PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sue Prado's cause of death revealed by family

Sue Prado’s final wishes: the cheapest urn, no eulogy, and immediate burial.
by Jerry Olea
Published 9 hours ago
sue prado urn
PHOTO/S: Jerry Olea

Cardiac arrest ang cause of death ni Sue Prado, 44, noong Abril 14, 2026, Martes.

Ito ang ipinahayag ng ate niyang si Guia Antonette “Annie” Mera sa urn viewing noong Abril 17, Biyernes ng gabi, sa Diligence Chapel na nasa second floor ng Loyola Memorial Chapels & Crematorium, Commonwealth Avenue, Quezon City.

“Wala akong alam na iniinda niya pero alam naman natin, kapagka sakit sa puso, napakatraydor, e!” bulalas ni Guia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Ito yung napaka-fatal siguro.”

Marissa Sue Mera Prado ang tunay na pangalan ni Sue.

Pangalawa siya sa limang magkakapatid na babae.

Ang younger sisters nina Guia at Sue ay sina May Shereen, Maria Sophia, at Maxine Stephanie.

Hanggang Abril 20, Lunes ng 5:00 P.M. ang wake/urn viewing.

Saan huling hantungan ng cremains ni Sue?

Itatabi namin siya sa daddy namin sa Loyola Marikina sa Tuesday,” sabi ni Guia.

Read: Actress Sue Prado dies at 44

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE HEARTBREAKING NEWS OF SUE PRADO'S DEATH

Ano ang time of death ni Sue?

“Hindi ko alam kasi ang mga kapatid ko ang nag-asikaso nun. Pero basta, natagpuan siya…” pagtatapat ni Guia.

“Tinatawagan siya, hindi siya nakokontak. Tapos pinuntahan siya ni Neil [Daza]. Ayun na.”

Ano ang reaksiyon ng septuagenarian mommy nilang si Corazon Mera nang malaman ang pagpanaw ni Sue? Kumusta na siya?

“Ay! Ayan, ikot nang ikot pero mamaya, babagsak ang ano niyan,” saad ni Guia.

“Mamaya, maaalala niya. Pinababayaan namin.

“So, nung tapos na kami, ‘Paano ba natin sasabihin kay Mother?’ Pumunta na kami sa apartment ng isang kapatid ko na nandun siya. ‘Aantayin ba nating magising ang mommy?’

“Sabi ng kapatid ko, ‘Kung aantayin mong gumising, alas dose na ng tanghali gigising yon!’ Ano kasi siya, insomniac.

“So, nag-pray kami. Tapos, umakyat na kami sa itaas. ‘Ba’t andito kayo?!’ Andoon yung bayaw ko, apo, yung isang kapatid. ‘Anong ginagawa niyo dito?!’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi ko, ‘Mahal na mahal kita.’ Sabi nung kapatid ko, ‘Ma, wala na si Sue.’ ‘Ano?!’ ‘Wala na si Sue.’ ‘Bakit?! Bakit?!’

“Tapos pinupukpok niya yung dibdib niya. Tapos nagpakuwento na, nagpakuwento na.

“Pero alam mo kasi yung hindi niya naiiyak. Walang luha. Parang katulad ko, hindi naluluha.

“E, gusto ko sanang umiyak na may luha para mai-release na pero wala. Tapos sabi niya, ‘Alam ko, matutulog lang ako. Ngayong oras na ito, matutulog ulit ako. Paggising ko, andiyan siya.’

“Pero sabi namin, ‘Ma, wala na talaga.’ ‘Naniniwala ba kayo? Naniniwala ka ba? Anong nangyari?’”

Read: Colleagues, film industry organizations pay tribute to Sue Prado

sue prado mother and sister
Sue Prado's sister Guia Mera (left) and mother Corazon Mera (right) at actress' urn viewing at the Loyola Memorial Chapels on April 17, 2026.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FOND MEMORIES ABOUT SUE PRADO

Mas naging close ang Five Sisters noong nawala ang kanilang daddy.

“Kasi wala din ang mommy namin, nasa U.S. nung time na yun,” pagsisiwalat ni Guia.

“So, dun kami nagkaroon ng chance na maging magkakakilala talaga kami. Kumbaga, hindi na ako yung ate.

“Basta magkakakilala kami. May sharing na kami. Every time na magkakasama kami, hindi nawawala yung memories namin nung maliliit pa kami sa Camp Aguinaldo, sa farm.

“May farm kami dati. Lahat yan, lagi niyang naisisingit. Alam mo yung mga nonsense na bigla na lang kaming tatawa kasi mga memories namin nung mga bata pa kami.

“At saka napaka-vivid ng memory niyan. Naalala niya yung binibili ng nanay namin na Brown Cow [yogurt].

