PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jake Cuenca, Rabiya Mateo's flirty exchange sparks kilig from fans

Netizen: “Grabe ang banat ng isang Jake Cuenca.”
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 2, 2026
Jake Cuenca and Rabiya Mateo trade flirty messages on Instagram
Fans can’t help but swoon as Jake Cuenca drops a flirty comment on Rabiya Mateo’s Instagram post.
PHOTO/S: @starmagicphils / @rabiyamateo Instagram

Kinakiligan ng maraming netizens ang muling pagpapalitan ng komento sa Instagram nina Jake Cuenca, 38, at Rabiya Mateo, 29.

Noong March 29, 2026, ibinahagi ni Rabiya ang mga larawan niya na kuha sa dinaluhan niyang kasal sa Chiang Rai, Thailand.

Sa ilang larawan, makikita ang beauty queen turned actress na nagpa-picture katabi ang dalawang elepante.

“Wedding szn. Honored to witness a forever kind of love. Wearing @theruffyitaas @ruffyouright," mababasa sa kanyang caption.

Marami sa tagahanga at kaibigan ni Rabiya ang nag-comment sa nasabi niyang post, kabilang na rito si Jake.

Nabibighaning saad ni Jake, kalakip ng smiling face with heart eyes emoji, “Breathtaking. Definitely not looking at the elephant."

Hindi naman ito inatrasang replayan ng dating Miss Universe Philippines ng (published as is), “@juancarloscuenca keep looking," sabay smiling face emoji.

Jake Cuenca and Rabiya Mateo flirty exchange
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Are Jake Cuenca and Rabiya Mateo an item?

NETIZENS' reactions

Ang palitan ng komento ng dalawa ay kinakiligan ng marami nilang tagahanga.

Saad ng isang netizen, "Grabe ang banat ng isang Jake Cuenca. Yung wala ka namang planong kiligin pero ngayon kinikilig ka."

Sabi pa ng isa, “Feeling ko talaga kayo ang end game.”

"The best actor and the beauty queen. Wala na may nanalo na, magsiuwian na tayong lahat," dagdag pa ng isa.

Read: Zig Dulay asked if taping will stop for Bea Alonzo's wedding

JAKE CUENCA and RABIYA MATEO GETTING TO KNOW EACH OTHER

Hindi ito ang unang beses na mag-comment si Jake sa Instagram post ni Rabiya.

Noong March 22 ay nag-iwan din siya ng komento sa selfie ni Rabiya.

Heart-eyes emoji ang iniwang comment ni Jake, na agad namang nireplayan ni Rabiya ng smiling face with halo emoji.

Malinaw na nagkakamabutihan ang dalawa.

Bago pa kasi ang sweet IG exchanges nila, naispatan sina Jake at Rabiya na magkasama sa isang restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig, noong March 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkasama rin silang dumalo sa birthday party ng Kapuso child star na si Sienna Stevens noong March 29.

Malapit sa isa’t isa sina Rabiya at Sienna matapos silang magsama sa GMA Prime series na Royal Blood noong 2023.

Jake Cuenca and Rabiya Mateo attend Sienna Stevens’ birthday after BGC sighting
Jake Cuenca and Rabiya Mateo attend Sienna Stevens’ birthday after BGC sighting
Photo/s: Sienna Stevens on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Jellie Aw at war with siblings over issues of money, Jam Ignacio

JAKE CUENCA ADMITS TO DATING SOMEONE

Samantala, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainmen Portal) kay Jake noong March 10, kinumpirma niyang siya ngayon ay nakikipag-date na ulit.

Sabi ng aktor: "Well, I'm single... I'm in that stage where I'm enjoying my time. That's also part of enjoying Jake's life.

"So parang, I'm finding myself again. And I'm really lucky to be meeting, like, amazing people at the same time.

"Really fortunate to be meeting, like, you know, amazing people who are great company as well."

Si Chie Filomeno ang huling nakarelasyon ni Jake. Habang si Rabiya naman ay ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fans can’t help but swoon as Jake Cuenca drops a flirty comment on Rabiya Mateo’s Instagram post.
PHOTO/S: @starmagicphils / @rabiyamateo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results