Walang mapagsidlan ang kaligayahan ni Kris Aquino nang malamang may nagugustuhan na ang bunso niyang anak na si Bimby Aquino-Yap.
Kasabay ng ika-19 kaarawan ni Bimby nitong Linggo, April 19, 2026, ipinasilip ni Kris sa publiko ang babaeng natitipuhan ng kanyang bunsong anak matapos siyang mag-post sa Instagram.
Sa post, makikita ang larawan ni Bimby na nakaakbay sa isang dalagang balingkinitan at may mahabang buhok, pero natatakpan ng heart emoji ang mukha nito.
“Happy Birthday Bimb!” saad ni Kris sa caption.
Read: Kris Aquino fears she may not be around for Bimby's 18th birthday
Kris reveals Bimby has a "special girl"
Bago i-post ni Kris ang larawan ni Bimby na may kaakbay na babae, nauna na niyang ibinahagi noong Sabado, April 18, ang tungkol sa dalagang nagpapasaya umano sa kanyang anak.
Read: Bimby is straight, according to close friend of Kris Aquino
Ayon kay Kris, hindi niya akalaing magiging excited siya sa pagdating ng araw na magkakaroon na ng babaeng magugustuhan si Bimby.
Hiling tuloy ni Kris, sana ay ito na ang maging unang nobya ng anak—at kung papalarin, maging huli na rin.
Pahayag niya: "I never thought I’d be excited for the day when Bimb really likes a girl.
"He told me he feels she’s 'special'—my birthday wish for my bunso is that she does become his first girlfriend and who knows, God willing also his last—yes, I’ll be very blessed to have her for my daughter-in-law (in 7-9 years?)."
Ikinuwento rin ng TV host-actress na sa sobrang tuwa niya ay nais sana niyang padalhan ng mga regalo ang dalaga, ngunit pinigilan siya ng kanyang anak.
Pagbabalik-tanaw pa ni Kris: "I’ve been asking Bimb the past couple of weeks if we can send her flowers, balloons, candies/chocolates, food, 1/2 of a couple hoodie in white since it’s summer, I asked Bimb if she had a new phone—he freaked and said: Mama, chill. You’ll overwhelm her because she’ll know it’s not from me but from you. Please let it flow?"
Gusto raw ibigay ni Kris ang lahat ng kanyang makakaya para sa kaligayahan ng anak, lalo na’t nakikita niya ang mga sakripisyong ginagawa nito sa pag-aalaga sa kanya habang patuloy siyang nakikipaglaban sa iba't ibang karamdaman.
Suportado rin daw niya ang anumang desisyon ni Bimby pagdating sa pag-ibig at sa career na nais nitong tahakin.
Ani Kris: "Bimb has sacrificed so much to take care of me, but he doesn’t have to anymore.
"The best gift I can give him is to let him enjoy his youth, and let him choose his own career path.
"My deal with him is he just has to give his 100%."
Cassandra’s relationship with Bimby
Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang kumpirmadong pagkakakilanlan ang dalagang sinasabing “special girl” para kay Bimby.
Gayunman, hinala ng ilang netizens na si Cassandra Ynares ito.
Si Cassandra ang panganay na anak nina Antipolo City Mayor Junjun Ynares at Andrea Ynares.
Matagal nang nali-link ang dalawa, lalo na nang dumalo si Bimby sa caucus campaign ng mga magulang ni Cassandra noong May 3, 2025.
Sa eksklusibong panayam ng PEP Troika kay Cassandra noong May 19, 2025, itinanggi niyang nililigawan siya ni Bimby at iginiit na magkaibigan lamang sila.
Read: Cassandra Ynares, itinangging nililigawan ni Bimby Aquino
Nausisa rin ang dalaga tungkol sa usap-usapang pagiging malapit rin nila ni Kris.
Sabi ni Cassandra: “Very grateful po that Tita Kris likes me like that. Thank you.
“It’s really an honor that she said so much about me. Ahhh, but, yeah!
"Wala lang po. I don’t know what to say except I’m really flattered.
“I actually visited her a couple of days ago.”
