aliya, Tayuan 2, Kesong Puti, at Barurot 2.

Kasado sa Mayo ang Check-In, Pasakalye, at Scissors.

Read: PEP Troika’s Choice: Noteworthy VMX Films of 2025

SINE SILIP FILM FESTIVAL

Kailan kaya mag-i-streaming ang tatlo pang kalahok sa inaugural Sine Silip filmfest na Dreamboi, Haplos sa Hangin, at Babae sa Butas?

Best actor ng Sine Silip 2025 si Martin del Rosario para sa Haplos sa Hangin na na-X ng MTRCB sa unang review.

Yung Dreamboi na dalawang beses na-X ng MTRCB ay humakot ng walong tropeyo sa awards night.

Wagi ito sa mga kategoryang best film, best director (Rodina Singh), best supporting actor (Migs Almendras), best cinematography, best editing, best production design, best sound, at Audience Choice Award.

Noong Oktubre 22-28, 2025 ginanap ang unang Sine Silip filmfest.

Nag-streaming na sa VMX ang uncut version ng entries dito na Maria Azama: Best P*rn Star at Pagdaong noong Disyembre 2025, at yung Salikmata at Ang Lihim ni Maria Makinang nitong Enero 2026.

Ang sabi ni Direk Rodina ay walang director’s cut ang Dreamboi.

dreamboi cinesilip

Hindi pa rin makahabol sa VMX ang ibang erotic streaming platforms gaya ng CinePOP, Star SineMax, Beetzee Play, at Tbonx.

Yung AQ Prime, hanggang paramdam pa rin lamang.

Read: Hubadero 2025: From Tease to Total Reveal—Male Celebs Who Bared

VMX OFFERINGS IN MARCH 2026

At any rate, narito ang mga handog ng VMX noong nakaraang Marso…

LIGO

Special feature (1 hour 12 minutes) hosted by Ayanna Misola, directed by Roman Perez Jr.

Nag-streaming umpisa Marso 3, 2026, Martes.

Sabi ni Ayanna sa intro: “Papaliguan kita ng mga kuwentong hindi takot sumubok, magkamali, at sumabay sa init ng damdamin.

“Mga kuwento kung saan ginagamit ang akto ng pagligo para ipakita ang iba’t ibang pinagdadaanan ng ating mga bida.”

ayanna misola ligo
Ayanna Misola in Ligo
Photo/s: VMX Philippines

Tampok dito ang video clips mula sa labing-isang pelikula ng VMX:

Taya — AJ Raval at Sean de Guzman

Init — Dyessa Garcia, Rash Flores, at Rome Guinto

Las Ilusyunadas — Angeline Aril, JD Aguas, at Jenn Rosa

Maninilip — Ashley Lopez, Aerol Carmelo, Rinoa Halili, at Chester Grecia

Ligaw — Robb Guinto, JC Tan, at Ali Asistio

Nympho — Jenn Rosa, Mark Monares (credited as Mark Morales), Vince Rillon, at Tom Samonte

Panibugho — Micaella Raz at Kiko Estrada

Bedspacer — Micaella Raz, Christine Bermas, at Ronie Palermo

Alapaap — Kat Dovey, Andrea Garcia, Chesca Paredes, Josef Elizalde, Ali Asistio, at ang nag-frontal nudity na si Luke Selby, may bonus pang lalaking ekstra na nagpasilip din ng private part

Madulas — fivesome nina Astrid Lee, Rhea Montemayor, Cheena Dizon, Liana Rosales, at Marco Mora

Unang Tikim — Angeli Khang at Robb Guinto

SUNDUTAN

GL drama (1 hour 13 minutes) directed by Rodante Pajemna Jr. Nag-streaming umpisa Marso 6, 2026, Biyernes.

Sa istorya, bagong laya si Daniela A. Cruz (Jade Esguerra). Pitong taon siyang nakulong dahil sa pagnanakaw sa bangko.

Bagong lipat siya sa apartment. May butas sa dingding.

Nasilip niya ang sexy time ni Rhoda (Zia Zamora) at ng sekyu na si Isko (Primo Angeles).

Naligo si Daniela. Afterwards, nakiligo ang neighbor niyang si Alona (Allison Ross). Nag-kiss sila, at nagkiskisan. Nagkuskusan, nagkaskasan.

Empleyado sa isang pawnshop si Isko, kung saan ang boss na si Rico (Mark Dionisio) ay boyfriend ni Alona. Nagsundutan at nagdutdutan siyempre sina Alona at Rico.

Sa isang eksena, piniringan ni Alona si Rico. Sa kanilang pagniniig, walang kamalay-malay si Rico na may special participation si Daniela.