“‘Ate Annie, natatandaan mo pa iyung Brown Cow? Kasi yung mga classmate ko, ayaw maniwala na may Brown Cow tayo.’ Yung mga ganun ba, tapos tawa na naman kami.

“Tapos habang yung lumalaki siya… kasi, napakatalinong bata niyan, e. Nag-e-exam siya sa Pisay [Philippine Science High School], ako ang kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi ang mommy namin, nagtatrabaho. Ako yung ano niya. ‘Ate Annie, kain naman tayo ng burger.’ Maghahati kami ng burger sa Wendy’s.

“Tapos, ‘Naku! Wala na tayong pamasahe, Ate Annie.’ Mga ganun. Tapos, may kuwento pa na nagda-drive ako, wala akong lisensya, nahuli kami ng MMDA.

“Tapos siya na yung, ‘Sige na po! Pasensya na po! Importante lang po!’ Mga ganun.”

Read: More tributes for late actress Sue Prado; wake details announced

SUE PRADO AS A SISTER

Generous ba si Sue bilang kapatid?

Mabilis na tugon ni Guia o Ate Annie, ‘Yes, very generous! Pero istrikta siya. Istrikta siyang kapatid. Hindi mo siya puwedeng, ‘Pahiram naman…’ No.

“Hindi yan ganun. Pero pag siya ang nag-offer, eto talaga…

“Organized siya. Siya yung marunong mag-manage sa lahat ng bagay. Siya yung taga-pacify. Lahat napakadetalye, napakaistrikta.

“Very loving na tita. Very loving na furmom, ganun siya. Tapos pag may mga problema kaming magkakapatid, pag may pinagdadaanan kaming magkakapatid, siya iyong nagko-comfort sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa mga okasyon, lagi siyang andiyan.”

Taga-Antipolo si Guia pero may inuupahan siya sa Taguig.

Si Sue ay sa Quezon City nakatira.

Ang isa pa ay nasa Pasig City. Ang dalawa pang sisters nila ay sa Marikina.

Mag-isang naninirahan si Sue kasama ang mga alagang pusa.

“Akala ko, mahilig lang talaga siya sa pusa. Hindi ko alam na may mga animal advocacy na siya,” sambit ni Guia.

“Nagugulat na lang ako. Nagulat ako kasi akala ko, kilalang-kilala ko na siya bilang kapatid na ayun, o, nag-artista. Yun lang.

“Pero yung achievements, hindi kasi siya vocal, e. Natandaan ko, may mga anak ako na nag-aaral. Nakipag-away sa school.

“Ang tawag ko sa kanya, Nana. Nana, Nana Sue. ‘Alam mo, Nana, inaway ako. Sabi kasi, hindi naman totoong kapatid mo si Sue Prado, e.’

“E, sabi ko, ‘Nana ko yun, e. Gawan mo nga ako ng picture.’ Eight ang pangalan niya. ‘Ganun ba, Eight? Sabihin mo sa kaklase mo, pumapatol ako sa bata.’ Ha! Ha! Ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos ginawan niya ng ano. Ipinagmamalaki siya.”

Read: Sue Prado, naghayag ng opinyon tungkol sa fuel crisis

SUE PRADO'S WISHES

Habilin ba ni Sue na i-cremate siya kapag pumanaw?

“Sa mga kuwentuhan naming magkakapatid, may mga bilin na siya. Na wala nang seremonyas. Wala nang eulogy,” wika ni Guia.

“Kung puwedeng lata ng biscuit, lata ng ano, doon na lang. Mga ganun. Ayaw na nga niyang ipaalam — diretsong cremation, diretsong libing.

“Yung ganun na lang. Kay Neil na lang niya nabanggit na, ‘Gusto ko yung pinakamurang urn.’”

Sinunod nila iyon?

“Sinunod namin yung mura, yung disente. He! He! Hindi kasi puwedeng ano, di ba?” sabi ni Guia.

“Hindi puwede. Ako nga, nagpagupit para sa iyo — ngayon, ilalagay ka sa hindi magandang urn?

“Sabi ko, bago ako nagpunta ng Loyola, nagpagupit ako.”

May misa para kay Sue sa Abril 19, Linggo ng 6:00 P.M.

Walang eulogy pagkatapos ng misa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May nag-Mass na pero siguro, hindi na lang din para kay Sue, para na sa mga naiwan niya,” pagmamatwid ni Guia.

“Kasi, we need comfort. We really, really need comfort from those people na nakasama niya. From those people na mga huling nakasama niya.

“So, lahat tayo nasasaktan. Gusto natin… may programa sigurong konti. Kasi may gustong mag-organize, e. So we let them be.

“And I think it’s not disrespecting Sue’s wishes but I think this is for the family.”

Read: Sue Prado, tatatak dahil sa kapangahasan niya sa Your Mother's Son

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results