Malapit nang mag-renewal of vows ang aktres na si Nadine Samonte at asawa nitong si Richard Chua.
Itataon daw nila ito sa kanilang 13th wedding anniversary.
Ikinasal sina Nadine at Richard noong October 30, 2013.
Ibinahagi ng aktres ang pagiging very supportive ng asawa sa lahat ng kanyang ginagawa.
"Yes, kasi if he's not supportive, wala lahat to, e," sabi ng StarStruck alumna pagtukoy sa bago niyang negosyo.
Naalala pa raw ni Nadine ang hindi magandang nangyari sa kanya sa isang malaking pagtitipon noon, kung saan ang asawa ang nagpakalama at nagpatahan sa kanya.
Doon daw niya nakita ang labis na pagmamahal nito sa kanya.
Saad ni Nadine: "So sabi ko, pag may mga taong pinipilit kang ibagsak, hindi ka hahayaan ni Lord. Hindi ka papabayaan ni Lord. He will always uplift you.
"He will always be there for you. Kahit ano mangyari, di ka Niya hahayaang bumagsak. Yun lang yun.
"Kaya nga after that, tingnan mo naman, lahat ng blessings, lahat ng... my kids...
"Actually, biggest blessing sa akin talaga is that I'm okay. My family is okay.
"We are happy, we are complete, and we are healthy. That's the most important thing sa akin."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling media si Nadine sa launching ng pagmamay-ari niyang produkto, ang Anaiah supplements and drinks, kahapon, April 15, 2026.

Two years in the making ang negosyong ito ni Nadine.
Dumaan daw kasi ito sa masusing pagsusuri at eksaminasyon para maging mabisa at makatulong sa mga pangangailangan ng tao.
Mayroon silang limang supplements at limang klase ng inumin.
Pasado raw ito sa pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA).

Read: Nadine Samonte excited for vow renewal with husband Richard Chua
NADINE SAMONTE ON HUSBAND RICHARD CHUA'S LOYALTY
Paano binabalanse ni Nadine ang oras niya ngayon sa pagitan ng negosyo at oras sa pamilya, lalo na sa kanyang asawa?
Saad niya: "Honestly, minsan nawawalan talaga ako ng time sa kanya kasi siyempre uunahin ko din yung mga kids.
"They have school, mga activities nila, mga ginagawa nila sa every day.
"Ta's yung bahay. And most of the time kasi, my husband is also not here, so nandun siya sa CamSur.
"Nandoon kasi yung ibang negosyo namin. So, minsan mahirap.
"So, minsan ako yung pupunta doon sa CamSur or pagpunta niya dito, I make sure na pag andito siya, I'll spend all the time with him. Ganun."
Gaano siya ka-secure sa mister niya? Biro sa kanya ng press, nasisiguro ba niyang wala itong ibang babae?
"Naku, subukan niya!" pabiro ring banta ni Nadine.
Maya-maya ay tinawag na niya ang asawa at ito ang pinasagot sa aming mga katanungan.
Sabi naman ni Richard, "Wala siyang dapat alalahanin. Ever. Alam niya yun from day one."
Matapos nito ay hinalikan ni Richard ang misis sa labi.

Dagdag ni Nadine: "Kasi lagi niyang sinasabi sa akin, 'I will always give you that peace of mind.'
"Every time na may pupuntahan siya, naka-video call yan sa akin, nakatawag yan sa kin. Ganun siya.
"Before he sleeps, tatawag. Before I sleep, tatawag siya, 'Where are you?'
"Minsan, siya pa nga yung praning, e. 'San ka?' 'Ako? Dito nasa bahay, bakit ba?'"
Hindi ba siya nagduda man sa asawa kahit minsan?
Pag-amin ni Nadine: "Siyempre may mga... I'll be honest. Honest naman ako pag sa mga interview.
"Siyempre may mga girls na mararamdaman mo na, 'Oh, parang papa-cute to, ah,' parang ganyan.
"Pero, mismong kasi siya yung nagba-block na, e.
"Minsan pag ganun, nakikita niya ako na medyo naaaning na ako, sasabihin niya, 'Halika dito.'
"Papakita niya talaga na halikan niya ako, yayakapin niya ako na parang, 'Hindi puwede, may asawa ako.' Ganun.
"So, yon yung maganda talaga sa kanya. Yung may assurance talaga sa parati.
"Kaya nga sabi ko, 'I'm also lucky kasi blessing din para sa akin na meron din akong asawang maayos, matino."
Abangan sa Real Talk ng PEP.ph YouTube channel ang eksklusibong panayam kay Nadine Samonte na lalabas sa Araw ng mga Ina sa Mayo 2026.
