"She was the person who signed my birth certificate, I was the person who signed her death certificate."
Ito ang madamdaming pahayag ni Nasser Amparna sa pagpanaw ng ina matapos ang anim na buwang pakikipaglaban sa cancer.
Si Nasser, aka Jang, ay unang nakilala bilang miyembro ng Down To Mars, isang Pinoy boyband na regular na napapanood noon sa Party Pilipinas, ang defunct Sunday musical-variety show ng GMA-7.
Siya ay nakilala ring singer ng Lakorn theme songs sa GMA-7.
Kasalukuyang nagtatrabaho si Nasser sa Singapore bilang Science teacher at senior lab technician sa Hwa Chong International School.
Bilang content creator, siya ay may 213,500 followers sa TikTok; 26,700 sa Instagram; at 194,000 sa YouTube.
Read: Nasser Amparna: Where is he now?
NASSER AMPARNA ON how mom's cancer got diagnosed
Ang kanyang ina na si Melodie Baloy ay 59 taong gulang.
Noon lamang October 2025 na-diagnose ng colon cancer ang ina ni Nasser.
By chance lang nadiskubre ang sakit ni Melodie nang maospital ito dahil masama ang pakiramdam.
"Yun yung time na may nakita sa abdomen niya. Kinausap ako ng doctor, 'Tatapatin kita. Your mom has tumors sa abdomen niya,'" simulang kuwento ni Nasser.
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nasser via GMeet noong Huwebes, April 16, 2026.
Pinayuhan ang ina ni Nasser na sumailalim sa endoscopy at colonoscopy. Doon nakitang may bara sa colon ni Melodie.
Pero hindi pa kaagad lumabas ang resulta ng biopsy kaya hindi pa kaagad kinumpirma ng doktor na may cancer ito.
Licensed pharmacist si Nasser kaya pamilyar siya sa standard procedure sa pag-diagnose sa sakit ng ina.
Lahad niya: "So, sinabi ko kay Mama na may possibility na maoperahan siya kasi yun ang sinuggest ng general surgeon.
"Pero ang catch dun, we were in a private hospital. We were asked to prepare at least a million pesos.
"Bubuksan yung tiyan niya, titingnan yung gravity ng tumor, tapos may possibility na di operahan. So, gagastos kami ng malaki."
Si Nasser ang breadwinner ng pamilya at aminado itong wala siyang kakayahang magluwal ng ganoong halaga.
Dito na siya nagdesisyong ilipat ang ina sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAM), isang public hospital sa Trece Martires sa Cavite.
Ni-refer siya doon ng mga kaibigang doktor na dati niyang ka-teammate sa volleyball sa University of Sto. Tomas.
Kahit may pinagdadaanan, "blessed" pa rin daw ang kanyang ina dahil colorectal surgeon na ang doktor nito sa GEAM.
Nabigyan din ng sariling kuwarto ang ina, bagay na mahirap daw makuha sa isang public hospital.
"Prinepare si Mama for a possible operation. Ang goal nila is ma-remove yung tumor.
"Pag di ma-remove, gagawa ng diversion, ilalabas yung part ng small intestine niya para dun na siya mag-pass through," paliwanag ni Nasser.
Dagdag niya, "Nung binuksan si Mama, di kayang tanggalin kasi yung mga bukol, nakadikit na sa iba-ibang organs.
"Sabi ng doctor, 'di natin puwede tanggalin' kaya nag-resort sa ileostomy."
Ang ileostomy ay medical procedure kunsaan bubutasan ang tiyan para mailabas ang bahagi ng small intestine para doon kabitan ng colostomy bag kung saan kokolektahin ang body waste ng pasyente.
Naging malaking tulong daw ang colostomy bag para makakain nang maayos ang ina ni Nasser.

Read: Matet de Leon slams netizens criticizing her children
NASSER AMPARNA'S REACTION THAT HIS MOM HAS CANCER
Pero nakumpirma ang worst fear ni Nasser nang lumabas ang biopsy ni Melodie.
Ang sakit nito: transverse colon adenocarcinoma cancer, stage four.
