PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TXT’s Soobin Cebu taxi overcharging incident reaches Korean media

Netizen: "Minsan na nga lang tayo mapabalita sa Korea sa ganitong paraan pa."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 6, 2026
TXT’s Soobin Cebu taxi overcharging incident reaches Korean media
TXT leader Soobin’s Cebu taxi overcharging experience reaches Korean media, prompting reactions from Filipino netizens and action from Philippine authorities.
PHOTO/S: page.soobin on Instagram

Nakarating na sa South Korean media outlets ang insidente ng overcharging o labis na paniningil ng isang taxi driver sa Cebu sa K-pop idol na si Soobin.

Si Soobin ang leader ng sikat na South Korean boy group na Tomorrow X Together (TXT).

Simula pa noong April 1, 2026, mainit nang usap-usapan online ang vlog sa YouTube ni Soobin matapos siyang magbakasyon sa Cebu kasama ang isang kaibigan.

Dito ay ibinahagi niya ang naging karanasan nila nang makaranas umano ng pananaga sa pamasahe matapos sumakay ng taxi mula sa Mactan-Cebu International Airport papunta sa kanilang hotel.

THE TAXI SCAM INCIDENT

Sa vlog ni Soobin na in-upload sa official YouTube account ng Tomorrow X Together, na may mahigit 13.3 million subscribers, mapapanood ang pakikipagtawaran niya at ng kanyang kaibigan sa driver ng nasakyan nilang taxi.

Ayon kay Soobin, bago sila sumakay ay chineck muna niya sa app ang tinatayang pamasahe papunta sa kanilang hotel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumabas umano na nasa PHP300 lamang ang estimated fare.

Ngunit nang magtanong sila sa isang taxi driver sa lugar, sinisingil sila ng PHP500.

Bagamat mas mataas ito sa estimate fare, sumakay pa rin si Soobin at ang kanyang kaibigan sa taxi.

Read: K-pop idol Soobin ng TXT, may masamang karanasan sa taxi driver sa Cebu

Habang nire-record ni Soobin ang kanilang biyahe, ipinaliwanag ng taxi driver kung bakit mataas sa PHP300 ang kanyang sinisingil.

Ito'y dahil daw sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa na aabot na ngayon sa PHP170 per liter.

Nang malapit na silang bumaba, bigla umanong binago ng driver ang singil.

Humirit ito ng PHP1,000 na pamasahe, bagay na ikinagulat ng K-pop idol.

Pagkababa ng sasakyan, sinabi ni Soobin sa vlog na sinubukan silang singilin ng PHP1,000 ngunit iginiit nilang PHP500 lamang ang kanilang napag-usapan.

"I can’t believe he’d raise the price so suddenly like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We agreed on PHP500 before getting in. But after we arrived at the hotel, he tried to charge us PHP1,000.

"I’m reporting this," pahayag ni Soobin sa kanyang vlog.

soobin cebu taxi scam
Photo/s: Screen grab Tomorrow X Together YouTube

Ang karanasan ni Soobin sa bansa ay iniulat ng ilang South Korean news outlet, kabilang na ang The Chosun Daily at Kbizoom.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa ilang fans ng TXT, bukod sa online articles ay naibalita rin ang insidente sa isang news broadcasting program sa South Korea, kung saan tinukoy ang nangyaring overcharging ng isang “Filipino taxi driver.”

Filipinos express embarrassment as Cebu taxi incident gains global attention

Maraming Filipino netizens, partikular na ang fans ni Soobin, ang nagpahayag ng pagkahiya sa naranasan ng kanilang idolo.

Sabi ng isang netizen sa X, "Nakakahiyaaa, umabot na tayo sa Korea."

"Jusko, nakakahiya. Minsan na nga lang tayo mapabalita sa Korea sa ganitong paraan pa," saad ng isa.

Dagdag pa ng isa, "Hindi ko muna sasabihing Pinoy ako, hahaha."

LTFRB to file criminal charges "for violating public service law and estafa."

Samantala, mabilis na umaksyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng insidente.

Sa inilabas na pahayag ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II, mariin niyang kinondena ang nangyari: “Enough is enough. Sa kabila ng lahat ng pang-unawa na ibinibigay ng pamahalaan sa mga taong ito ay gagawa pa ng mga kalokohan na naglalagay ng ating bansa sa kahihiyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I have already instructed the Regional Director, LTFRB Region 7, to identify the driver and operator and locate the taxi unit for immediate impounding. We will file criminal charges for violating public service law and estafa.”

Read: LTFRB takes action on TXT Soobin's taxi experience in Cebu

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, overcharging at deliberate non-use of taxi meter ang paglabag na ginawa ng driver.

Dahil dito, pinasusuko ang lisensya ng sangkot na driver at ang plaka ng taxi unit.

Ipinataw rin ang 30 araw na preventive suspension sa nasabing taxi.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TXT leader Soobin’s Cebu taxi overcharging experience reaches Korean media, prompting reactions from Filipino netizens and action from Philippine authorities.
PHOTO/S: page.soobin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results