Ikinuwento ni Precious Lara Quigaman ang “very dark moment” ng buhay niya ukol sa pag-ibig.
Si Lara ay kinoronahang Miss International 2005 at pinasok ang pag-aartista.
Ikinasal siya kay Marco Alcaraz noong 2011 at kasalukuyan naninirahan ang kanilang pamilya sa Canada.
Pero bago ang kanyang masayang buhay pag-ibig, nagkaroon muna noon ng relasyon si Lara na naging abusive.
Tumagal daw ito ng tatlong taon.
Sa taon ng kanyang pagkapanalo bilang Miss International, nagkaroon siya ng showbiz career at love life.
Ironically, iyon daw ang “lowest point” ng buhay niya.
“It was everything I thought I wanted,” pag-amin ni Lara sa interview ni Karen Davila noong April 1, 2026.
Sa kabila raw ng pagiging beauty queen, artista, at pagkakaroon ng love life, “something is wrong, something is missing.”
Masaya raw siya sa harap ng camera, pero “hindi okay” kapag wala nang camera.
Nasa relasyon daw siya na “definitely did not glorify God.”
Aniya, “So it became abusive physically, emotionally, so talagang ang hirap…”
Read: Lara Quigaman now works as a preschool teacher in Canada
lara quigaman on ABUSIVE RELATIONSHIP
Maraming detalyeng ibinigay si Lara tungkol sa kanyang abusive relationship.
“So, it was really… I felt so trapped. So feeling ko talaga there was no way for me to escape, and feeling ko hindi na ako kayang patawarin ni Lord, because of everything that’s going on in my life,” pagdedetalye niya.
“I felt like super lost… no hope…”
Pag-amin niya pa, “And I felt that the only way that I could escape the relationship was if mamatay yung guy.”
Bukod sa sobrang lugmok ni Lara, pakiramdam daw niya ay kasalanan niya ang kanyang kinlalagyan.
“I was trapped that nobody could ever love me anymore,” saad ng beauty queen.
Nagdadasal siya pero pakiramdam daw niya ay hindi siya pinapakinggan ng Diyos, “because I’m living in sin.”
Pakiramdam daw ni Lara, “God is never gonna forgive me…”
Hindi raw niya ito ipinaalam sa ina na noon ay naninirahan sa Canada.
Nagagalit na raw sa kanya ang mga kaibigan na nakakaalam sa kanyang sitwasyon.
Ipinaliwanag ni Lara kung bakit hindi niya magawang makipaghiwalay sa abusadong kasintahan.
“Kapag nandun ka na pala sa isang relationship na abusive, even though you wanna get out, you feel like you cannot because you feel like nobody else will love you anymore, and you deserve to be there, kasi ‘kasalanan mo iyan, e. Ginusto mo ‘yan, e,’ parang ganun.”
HOW lara quigaman GOT OUT OF THE RELATIONSHIP
Kuwento ni Lara, mayroon naman daw siyang relasyon sa Diyos noon subalit pakiramdam daw niya ay hindi pinapakinggan ang kanyang dasal.
Hanggang sa biglang dumating ang kanyang ina na tinulungan siyang ayusin ang kanyang buhay.
Nagising daw isang araw si Lara at nagulat na nasa tabi ang inang umiiyak. Niyakap daw siya ng ina at sinabihang aayusin nila ang problem ani Lara.
Umuwi raw siya pabalik sa Pilipinas. Hindi raw alam ni Lara kung sino ang nagsumbong sa kanyang ina.
Kinausap daw ng kanyang ina ang lalaki at ang pamilya nito at sinabihan silang, “Please leave Lara alone.”
Iyon daw tumapos sa masamang relasyon ni Lara.
“Kasi, ako, I don’t think I would have left if it wasn’t for my mom coming over and putting me away,” pag-amin ng aktres.
Pakiramdam daw ni Lara, ginamit ng Panginoon ang kanyang ina upang iligtas siya.
“No judgment from my mom. Niyakap niya lang ako [at sinabing], ‘We’re gonna do something about it.’
“God heard my cries kahit feeling ko hindi niya ako naririnig.”
lara quigaman ON HER RECOVERY
Inabot daw ng maraming taon bago naka-recover si Lara.
Pero pag-amin niya, hindi pa ri niya tuluyang nakakalimutan ang masamang yugtong iyon.
“It took a while, many, many years… even now may times that I would still feel very guilty about it. Even though parang iniisip ko, ‘Kasalanan ko ba?’ Obviously, I did play a part in it.”
Kahit daw nang ikasal siya kay Marco noong 2011, bumabalik at bumabalik sa kanya ang madilim na yugtong iyon.
“Until I fully surrendered my life to Jesus talaga. I had to preach to myself that God took away my shame. He already took away my guilt, pero, obviously, it still comes from time to time.”
May mga pagkakataong naging bahagi si Lara ng spiritual organizations at ibinabahagi ang kanyang karanasang ito.
Nais daw niyang ipakita sa tao kung paano siya nakahanap ng salvation.
“Where I was before na akala ko there’s no escape, where I felt I was really so trapped, na wala na talagang pag-asa.”
Diin ni Lara, “Pero ganoon talaga yung feeling, para talagang wala, wala na. Wala nang magmamahal sa akin, parang feeling ko damaged goods.”
Pero sa kanyang karanasan, nais niyang ipakita na may pag-asa pa.
“Akala natin tayo ang may kasalanan, that’s why it’s so hard to get out of it, e. Kasi you feel that you deserve to be there, na 'kasalanan mo iyan, pagtiisan mo.’
“But, no,” din ni Lara. “There’s always hope, there’s always a way out, and God always uses people to bring you out of that.”
Nang makilala raw niya si Marco, natagpuan ni Lara ang taong tunay na magmamahal sa kanya.
Si Marco raw ang kabaliktaran ng naging karelasyon noon ni Lara.
Ito raw ang dahilan kung bakit ang tawag niya sa asawa ay “answered prayer.”
Sina Lara at Marco ay may tatlong anak na lalaki.