Isa itong rare type of cancer na nagsisimula sa bandang gitna ng large intestine, at karaniwang nade-detect kapag nasa advanced stage na at may kaakibat na obstruction at abdominal pain.
Patuloy na lahad ni Nasser: "November 3, lumabas yung biopsy from the previous hospital. I was praying to God na sana polyps lang or bukol pero benign.
"I saw her PET scan. Nakita ko yung gravity ng tumors sa katawan niya kasi nag-metastasize—sa stomach, liver, pancreas, kidney—sanga-sanga.
"Nakakanginig pala yung ganun daming tumor.
"Nung nalaman ko yung resulta, para akong pinagsakluban na di ko maintindihan. Dumilim lahat ng paligid ko. I was clueless kung anong gagawin ko.
"Parang nanghina ako for my mom."
Noon lamang September 3, 2025 ay nakapanayam ng PEP si Nasser.
Nabanggit niya noon na ang kanyang ina ang inspirasyon niya magtrabaho sa Singapore para mabigyan ito ng magandang buhay.
Pero di nagtagal ay dumating ang dagok sa buhay ng ina.
"Parang sabi ko, 'God, bakit naman ganito?' Kasi it was the first in our family.
"So, clueless kami kung anong gagawin. Ako din clueless ako kasi walang namang may cancer sa buhay namin, e.
"So I kept asking God, 'God, ano 'to? Ano ang ginagawa Mo sa min? Ang ginawa Mo sa family ko?' I even questioned na, 'Bakit? Ang faithful-faithful naman ng family ko sa 'Yo.'
"Ang hirap i-mask sa kanya how worried I am, how I questioned God a lot during that time."
Pero sa Diyos din daw kumapit si Nasser habang siya ay pilit nagpakatatag para sabihin sa ina ang balitang may cancer ito.
"Bago siya ma-discharge, kinausap ko si Mama. Kasi she’s very anxious sa result [ng biopsy].
"Sabi ko sa kanya, 'Mama, you have cancer, but it doesn't end there. Meron tayong plano how we’re going to deal with this. I promise I will be with you the whole time.'"
Thankful si Nasser sa surgeon at hospital staff ng GEAM dahil sobra raw ang pagbibigay ng mga ito ng lakas ng loob sa kanyang ina.

Read: Slater Young breaks silence: “Monterrazas did not cause flooding”
NASSER AMPANA'S MOTHER UNDERGOES chemotherapy
Base na rin sa payo ng doktor, December 17, 2025 nagsimula ang chemotherapy ng ina ni Nasser sa La Salle Dasma Hospital.
Noong mga unang cycle ng chemo ay positibo pa raw ang response ng katawan nito.
Saad ni Nasser: "Hindi siya nagsuka, hindi siya nagtae. Kasi usually, you will feel lethargic, wala kang energy, tapos wala kang gana kumain.
"But my mom, during that time, her first side effect is lagi siyang gutom, which we like, kasi kapag may cancer ka, you have to eat, eat, eat."
Pero napagtanto rin ni Nasser na mahirap ang labang dadaanan ng ina at pati na rin ng mga mag-aalaga rito.
"And also, one of the difficulties we encountered is yung pag-maintain nung colostomy bag. It was so difficult.
"Because it's the first in our family, even ako na medically inclined, nahirapan din ako. Pero, I was really... I devoted my time, I researched talaga para magbigyan ko ng magandang care si Mama.
"Tapos I even bought a lot of things para lang hindi siya masaktan. Kasi dumating sa point na nagka-rashes na siya, tapos nagli-leak [yung colostomy bag], hindi masyadong dumidikit.
"But we were able to manage everything. Tapos hanggang sa naging, kumbaga, parang masterclass na yung level namin sa pagte-take care ng colostomy bag niya."
Ang ama at kapatid ni Nasser na may special needs ang kasama ng kanyang ina sa bahay nila sa Cavite.
Pero kahit nagtatrabaho sa Singapore si Nasser, umuuwi siya ng Pilipinas para makasama ang ina sa tuwing may chemo session ito.
