Pumanaw na ang gay impersonator at stand-up comedian na si Michelle O'Bombshell, Roderic "Ador" Cuntapay sa tunay na buhay, ngayong Lunes, April 6, 2026.
Siya ay 48.
Kinumpirma ng ilang malalapit na kaibigan at kasamahan sa industriya ang pagpanaw ni Michelle.
Wala pang detalye kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng performer na kilala sa kanyang panggagaya kay dating US First Lady Michelle Obama.
Read: Drag Race Philippines contestant Misua dies at 27
TUESDAY VARGAS PAYS TRIBUTE TO "ADOR"
Kabilang sa nagbigay-pugay kay Michelle ay ang singer-comedienne na si Tuesday Vargas.
Mensahe ni Tuesday sa kanyang Facebook post ngayong araw: "Para sa iba ikaw si Michelle
"Pero para sa akin ikaw ang nag iisang Ador ng buhay ko. Nung isang araw lang ay naalala kita tapos nagising ako ngayon sa balitang ito.
"You will be missed Ador."
Nagkakilala sina Tuesday at Michelle nang kapwa estudyante pa lamang sila sa University of the Philippines at naging miyembro ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Komunikasyon (SAMASKOM).
Pagpapatuloy ni Tuesday: "Salamat sa lahat ng mga naituro mo sa akin lalo na sa pag susulat at pag perform.
"Marami ang hindi nakaka alam pero 16 lang ako nung naging myembro ako ng UP Samaskom at si Ador ang unang nag tiwala sa akin. Siya ang una kong mentor at direktor.
"Hanggang ngayon ndi ko matanggap pa pero alam kong nasa piling ka na ng Dyos.
"Salamat salamat salamat Ador.
"Hindi naging mabait ang mundo sa atin pero hanggang sa huli ay performer ka pa din at nagbibigay saya kahit minsan ay mahirap na.
"Mahal ka namin Ador. Rest in power.
"I will forever be grateful to you."
OTHER TRIBUTES
Narito pa ang ibang mga mensahe ng mga kaibigan ni Michelle na nag-post sa social media tungkol sa kanyang pagpanaw, kalakip ang mga larawan nila noong nabubuhay pa ang impersonator:
JOHN LAPUS
"Nak Michelle O'Bombshell mahal ka ng Mama."
BOOBAY
"I love you so much po Te Michelle O'Bombshell… May you find everlasting peace…
" I will never forget all the learnings… Until we meet again Manang ko…"
ANDREW DE REAL
"Eternal Peace Ador Michelle O'Bombshell .. You will surely be missed.."
ATAK ARAÑA
"Sobra akung believe sayo Ador a.k.a Michelle O'Bombshell mula 1999 na kilala kita. Sa husay at galing mo sa stage at sa bilis ng utak mo marami kaming humahanga sayo teh.
"Noong isang araw ka chat pa kita pero nagtaka ako sa sinabi mong 2% nalang ang lakas mo? nagbibiroan pa tayo, Tapus kagabi wala kana daw hindi pa ako naniwala kasi baka hindi totoo na wala kana
"ikaw ang nag iisang FIRST LADY namin sa Clowns Republik Comedy family.
"Magpahinga kana teh, you will be missed. Rest in Peace with the Lord Jesus Christ. Paalam Ador.
PEPITA CURTIS
"Nagpapasalamat ako dahil naging writer ka ng birthday concert ko nay. Buong buhay kong ichecherish yon.
"Di namin malilimutan kung gaano ka kagaling sa entablado, kung gaano ka kabilis magisip ng mga punchlines na magugulat ang lahat, ang husay mo magingles, timing, bagsak, isa ka pong idol nay!
"Never nyo po ako sinungitan kahit nung bago pa lang po ako, hindi ka po maramot sa suporta sa mga juniors na katulad ko. Nakakakaba sumabay sa wit and humor mo nay pero wala kang ka ere ere
"Habang tinatype ko to, binubura ko, nahihiya ako magpost ng ganito kahaba pero minsan lang naman ito para sayo Nay
"Paalam Nay Michelle O'Bombshell, lalong masaya dyan ngayon sa Taas dahil andyan po kayo"
Read: Kakaibang bihis ng ilang imahe sa prusisyon sa Bulacan, pinag-usapan
OSANG SOLIVEN
"PAALAM TYANG MICHELLE O BOMBSHELl... HAYYY
"ISA KA PA NAMAN SA PABORITONG kong KASAMA EVERY SUNDAY SA CLOWNS MA MI MISS KO MGA JOKE MONG NAKAKATAWA ang SAD KAKABIGLA
"PAHINGA KA NA TYANG TYANG TYANG RIP"
JOEL OLIVERA
"Michelle O'Bombshell I am in tears knowing I’ve lost such a wonderful soul. You supported me through everything, and I am so sorry that my own personal struggles prevented me from being by your side at the end. I carry the weight of not being there, but I will always carry your kindness in my heart. Rest well, my friend.
"(Sinamahan mo ako sa pangarap kong #JO noon simula at wakas hindi mo ako iniwan...
"sabi mo lang lagi sa akin basta laban lang!!!..eh hindi ka naman lumaban kainis ka.. ayaw pa naman ni #GaryV ng walang kalaban laban..Pahinga ka na
"Salamat...Mahal na mahal kita..alam mo naman yan)"
AJ TAMIZA
"Ateeee koooo... iloveyou pahinga kana.. Michelle O'Bombshell"
MARIKO LEDESMA
"Isa ka sa pinaka hinangaan ko sa mundo ng komedia, ma mimiss ko ung mga witty jokes mo Palu... Rest in Peace Palu Michelle O'Bombshell."
ALEXA DIONESA
"Waking Up with a Heavy Heart
"sobrang Nakakagulat sa FB ko pa nalaman,haaayst.
"isa ka sa hinahangaan kong Komedyante noon pa Kasi Matalino ka at mabilis mag-isip sa Entablado kaya gusto kita Kaset.
"You will be Missed ADOR a.k.a Michelle O'Bombshell.
"nabawasan na naman kami nang Mahuhusay na Performer.
"May your Soul be the Hands of Our Creator."
ROBERT CANON
"Rest in Peace Ma Michelle O'Bombshell ! Maraming -maraming salamat po sa lahat, sa supporta at mga payo saakin.
"Isa ka sa unang naniwala sa kung anong kakayanan ko mapabuhok at perfume business ko. Ikaw na yan ah" Sobrang salamat Mah
"Diko makakalimutan yung.. Push lang Nak! Keri mo yan!"
MICHELLE O'BOMBSHELL ON TELEVISION AND ONLINE
Bukod sa pagpe-perform sa comedy bars, madalas ding mapanood sa telebisyon si Michelle O'Bombshell.
Tumatak ang mga paglabas niya sa comedy-variety shows ng GMA-7 na Comedy Bar (2010-2011), Laff Camera Action (2016), at Sunday PinaSaya (2015-2019).
Napanood din siya sa Kapuso primetime series na Diva (2010) at nagbida sa pelikulang My Amiga Girl (2012), kasama si Daiana Menezes.
Naging bahagi rin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nang maging host siya, kasama si AJ Tamiza, sa dating online show na PEP Comedy Hour: The Marie and Tess Show.
Read: Kathryn Bernardo at Mark Alcala, nag-"soft launch" sa Thailand?
