Bawal katayin ang mga kalabaw para sa piyesta at anumang okasyon sa isang bayan sa Eastern Samar.
Isa ito sa tinatayang limang executive orders na ginawang mandato ni Mayor Javier Zacate sa bayan ng Sulat, at inilabas sa Facebook noong April 2, 2026.
Ang layunin ay “conserving energy and minimizing non-essential expenditures.”
Tugon ito ng Local Government Unit (LGU) bunsod ng pagtaas ng presyo ng gasoline at pagdeklara ng State of National Energy Emergency sa bansa noong March 24, 2026, dulot ng global crisis sa produktong petrolyo.

Read: Philippine deer believed to be extinct spotted; what it means
CARABAO BUTCHERING PROHIBITED
Ang pagbabawal sa pagkatay ng kalabaw sa mga okasyon ay nakapaloob sa Executive Order (EO) No. 2026-36 o ang Prohibition on the Butchering of Carabaos, Including during Fiestas and Other Celebrations, to Ensure Agricultural Sustainability.
Sa kopya ng memo, mababasa ang mga rason.
Ang kalabaw ay “vital to the cultivation of rice fields and the overall agricultural productivity of the municipality,” lalo pa’t “recent increases in fuel prices have significantly impacted farm operations.”
Kaya kung ipagbabawal ang pagkatay ng native buffalo ng bansa, masisigurong may "sufficient livestock...to support agricultural activities, particularly rice cultivation, in the municipality.”
Nakasulat din sa memo ang iba pang mga ipinagbabawal, na maaaring magpasok ng mga kalabaw sa bayan ng Sulat, subalit ang pag-transport sa labas ng bayan "for any purpose" ay strictly prohibited.
Ang tanging exception ay kapag in-authorized ng Office of Municipal Agricultural Services ang pagkatay para sa “health reasons, emergency situations, and government approved programs.”
Ang sinumang lalabag ay may karampatang parusa, na hindi na idinetalye sa post.
Ang iba pang mga kautusan ay ang pagtatayo ng community agricultural pantry program sa bayan, at ang pagsusulong ng barangay-based vegetable and root crop production.