Hindi raw niya inisip ang magiging epekto sa kanyang trabaho.
Laking pasasalamat naman ni Nasser na sobrang supportive ng school na pinapasukan niya, dahil mismong mga boss pa raw niya ang nagsabing mahalagang nasa tabi siya ng ina.
"I started booking my flight. So, nag-book ako ng flight good for eight cycles," ani Nasser, na ipinakita sa PEP ang plane tickets niya mula January to April 2026.
January pa lang ay na-book na ang walo niyang plane tickets dahil gusto nitong makasama ang ina.
Read: PRC explains “Name Withheld” in 2026 Physician Licensure Exam
CHALLENGES IN HURDLING CANCER
Third cycle pa lang ng chemo ay nahirapan na raw ang ina ni Nasser na si Melodie.
Dagdag pa rito, hirap itong magsalita at hindi maigalaw ang kanang kamay dahil sa mild stroke na dinanas noong September 2025.
Ramdam daw ni Nasser na pinanghihinaan ng loob ang ina.
Lahad pa niya: "Eventually, nawalan siya ng gana kumain. And naging struggle namin yun sa family kasi parang, 'Mama, ano bang problema mo? You need to eat. You need nutrition sa katawan mo.'"
Pag-amin pa ni Nasser: "Ta's dumating kami sa point na ano ako, yung fatigue ba ng caretaker, sasabihan ko siya na, 'Ang bigat-bigat na ng situation mo. Wag ka na magpabigat pa.'
"Siguro out of ano yun, out of fatigue nasabi ko yun.
"Pero after nun, I apologized to her kasi na-realize ko na it's not that my mom doesn't want to eat.
"But because there are a lot of things happening sa katawan niya that makes her don't want to eat—emotionally, psychologically, physically, lahat yan sabay-sabay yan.
"And also, yung pain na nararamdaman ni Mama sa tiyan niya, unexplainable yun."
Ang realization ni Nasser: "Tayo nga na minsan wala naman tayong sakit, pero we just don't feel like eating, ang hirap nating pakainin, how much more siya?
"So I apologized to her during that time. Siguro sobrang pagod lang kasi gusto ko talaga siya kumain."
HEALTH OF HIS MOM STARTED TO DETERIORATE
Hanggang sa unti-unting nag-decline ang health ng ina ni Nasser.
Una raw itong na-confine sa ospital dahil sa malnutrition, at sumunod ay dahil sa urinary track infection (UTI), na delikado raw para sa isang cancer patient.

March 30, 2026 nang huling ma-confine sa ospital si Melodie.
April 2 nang umuwi si Nasser ng Pilipinas matapos malamang lumalala ang kondisyon ng ina.
Pagdating niya ng ospital ng 12NN, nakita raw niyang hirap nang huminga ang ina kahit may oxygen mask na ito.
"Sabi ko, 'God, eto na ba? Eto na ba yun?'" kabadong dasal daw niya.
Dun na raw siya nagdesisyong papuntahin ang mga kaanak at kaibigan ng pamilya para bisitahin ang ina.
"My mom can still recognize everyone. Pero she's so lethargic. Tsaka wala na talaga siyang energy to speak.
"Pinag-pray namin si Mama. I gave everyone a chance to speak to her.
"Nung Thursday na yun. Nung oras na yun, yun yung parang naging huling lamay namin."
Mahalaga para kay Nasser na nakapagpaalam ang malalapit na tao sa buhay ng ina.
Paliwanag niya: "Pangit siya pakinggan kasi buhay pa yung mama ko noon. Pero that was our last moment wherein puwede namin sabihin sa kanya lahat ng gusto naming sabihin kasi conscious pa siya, aware pa siya.
"And I think I made the right decision during that time. Kasi, kailan namin sasabihin yung gusto naming sabihin, kapag wala na?"
Kahit daw mga nakaaway ng ina ay dumalaw rin dahil kahit prangka ang ina ay mabuti raw ang puso nito.

