PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Matet de Leon slams netizens criticizing her children

Matet de Leon: "Pansin ang gusto? Papasikatin ko."
by Mark Angelo Ching
Published 15 hours ago
Matet de Leon addresses bashers criticizing children amid Nora Aunor's death anniversary
Matet de Leon claps back at commenters criticizing her children just because they looked somber during the death anniversary of Superstar Nora Aunor at Libingan Ng Mga Bayani.

Hindi nagustuhan ni Matet de Leon ang komento ng ilang mga netizens tungkol sa kanyang mga anak.

Ito ang ipinahayag ng veteran actress sa kanyang post sa Facebook kagabi, April 18, 2026.

Sa post, ipinakita ni Matet ang screenshot ng isang video na kinuhanan nang dumalaw ang kaniyang pamilya sa puntod ng inang si Nora Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakaputi sina Matet at ang kanyang mga anak habang nagbibigay-pugay sa first death anniversary ng Superstar noong April 16.

Nasa screenshot din ang mga negatibong komento laban sa mga anak ni Matet na sina Mishka, Mikaela, at Mia.

Read: Lotlot de Leon's camp breaks silence on issue with brother Ian

DEFENDING HER CHILDREN

“Ayan. Mga taeng nandadamay ng mga bata,” ang matapang na caption ng aktres sa kanyang post.

Hindi niya ikinatuwa ang mga komentong nag-uusisa kung bakit tila masungit umano ang itsura ng tatlo niyang anak.

“Snob ang mga anak,” ang komento ng naysayer.

“Bakit parang ang panget ng tingin ng mga anak?” tanong ng isa pang netizen.

“Pretending malungkot kuno,” pansin naman ng isang commenter.

Dumepensa si Matet laban sa mga pambubuskang ito.

“Ang inet inet gusto niyo ngumiti mga anak ko? Namatayan ng lola mga yan. Hindi yan party,” saad niya.

Malungkot daw ang mga bata dahil malapit sila sa kanilang lola.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hawak ni mishka ang kamay ng lola niya hanggang sa huli. Traumatic at masakit para sa bata. Gusto niyo kumaway kaway??? Ngumiti? Anong nakakatuwa?” dagdag pa ni Matet.

Hindi na raw natiis ni Matet ang pangungutya ng bashers kaya nagdesisyon siyang i-post sa social media ang pangalan ng mga ito.

Hindi na raw kasi nakukuha ang mga ito sa maayos na usapan.

Yung mga bashers ko ha.. Pag pinatulan ko kayo, huwag kayong mapipikon.

Aniya: "Durugan tayo! Let's go! Hindi puwedeng kayo lang ang salbahe.

"Pareparehas tayong tao lang. Ibabalik ko lang binibigay niyo sa akin.

"Ako sainyo, ayusin niyo kanya kanya ninyong pamilya bago niyo kami pakialamang apat.

"Magpopost ako weekly ng mga stars natin na bashers. Pansin ang gusto? Papasikatin ko."

Read: Angel Locsin shows support for ABS-CBN amid Lopez family issue

matet de leon on her children MOURNING THEIR LOLA

Tunay na malapit kay Nora ang tatlong anak ni Matet at ng asawang si Mickey Estrada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong nakaraang taon, natuwa ang mga Noranian nang i-post ni Mishka sa kanyang Instagram account ang larawan ng memorial ng kanyang lola sa Metropolitan Theater noong April 22, 2025.

“Superstar ng buhay ko,” ang caption ng dalaga.

[EMBED: https://www.instagram.com/p/DIwDcNBzhzw/?img_index=1]

Nakita rin sina Mishka, Mikaela, at Mia sa paghatid sa huling hantungan ni Ate Guy sa Libingan ng mga Bayani noong parehong araw.

Present din sila sa public viewing para sa National Artist bago pa man ang kanyang libing.



Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matet de Leon claps back at commenters criticizing her children just because they looked somber during the death anniversary of Superstar Nora Aunor at Libingan Ng Mga Bayani.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results