Nagsalita ang It's Showtime co-host na si Cianne Dominguez kaugnay ng muling pagkabuhay ng isyung kinasangkutan ng amang si Johng Florendo noong 2025.
Ito ay "cat hunting" posts ng ama ni Cianne na binatikos nang husto ng netizens.
Ayon sa TV personality, naglabas na ng statement ang kanyang ama noon at humingi ng paumanhin sa ginawa nitong "bad joke."
Mensahe ni Cianne sa Threads nitong Lunes ng umaga, April 20, 2026: "Hello! About the issue that has been circulating again online.
"As some of you may already know, this issue was addressed last year, and I’ve responded to many people about it publicly.
"My dad also released a statement and has already apologized for the bad joke.
"And we also apologize for the misunderstanding hanggang ngayon. [praying hands emoji]"

Dagdag pa niya: "I sincerely apologize for not being able to respond to everyone individually, as we believe the matter has already been handled both privately and publicly.
"This will be my final response regarding this. Thank you for your understanding."

Read: Alfred Vargas's wife files cyber libel vs Rob Sy's partner
NETIZENS REACT TO CIANNE DOMINGUEZ'S APOLOGY
May netizen na nagbahagi sa Threads ng screenshots ng lumang post ng ama ni Cianne na si Johng, kung saan kasama ang osang malaking aso habang namamasyal.
Nakalagay na caption dito: "Cat hunting morning! Mga pusang sumisira ng upuan ng motor."

May nag-repost din ng post ng ama ni Cianne noong September 10, 2026.
Nakasulat dito: "Late night cat hunting walk with Megan (Daughter of Phil Champ Duncan)"

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang birong ito ng ama ni Cianna.
Komento ng isa: "That is really a bad joke. Ambaba ng tingin ng tatay mo sa mga pusa. Asong may breed o stray cats pareho lang may karapatan yan.
"Also, pakisabihan ang tatay mo na ang malalaking aso eh hindi yan inaalagaan para mag-show off lang.
"Hindi kinaastig ng papa mo yang pagka-caption about cat hunting. Sobrang hirap na ng buhay ng mga stray cats just to survive on a daily basis tapos ginagawa niyo lang joke."
Tanong ng isa: "Are you sure it’s just a 'joke'? Please, we’re not trying to bully you or anything. This is the only way we can make sure that he’s not doing and/or not gonna do it."
Sinagot ito ni Cianne. Tiniyak na biro lamang ang post ng kanyang ama.
Saad niya: "Yes I personally assure you. Even if mag pa investigate, we’re confident naman po. And wala naman po kaming hahayaan na ganun. We validate lahat ng nafe-feel niyo especially cat lovers. [praying hands emoji] Thank you."
Pero hindi naniniwala ang isang netizen.
Sabi nito: "He has done it and you know it.. you guys just got caught. Be mindful of all living beings.. not because they are homless their life is not valuable.
"Keep in mind God created them too and they matter. I just hope he will not be doing it again because karma exist once you took a life of someoe who is innocent."
Read: Who is Cianne Dominguez?
CIANNE'S BIRTHDAY; OLd FATHER'S DAY POSTS
Maging ang birthday post ni Cianne noong March 18, 2026 ay pinutakti rin ng netizens.
View this post on Instagram
Nagtatanong sila tungkol sa mga screenshot ng gawain ng ama na kumalat sa Facebook tungkol sa "cat hunting."

Binalikan din ng ilang netizens ang Facebook post ni Cianne noong June 15, 2025 tungkol sa Father's Day.
Mensahe niya sa ama, "Happy Father’s Day Papa Johng Florendo"
Narito ang ilang komento ng netizens:


Wala nang sinagot dito si Cianne at wala ring pahayag ang kanyang ama.