Read: Butch Jimenez stands by ABS-CBN amid Lopezes' dispute
NASSER'S LAST CONVERSATION WITH MOM MELODIE
Nakausap din ni Nasser ang ina.
Lahad niya: "And then, that time, last kami nung kapatid ko. So, yun yung time na sabi ko, 'I wanna have this captured on video because this will be my last memory with my Mama.'
"Kasi I want to capture yung sasabihan ko si Mama na I will take care of my brother."
Tulad ng dati ay kinulit muna raw ni Nasser ang ina, na noong una ay umuungol lang.
Love language daw kasi ni Nasser ang asar-asarin ang ina.
Pero sumeryoso rin siya at nangakong aalagaan niya ang kapatid na si Nichol.
"Kasi one of her worries is pag nawala siya... Nasasabi niya sa akin yun noon na sino mag-aalaga sa kapatid ko?
"Kasi I think everyone knows naman, my brother is a special kid. So, sino mag-aalaga sa kanya? Yun yung worry niya.
"Tapos sinabi ko sa kanya, 'Don't worry, Ma, I will take care of Nichol.'
"And then, when I told her 'I love you,' nagulat ako kasi nag-'I love you' back siya. She exerted so much effort to say those final words for me and for my brother.
"Kaya parang sabi ko... Kunyari hindi ko pa narining. Ipinaulit ko pa yun. Sabi ko, 'Ano?' 'I love you.'"
Base sa video ni Nasser, kahit mga kaanak na nasa loob ng hospital room ay maririnig na napa-"Awww..." dahil nakuhang magsalita ni Melodie.
Dito na napahagulgol ang magkapatid na Nasser at Nichol.
Sa panayam ng PEP, sabi ni Nasser: "I miss her saying that to me. I miss hearing those words. Pero kung hindi ko na-capture yung moment na yun, wala akong babalik-balikan na maaalala na this is my last core memory with my mom.
"And it's so important to me kasi I will always remember how she put all her efforts to say her final words for her kids, which is kami ng kapatid ko.
"And up to the last moment, kami talaga yung iniisip niya. So, ramdam na ramdam ko yung pagiging nanay ng mama ko. And, after nun, we prayed."
NASSER AMPARNA ON final moments OF HIS MOM
Pinakamahirap na desisyon daw para kay Nasser ang pumirma ng Do Not Resuscitate (DNR) waiver sa ospital noon ding April 2.
Kuwento pa niya sa PEP: "It feels different pala pag ikaw na yung nasa situation na yun. Pinapanood ko lang yun sa ibang pelikula.
"Iba pala yung pakiramdam kapag ikaw na yung nandun. Na parang nasa kamay mo kung i-extend mo pa yung buhay niya o hindi.
"Pero dahil nakikita mong nahihirapan na siya, magde-decide ka na lang.
"So I asked God for grace. I asked God for wisdom. And I asked God for the right decision na gagawin ko.
"Then I signed. I was really crying."
Pinaubos na lang daw ni Nasser ang gamot na nagpapa-regulate ng extreme low blood pressure ng ina.
"So, kapag ganun kasi yung nangyari, kapag tinanggal mo yung drug, magde-decline na yung health niya. So, yung drug na natitira, good for four hours na lang."
Noong gabing iyon, saglit na umuwi ng bahay sina Nasser at Nichol.
Pagbalik niya ng ospital, nag-decline na nga ang health ni Melodie.
Ayon pa kay Nasser, 11:45 P.M. ng April 2 nagsimulang mag-flatline ang heartbeat ng ina. Nag-fluctuate pa raw dahil marahil sa residue ng gamot nito.
Pero, tuluyan binawian ng buhay si Melodie 12:46 A.M. ng April 3—o humigit 12 hours lamang oras mula nang dumating ng Pilipinas si Nasser.
Pumanaw ang ina niya dahil sa septic shock. Ito ay advanced stage of sepsis, isang life-threatening condition na nagreresulta sa extreme low blood pressure at organ failure, ayon sa clevelandclinic.org.
"Yun na yung totally nag-flatline na siya. And then, noong time na yon, hindi na ako umiyak.
