Naospital si Awra Briguela dahil sa sobrang pananakit ng kanyang tiyan.
Sa kanyang Instagram Story kahapon, April 14, 2026, ibinahagi ni Awra na isinugod niya ang sarili sa emergency room ng UST Hospital dahil sa nararamdamang sakit.
Kuwento niya: “Tinakbo ko sarili ko sa Emergency Room kasi nagising ako na sobrang sakit ng tiyan ko and I kept vomiting yellow bile.
"It was around 8:30 am and tiniis ko pa hanggang 10 am, pero hindi ko na talaga kinaya kasi halos isang oras na akong nasa CR, tuloy-tuloy yung pagsusuka ng yellow acid.
"So ayun, tinakbo ko na sarili ko sa hospital. Pagdating ko sa ER, sumuka na naman ako agad (nakakahiya) pero hindi ko na kasi mapigilan and ramdam ko na parang mawawalan na ako ng malay.
"Mag-isa lang ako that time kasi mag- isa lang ako sa condo, pero buti na lang sumunod yung mama ko. Hindi na rin ako nakapag-reply sa family ko kung nasaan ako, good thing na-locate nila ako through Find My."
Matapos daw ang ilang tests, na-diagnose siya ng acute gastroenteritis.
Ayon sa MedlinePlus: "Gastroenteritis is an inflammation of the lining of the stomach and intestines. The main symptoms include vomiting and diarrhea. It is usually not serious in healthy people, but it can sometimes lead to dehydration or cause severe symptoms."
Pagpapatuloy ni Awra tungkol sa kanyang pagkakaospital: "After doing lab tests and everything final diagnosis is Acute Gastroenteritis with mild to moderate dehydration-probably from not eating properly these past few days (puro black americano lang) and kulang sa water.
"I almost got confined because I kept asking for pain reliever and ilang oras na hindi pa rin nawawala yung sakit ng tiyan ko, but thankfully normal naman lahat ng results.
"I'm okay now just need to rest, fix my eating, and take my meds.”

Read: Chie Filomeno reacts to post about GirlTrends at Coachella
AWRA BRIGUELA REACTS TO BASHER
Sa kanya namang Instagram Channel, ibinahagi ni Awra ang screenshots ng netizens na nagkomento sa isang post tungkol sa kanyang pagkakaospital.
Sabi ng isang netizen, "Kawawa nman sana dinala sa pinaka malayong hospital"
Sinagot ito ng original account ni Awra na Mcneal Briguela.
Aniya, "may balik yan sa mga anak mo kuya, wag mong antayin."

Tanging nasabi niya sa kanyang channel, "grabe na talaga sama ng ugali ng mga tao ngayon."

Read: Angel Aquino grateful for kind response after coming out
