Malayo na ang narating ng isang Pilipinong dating artista na isa nang accomplished medical worker ngayon sa healthcare industry sa Geneva, Switzerland.
Ito ang success story ni Manuel John Cañero, o mas kilala sa showbiz bilang si John Paul Cañero. Dati siyang aktor, singer, at commercial model.
Nakipagsapalaran bilang nurse sa Switzerland noong 2012, isa na ngayong chief nurse sa isang nursing home si John Paul sa Geneva, na itinuturing na global standard in terms of healthcare.
“I never imagined that one day I will be leading a team of Swiss, multi-cultural people, actually, very diverse…” pahayag ni John Paul.
Part-time teacher din siya sa isang university sa Geneva at nagtuturo ng healthcare system. Ang mga estudyante niya ay first and second year students.
Fifteen years na siyang nasa nursing field at 20 years nang nasa entrepreneurship, kuwento ni John Paul sa YouTube interview ng nurse at content creator na si Ann Yam noong March 22, 2026.
Kumukuha rin ngayon si John Paul ng Master’s degree na Advanced Studies in Management in Healthcare Organization. Isinasabay niya ito sa kanyang trabaho.

Read: Lara Quigaman on abusive ex-boyfriend: "I'm living in sin."
JOHN PAUL’S SHOWBIZ HISTORY
Nakilala si John Paul sa showbiz noong mid-'90s, pero bata pa lamang ay gumagawa na raw siya ng commercials.
Para sa mga batang ‘90s, si John Paul ang modelo sa kilalang anti-diarrhea medicine commercial.
Bukod dito, marami rin siyang ginawang commercials ng kilalang produkto for personal hygiene, mga gamot, at home care products.


“Bata pa lang ako talaga, mahilig na akong humarap sa salamin,” pagbabahagi ni John Paul.
“Nag-continue iyan, nagtuluy-tuloy. Umabot ako sa point na I joined Mr. Pogi sa Eat Bulaga!
“We are the batch before Jericho Rosales in Eat Bulaga!”
Si Jericho ay hinirang na grand winner sa male artista search ng noontime show noong 1996.
Nakasama rin si John Paul sa Filipino films noon.
Ginampanan niya ang role ng young Ricky Davao sa Ang Lihim ng Golden Buddha (1989).
Nakasama niya sina Ice Seguerra, Meryll Soriano, Migui Moreno, at Spencer Reyes sa Computer Kombat noong 1997.
Noong 1998, nakasama niya sina Maricel Soriano at Ace Vergel sa Sige, Subukan Mo, at sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa Labs Kita… Okay Ka lang?
Naging member siya ng all-male boyband na Idolzone na nagpe-perform noon sa ASAP at ka-miyembro sina Migui Moreno at Oliver Padilla.

Kuwento ni John Paul, minsan ay nakikilala pa rin siya ng mga OFWs sa Switzerland.
Sabi niya, “Despite of the years na hindi na ako nag-aartista, they still appreciate and recognize me.”
Pag-amin ni John Paul, “Nakaka-miss… nami-miss ko yung mga TV guestings, nami-miss ko yung mag-perform sa TV…
“But then again, in every situation hindi naman coincidence kung bakit tayo nasa ganitong situation,” paliwanag niya ukol sa pagiging nurse.
Nasa train at nakikilala siya ng mga kapwa Pilipino.
Read: Jimuel Pacquiao, wagi sa boxing; Eman Bacosa, may congratulatory message

JOHN PAUL ON BECOMING A NURSE
Bagama’t pinasok ang pag-aartista, napunta sa pagiging nurse si John Paul.
Naniniwala si John Paul na may dahilan ang mga nangyayari sa buhay ng tao.
Nagtapos siya ng Nursing sa Trinity University of Asia o St. Luke’s College of Nursing.
Ang kanyang kuwento ay katulad daw ng maraming OFWs na nakikipagsapalaran sa ibang bansa para sa pamilya.
“For me, the essential thing is explore. And naisip ko din dati na, kagaya ng mga Pilipino, they always go out as OFW[s] to work abroad. They also bring their dream with them with their family,” paliwanag niya.
“’Yun naman yung driving force, it’s always to help the family.”
Tulad daw ng tipikal na OFWs, marami rin siyang naranasang hirap.
“Yun ang mga driving force natin, especially for me…” kuwento ni John Paul.
Pagdating sa Switzerland, naging working student siya. Nagsimula siya bilang private nurse sa Switzerland at nag-alaga ng elderly, habang isinasabay ang pag-aaral.
Bukod sa pag-aalaga, naranasan din daw niyang magtrabaho bilang tagalinis ng mga bahay, masahista, at barbero sa mga kapwa Pilipino roon.
Pabiro niya pang sabi, "To all the Filipinos living in Geneva, Switzerland, I know you know me."
Sundot niya, “Sometimes they ask me, ‘Why are you doing this? You’re an actor in the Philippines.’
“For me, there’s nothing to be ashamed of and this is part of me growing and discovering things," katuwiran ni John Paul.
Naranasan din daw niyang maglinis ng simbahan sa Geneva.
“That’s part of my journey here in Switzerland,” sabi niya.
At mula sa pagiging artista, nakita raw ni John Paul ang kanyang purpose sa healthcare industry.
“We are also finding our path, we are also finding our purpose in life,” paliwanag niya.
“And I believe that in this kind of business, my purpose is to give back and to care in the field of service.
“I think I know that I will excel in this part and that I can share more to people, not only to my fellowmen, but also to other people around me.”