Read: Top 10 Most-Watched VMX Movies of 2025

sundutan vmx
Photo/s: VMX Philippines

ABOT LANGIT

Sexy romance (1 hour 11 minutes) sa direksyon ni Topel Lee. Nag-streaming umpisa Marso 13, 2026, Biyernes.

Trainees para maging flight attendant sa Asian Pearl Airline ang magkasintahang sina Vanne Laxamana (Aliya Raymundo) at Patrick John Vergara (JC Tan).

Sa umpisa pa lang ay nakakalula na ang kanilang biyaheng langit.

Gigil kay Patrick ang kapwa trainee na si Pia Alcantara (Zel Fernandez). Ang sabi ng hitad, “Hindi naman kita inaagaw; hinihiram lang kita. Gusto lang kitang matikman.”

Palay na ang lumapit, tatanggi pa ba ang manok? Nag-quickie sila sa comfort room.

Narinig ni Vanne ang mga ungol ni Pia. Super-deny ang isip-batang si Patrick nang kumprontahin siya ni Vanne.

Napatunayan ni Vanne na cheater ang boyfriend. Ang ebidensya, naka-video sa cellphone ni Patrick ang pakikipagniig nito sa isang unnamed girl (Aziely Gonzales).

Lintek lang ang walang ganti. Nakipag-car fun si Vanne kay Sir Emil Sevilla (Jio Yoshida), na anak pala ng ninong niya.

Dinala rin ni Sir Emil sa langit si Reggie Soriano (Jetleleine Esquivel), or is it Reggie Salazar?

Sa nameplate ay Soriano ang surname ni Reggie, pero ang tawag sa kanya ni Miss Delgado (Rosalind Pajarillo) ay Miss Salazar. Anyare?

abot langit vmx
JC Tan, Aliya Raymundo, and Zel Fernandez in Abot Langit
Photo/s: VMX Philippines

VIGILANTE

Action drama (1 hour 36 minutes) ni Christian Paolo Lat. Nag-streaming umpisa Marso 17, 2026, Martes.

Kagaya ng Tenement na pinagbidahan nina Arron Villaflor at Marco Gallo, na nag-streaming sa VMX noong Pebrero 17, 2026, salat sa hubaran ang Vigilante.

Walang butt exposure. Walang pa-boobey.

Bida rito sina Diego Loyzaga at Robb Guinto. Meron silang kissing scene.

Nasa cast din sina Vince Rillon, Archi Adamos, Raffy Tejada, Adriel Tayag, at Roel Lacap.

vigilante vmx
Photo/s: VMX Philippines

TUKLAS

Sexy drama (1 hour 13 minutes) na idinirek at ni-line produce ni Mr. D. Nag-streaming umpisa Marso 20, 2026, Biyernes.

Ito ang unang Bisaya VMX original, at bida rito ang mga true-blooded Bisaya. Na-showcase dito ang Visayan music.

Sex… promotion… or both?

Sa istorya, cum laude ang bagong graduate na si Christopher “Chris” Alvarado (Chino Villaluna).

Sa celebration ni Chris kasama ang dalawang lalaking kabarkada sa isang bar, naka-one night stand niya ang isang kahali-halinang babae.

Natanggap si Chris na Junior IT specialist sa Meridian Records. Sales manager doon ang babaeng nakatikiman niya, ang ambisyosang si Annalee “Anna” Villanueva (Skye Gonzaga).

Kalampungan din ni Ma’am Anna ang Vice President for Sales na si Anthony Reyes o Sir Tony (Denzel Cruza).

Nabosohan ni Chris ang puksaan nina Ma’am Anna at Sir Tony. Nagparaos si Chris.

Girlfriend ni Chris si Liza (Keesha Falcon), na gustong humarap sa altar na isang birhen.

Kaharutan din ni Ma’am Anna ang co-worker na si Janet (Alexa Armecin).

Mapo-promote ba si Ma’am Anna? Sino ang nanggagamit kanino?

Ang susi sa pagtuklas ay si Sheena Ramos.

Read: Hubadero 2024 Yearender: Male Celebrities Who Dared To Bare

skye gonzaga in tuklas
Skye Gonzaga in Tuklas
Photo/s: VMX Philippines

MAID’S OBSESSION

Sexy drama (1 hour 13 minutes) sa direksiyon ni Ronald Batallones. Nag-streaming umpisa Marso 27, 2026, Biyernes.

Ang setting ay bago magkagulo sa Middle East na nagbunsod sa pagtaas ng presyo ng fuel.