"Parang feeling ko, manhid na manhid yung buong katawan ko, or sobrang pagod, sobrang lahat. Parang I'm at the peak of my emotions."
Nasa tabi raw ng ina ang stepfather ni Nasser sa mga huling sandali nito.
Ayon pa sa teacher/singer/TikToker: "It was so painful to see her go kasi inspirasyon ko yan, e. Bakit ba ako nag-a-abroad? Bakit ako nagsasakripisyo na mapalayo sa kanila? Kasi para yun sa kanila.
"Para akong nawalan ng direction. Sabi ko nga, 'Ano na'ng gagawin ko next? Ano ba iyong rason ko? Ba't ako nagtatrabaho? Wala na.
"Kumbaga, parang clouded na yung judgment ko nun," ani Nasser.
Sa kabilang banda, masakit din para kay Nasser ang nakitang paghihirap ng ina.
"Pero there was a relief to me na parang at least tapos na yung paghihirap niya.
"Kasi for the past couple of months or weeks, nagko-complain siya, 'Ayoko na. Ang sakit-sakit.' Buong katawan niya daw sobrang sore kaya hindi siya makakain.
"Ako yung push nang push."
Sabay dagdag niya, "Pero nung nakita ko siya, sabi ko, 'God, I know this is Your will. I may have questioned Your will.'
"Pero wala akong laban doon, e, kapag will na ni God."
Nasaksihan daw ni Nasser pati ang pagbalot sa katawan ng ina bago dalhin sa morgue.
"I realized one thing, no matter anong position mo sa buhay, mayaman ka, maganda, gwapo, kilala kang tao, anong personalidad meron ka, lahat tayo babalutin kapag natapos na ang lahat."
Ipinasa-Diyos na lang daw ni Nasser ang halu-halong emosyong naramdaman niya.
"Tapos we sent her to the morgue. And then we had our last viewing. Tapos yun, nakita ko siya, sabi ko, 'God, Ikaw na ang bahala sa family ko. Ikaw na ang bahala sa akin. Ikaw na ang bahala sa kapatid ko.
"'But more importantly, please embrace my mom when she go up and see you face to face.'"
MOURNING HIS MOTHER
Noong April 15, kababalik lang ni Nasser sa Singapore para magbalik-trabaho.
Wala pang tatlong linggo mula nang pumanaw ang kanyang ina, at dama pa rin daw niya ang halu-halong lungkot, galit, at pagod.
Aniya: "I think it will be hard for me to move on. I will never ever be able to move on. I just have to walk through it sa buhay ko."
Sabay sabi rin niya, "Di ko siya malilimutan kasi dala ko siya sa Singapore."
Tinuro ni Nasser ang kuwintas niyang may maliit na pendant na may lamang konting ash ng cremated remains ng ina.
"I think she's always with me," saad ni Nasser.
Dagdag din niya, "What comforts me is knowing na wala nang magrereklamo na nasasaktan siya.
"Pakiramdam ko, my mom is really facing God face to face and telling all the good stories na gusto niyang sabihin kay God."
Inamin ni Nasser sa PEP na hindi perpekto ang relasyon nilang mag-ina.
Pero kung anuman ang sugat ng mga di nila pagkakaintindihan ay nahilom sa loob ng anim na buwang pabalik-balik siya ng Pilipinas para alagaan ito.
Mas nakilala raw niya ang ina, at mas lumalim ang mga pag-uusap nila noong panahong nakakapagsalita pa ang ina.
"Lahat naman ng tao may kanya-kanyang baho. Pero if we see beyond their weaknesses, maiintindihan natin kung bakit ganun," madamdaming pahayag ng binata.
Away-bati man daw sila noon, wala raw kapantay ang pagmamahal niya para rito.
Nasabi pa nga ni Nasser sa PEP noong bago pa magkasakit ang ina na baka di siya makapag-asawa dahil ang oras niya ay nakalaan lang para sa trabaho at pamilya.
"Mami-miss ko yun. Wala na akong kaaway. Tapos, wala na akong lalambingin pagkatapos ng away.
