PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ashley Sarmiento admits Rave Victoria is boyfriend material

Ashley Sarmiento still okay working with loveteam partner Marco Masa.
by Mark Angelo Ching
Published Apr 3, 2026
ashley rave pbb celebrity collab 2.0
Kapuso young actress Ashley Sarmiento clarifies that she and Kapamilya hunk Rave Victoria is still in the getting-to-know-each-other stage: “As of now po talaga, kinikilala ko pa rin po siya and as well gusto ko rin po na mas makilala niya pa rin ako."
PHOTO/S: Mark Angelo Ching / Khryzztine Joy Baylon

Inamin ni Ashley Sarmiento na may chance maging opisyal ang relasyon nila ng manliligaw na si Rave Victoria.

Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa young actress, boyfriend material ba ang binatang nakilala niya sa Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition 2.0?

“Opo!” mabilis niyang sagot. “Sobrang bait po kasi talaga ni Rave, marespeto po siya.

"And ayun po, gaya po ng sabi ko, super honest po niya and super genuine.

"So, natutuwa po ako na kung sino po yung nakilala ko po na Rave sa loob po ng Bahay ni Kuya, ganoon pa rin po siya sa labas.”

Nakausap ng PEP si Ashley sa mediacon ng PBB Celebrity Collab 2.0 Kapuso ex-housemates noong March 25, 2026.

Read: How PBB housemates John, Lee, Ashley, Princess spoil their dogs

SWEET GESTURES

Sa ngayon, nasa getting-to-know stage pa lang daw sina Ashley at Rave.

Natutuwa raw ang dalaga na consistent ang fitness influencer sa pagiging sweet sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lagi po siyang nagbibigay ng flowers. One time, we had a dinner tapos may mga naglalako ng flowers, tapos he got me a flower po.

"So more than anything naman po, mas natutuwa po talaga ako sa effort po niya mismo, e, hindi po sa kung ano po talaga yung materials na ibinigay niya.

"Pero na-appreciate ko po yun lahat,” sabi ng 19-year-old Kapuso actress.

Nagustuhan din daw niya ang pagiging family-oriented nito. Close na nga raw si Rave sa pamilya ni Ashley.

Gayunpaman, hindi pa rin daw siya handang sagutin ang guwapong suitor.

“As of now po talaga, kinikilala ko pa rin po siya and as well gusto ko rin po na mas makilala niya pa rin ako,” paliwanag ni Ashley.

Pero kung naging officially in a relationship sila ay gusto niyang ipagmalaki si Rave sa publiko.

Saad ni Ashley: “I appreciate his efforts po talaga sa akin and I think deserve din po niya na mapagsigawan din naman po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mapagsigawan? I don't know the other term, pero yun po yung naisip kong term.

"And ayun nga po, nakaka-proud din naman po kasi talaga na magkaroon ng ganoong klaseng tao na very vocal po sa iyo at ipinagmamalaki po kayo."

Read: Rave Victoria recalls asking permission to court Ashley Sarmiento

NO MORE ASHCO?

Sa paglayag ng tambalang AshRave, tila nabuwag na ang AshCo tandem nina Ashley at Marco Masa.

Magka-loveteam ang dalawa bago pa sila sabay pumasok sa Bahay ni Kuya.

AshCo ang featured pairing sa Maka, ang youth-oriented drama show ng Kapuso network na natapos noong 2025.

ashley marco loveteam maka
Photo/s: GMA Network
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paglilinaw ni Ashley, wala namang conflict ang AshRave at AshCo.

“Kasi po yung sa amin naman po kasi ni Rave, hindi naman po siya, like, loveteam at all.

"Nabuo lang... nagka-crush lang po kasi talaga ako sa kanya sa loob ng bahay.

"Tapos parang yun na po, shinip po kami ng fans since nawi-witness nga po ng mga tao na nanonood po sa amin.

"So, hindi naman po siya, like, for the loveteam."

Magkaibigan lang din daw sila ni Marco, at alam nilang dalawa na ang AshCo ay para sa showbiz lang.

Paliwanag ni Ashley: “Kami po ni Marco, before going inside and before anything else, we're really good friends po talaga, super.

"So, ayun po, I think yung love team naman po namin, we're doing it for work and for the people that support us."

Okay lang din daw sa Kapuso young actress kung magkaroon pa uli ng project ang AshCo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Open po talaga ako makipag-work pa rin po kasi si Marco, magaling po siya talaga na artista and I really have fun. I really like working with Marco as well po,” saad ni Ashley.

Read: Wolfgang frontman Basti Artadi ejects heckler at Davao concert; calls him "bastos"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso young actress Ashley Sarmiento clarifies that she and Kapamilya hunk Rave Victoria is still in the getting-to-know-each-other stage: “As of now po talaga, kinikilala ko pa rin po siya and as well gusto ko rin po na mas makilala niya pa rin ako."
PHOTO/S: Mark Angelo Ching / Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results