Muling iwinagayway ng P-pop girl group na BINI ang bandera ng Pilipinas sa Weekend 2 ng kanilang pagtatanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2026 sa Mojave stage ngayong Sabado, April 18, 2026 (Philippine time).
Sinimulan ng grupo ang kanilang performance sa pag-awit ng “Strings,” mula sa kanilang Feel Good album.
Read: BINI overwhelmed after Coachella debut
Sinundan ito ng "Zero Pressure;" "Out of My Head;" "Karera;" "Salamin, Salamin;" "Blink Twice;" "Cherry on Top;" "Blush;" at "Bikini."

Ngunit ikinagulat ng marami nilang Pinoy fans nang bumati at magpakilala ang BINI member gamit ang kani-kanilang dayalekto mula sa mga lugar na kanilang pinagmulan sa Pilipinas.
Read: SB19, Ogie Alcasid, stars congratulate BINI on Coachella performance
Ipinakilala ni Maloi ang kanyang sarili sa puntong Batangueño; Tagalog naman ang ginamit nina Sheena at Jhoanna; Bicolano kay Gwen; Cebuano kay Aiah; Ilocano kay Stacey; Bisaya kay Colet; at English kay Mikha.
NETIZENS REACT TO BINI’S PROUD PINOY MOMENT
Umani ng samu’t saring papuri online ang proud Pinoy moment na ito ng BINI.
Tweet ng isa nilang fan sa X (published as is), "The fact that they spoke in their own dialect is a very big thing to represent the Philippines.
"Awww so much proud with you, my walo."

Saad ng isa, "BINI introduced themselves using their respective dialects. Huhu nakaka-proud tuloy maging Pinoy. Ang gaganda at kukulay ng ating mga salita."
"Man I cry when they started speaking in their respectives dialects. I never thought I'd see the day I'd hear my own dialect at Coachella. Thank you, BINI," dagdag pa ng isa.
BINI: “Mabuhay ang musikang Pilipino… Mabuhay ang OPM!”
Hanggang sa huli, ipinamalas at ipinaramdam ng BINI ang galing ng mga Pilipino nang kantahin nila bilang finale performance ang hit song nilang “Pantropiko,” dahilan upang mapasayaw, mapasigaw, at mapatalon sa tuwa ang mga manonood.
Kapansin-pansin din sa LED screen ng Mojave stage ang paglabas ng watawat ng Pilipinas habang nagpapasalamat ang BINI sa lahat ng nakisaya sa kanilang performance.

Mensahe ni Colet, "Mabuhay ang musikang Pilipino. Maraming salamat, Coachella!
"Thank you for being part of our journey. We will cherish it forever. We love you, Blooms."
"Blooms" ang tawg sa fandom ng BINI.
Dugtong na sigaw ni Maloi, "Mabuhay ang OPM!"
Read: The inspiration behind BINI's outfits for Coachella 2026
Gumawa ng kasaysayan ang BINI bilang kauna-unahang all-Filipino girl group na nagtanghal sa sikat na music festival sa Indio, California.
