Halatang may glow ngayon sa aura ng Kapamilya actress na si Janella Salvador.
At masaya raw siya kaya ibinabahagi niya ito sa social media.
Pahayag ni Janella sa maikling interview na lumabas sa ABS-CBN News Facebook page, "Di naman ako ever, tinago. I just really choose what to share.
"And if there is something that truly makes me happy that I really want to share, I choose to share it.
"So, yun lang yung naging basis."
Natanong sa kanya ang tungkol sa estado ng relasyon nila ng kapwa aktres na si Klea Pineda.
Sabi ni Janella tungkol dito, "Kailangan bang i-label? Obvious naman kung anong meron. Obvious."
Sa madaling salita, hindi na niya kailangang magsalita o umamin dahil malinaw sa kanilang mga kilos na may namamagitan sa kanila ng Kapuso actress.
Kung noon ay matipid sumagot o iniiwasan ang mga katanungan tungkol sa kanyang lovelife, ngayon ay tila mas bukas na si Janella.
Paliwanag niya: "Siguro it's not... it's not very easy for a young girl in the industry, especially in the Philippines, which is a very conservative country to grow up in an industry like that.
"So it took a lot of ups and downs and maturity to be able to just realize that I can live my life, express myself freely.
"Just as long as I'm not hurting anyone, there's nothing wrong with that.
"And if I've been happy recently, why not share it?"
Read: More tributes for late actress Sue Prado; wake details announced
JANELLA, KLEA TOGETHER IN PALAWAN GETAWAY
Namataang magkasama sina Janella at Klea na nagbakasyon sa Coron, Palawan, noong April 9, 2026.
Kasama nila ang anak ni Janella sa dating karelasyong si Markus Paterson, si Jude, gayundin ang mga magulang ni Klea.
Read: Janella Salvador shows Palawan getaway with son and Klea Pineda
Base sa mga in-upload na larawan ni Janella, dumiretso sila sa El Nido, Palawan, kasama pa rin ang anak niya.

Nito lamang Martes, April 14, ay namataan namang magka-holding hands sina Janella at Klea nang dumalo sila sa grand launch ng local shows and movies na ipalalabas sa streaming app na Prime Video ngayong 2026.

Kabilang ang pelikula nilang Open Endings, kung saan kasama rin sa cast sina Jasmine Curtis-Smith at Leanne Mamonong, sa ipalalabas na pelikula sa Prime Video.
Read: Marian, Sharon-Barbie, KimPau, Joshua-Ivana bibida sa Prime Video