Mansion ang tahanan ng mas-asawang Robert (Ardy Raymundo) at Agnes (Je-Ann Fortich) pero isa lang ang kanilang kasambahay, si Martha (Cheena Dizon) na college student.

Balak nina Ma’am Agnes at Sir Robert na magka-baby na, kaya kumuha sila ng isa pang kasambahay, si Heidi (Queenie de Mesa) na nag-iipon para makapag-Dubai.

Hinaing ni Heidi: “Ayoko nang maging katulong dito sa atin. May Batas Kasambahay nga pero sa papel lang naman. Hindi talaga nai-implement.

“Andaming hindi naka-register. Yung iba, hindi nila alam na may karapatan pala sila.

“Ang mas malala pa, yung iba, inaabuso ng mga amo nila. Kaya gusto ko talagang makapag-Dubai.

“Yung mga hotel doon, maayos ang sistema. Mas malaki ang kita.”

Siyempre, nasilipan ng dalawang kasambahay ang sexy time nina Sir at Ma’am.

Kaharutan ni Heidi ang boyfriend niyang si Arman (James Vasquez). May tarayan at competition sa pagitan ng dalawang housemaid.

Gaya ng dapat asahan, nagkaniig din sila.

maid's obsession vmx

SCORPIO NIGHTS 4

Erotic thriller (1 hour 23 minutes) sa direksiyon ni Bobby Bonifacio Jr. Nag-streaming umpisa Marso 31, 2026, Martes Santo.

Pagbabando ng VMX: “The boldest Scorpio Nights ever starring the newest VMX it-girl, Apphle Celso. A countryside boy rents a room from a couple and discovers a hole exposing their secrets.

“His voyeurism leads into tangled affairs with two women, unraveling a twisted game of lust and betrayal.”

Ang OG na Scorpio Nights (1985) ay tinampukan nina Anna Marie Gutierrez, Orestes Ojeda, Daniel Fernando, at Amanda Amores sa direksiyon ni Peque Gallaga. Totohanan ang pagpo-frontal dito ng mga artista.

Ang South Korean film na Summertime (2001) directed by Park Jae-ho ay inspired nito.

Ang Scorpio Nights 2 (1999) ay pinagbidahan nina Joyce Jimenez at Albert Martinez, sa direksyon ni Erik Matti. Iba ang istorya nito.

Ang Scorpio Nights 3 (2022) ay pinagbidahan nina Christine Bermas, Mark Anthony Fernandez, at Gold Aceron, sa direksiyon ni Lawrence Fajardo.

Inspired ito ng OG na Scorpio Nights. Homage. Iniba ang ending.

NKKLK ang frontal nudity rito nina Gold at Mark Anthony. Pahabaan ng prosthetic penis.

Sa Scorpio Njghts 4, ang promding si Marlo (Marco Mora) ay nangupahan sa bahay ng mag-partner na Kenzo (Albie Casiño) at Amor (Sahara Bernales).

October-born si Marlo, kaya Scorpio ang kanyang zodiac sign.

Sa kuwarto ni Marlo, may butas. Kita ang mga kaganapan sa inuupahang kuwarto ng adult content creator na si Nila (Apphle Celso).

Sinilipan ni Marlo si Nila habang pinapaligaya ang sarili, at nag-hello ang dildo o prosthetic penis ni Marlo sa pagsasariling-sikap.

Nabosohan din ni Marlo ang pakikipagniig ni Nila kay Kenzo.

Minsan ay sabay sina Marlo at Amor sa panonood kina Kenzo at Nila, at nag-display muli ng dildo si Marlo.

Kapagkuwan ay sina Kenzo at Amor ang nanood sa pagtatalik nina Marlo at Nila.

Madugo at marahas sa sukdulan ng kuwento, na iba rin sa mga naunang Scorpio Nights.

“Malalaspag ka sa sarap!” bulalas ng isang karakter.

May “double Kenzo” (Renz Tantoco) sa credits sa dulo ng pelikula.

Ang tinig ng banyaga na client ni Nila ay kay Direk Christian Paolo Lat.

Read: VMX stars set to dazzle at Sinag Maynila 2026

scorpio nights 4
Photo/s: VMX Philippines
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
VMX SEXY STARS IN MARCH 2026: (main photos, from left) Skye Gonzaga in Tuklas, Apphle Celso in Scorpio Nights 4, and Ayanna Misola in Ligo; (insets) Aliya Raymundo and Zel Fernandez in Abot Langit; Je Ann Fortich, Cheena Dizon, and Queenie de Mesa in Maid's Obsession.
PHOTO/S: VMX Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results