"Mami-miss ko yung, 'Hello, anak ko.' Kasi alam ko na kasunod nun, e. Hihingi siya ng pera," napapangiting sabi ni Nasser.
"Mami-miss ko siya kasi kami ng kapatid ko, umikot buhay namin sa kanya."
Read: ABS-CBN denounces "PR attacks" vs network amid family dispute
on SPENDING TIME WITH HIS MOTHER BEFORE SHE DIED
Iyong uwi ni Nasser ng Pilipinas noong April 2 ang ikawalo at huling plane ticket na nabili at na-book niya noon pang January.
Ikinuwento rin niyang nakalaan na talaga yung April 1-5 na leave of absence niya para samahan ang ina sa dapat sana'y chemotherapy nito.
"I don't think it's a coincidence," sambit ni Nasser.
"Kaya nasabi kong na-complete yung chapter ko with my mom, kasi ang ginawa ni God, yung every time na uuwi ako ng Pilipinas, yun yung window namin ng family ko at saka window ko to spend time with her.
"So, kumbaga, parang si God yung nag-design noong mga nangyari.
"And that changes yung grief na kine-carry ko. Kasi in the middle of the loss ng kay Mama, may sense of peace akong naramdaman."
Nagdadalamhati man, alam ni Nasser na hanggang sa huli ay napayagan siyang makapiling ang ina kahit may trabaho siya abroad.
"Wala tayo magagawa kapag will ni God na kunin kung sino man yung mga mahal natin sa buhay.
"But I think the best thing to see it is kung paano ako binigyan ng oras para maayos ko yung relationship ko kay Mama.
"I was able to use that time fully, nakasama ko siya during her difficult moments.
"Hindi ako nag-hesitate. Hindi ako naghintay. I was there all throughout."
GRATEFUL FOR FULL SUPPORT FROM FAMILY, WORKMATES
Natanong din ng PEP kung magkano ang inabot ng hospital bills, chemotheraphy, at iba pang expenses nang magkasakit ang kanyang ina.
Sinabi ni Nasser na umabot ito ng PHP3 to PH4 million.
Malaki ang pasasalamat ni Nasser dahil marami raw mabubuting puso ang tumulong sa kanya para matustusan ang hospital expenses ng ina.
Nakalikom daw siya mula sa GoFundMe ng USD11,000 o nagkakahalaga ng "around PHP600,000."
Dagdag niya, "And it was specifically for chemotherapy."
Yung ibang financial aid ay nanggaling daw talaga sa pinapasukan niyang school sa Singapore.
Lalo pa raw pinagtibay nitong ginagabayan siya ng Panginoon dahil marami ang tumulong sa kanya sa oras ng kagipitan.
"Naging at stake yung work ko, pero I'm happy with my workplace, yung Hwa Chong International School, because they are very supportive of this.
"They even contributed a lot to my mom's hospitalization. Kaya sabi ko [noon] kay Mama, 'Mama, huwag mong isipin yung expenses kasi everyone is trying to help and God is providing us with such financial support.'"
Kaya lubos ang pasasalamat ni Nasser sa mga katrabaho na sina Angelin Wong, Pusparanee Mohan, Jayashree, Li Keng "and the rest of the Hwa Chong International School staff and teachers who helped support my mom."
Nagpasalamat din siya sa oncologist ng ina na si Dr. Mary Igot; pati na ang UST pharma volleyball teammates niyang sina Dr. Alex Florentino at Dr. Jardine Lua na tumulong sa kanya noong initial phase ng treatment ng ina.
Nagpasalamat din siya sa kanyang pamilya at mga kaanak, partikular na raw sa mga tita niyang sina Malou at Myrna, at sa lola niyang nagbubuklod sa kanilang pamilya.
Malalim man ang pagdadalamhating dinadaanan niya ngayon, kumakapit daw si Nasser sa pag-asang di siya pababayaan ng Diyos.
"To my brother Nichol Baloy and Tito Ricky Baloy, we will get through this together," mensahe pa niya para sa kapatid at stepfather.
