Kinumpirma ni Ian de Leon na siya ang nangangasiwa ng mga naiwang legal affairs ng inang si Nora Aunor.
Siya rin ang nangunguna sa mga proyektong may kinalaman sa namayapang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts.
Kabilang dito ang pag-organisa ng first death anniversary na idinaos sa Libingan Ng Mga Bayani sa Taguig City noong April 16, 2026.
Read: Ian de Leon no personal motive in managing Nora Aunor's legacy
"Yes, it's a legal responsibility for me right now," pahayag ni Ian nang makapanayam sa sidelines ng okasyon noong araw ring iyon.
Sabay paglilinaw na hindi raw niya isinasantabi ang mga kapatid sa mga usaping may kinalaman sa namayapang Superstar.
"And like what I've said, it does not exclude any family members.
"I decided just to fast track things, eventually the OPC [One Person Corporation] will become a corporation.
"Everyone is welcome on the boat," sabi niya.
Nakokonsulta ba ang kanyang mga kapatid sa mga ginagawa niya para sa kanilang pumanaw na ina?
Sagot ni Ian, "Yeah, some of the siblings I discuss it with them."
Hindi naman niya tinukoy kung sino sa mga kapatid ang kanyang nakakausap.
Maliban kay Kiko de Leon, kapansin-pansing wala ang ibang kapatid ni Ian na sina Lotlot, Matet, at Kenneth sa pagpupugay kay Nora na inorganisa ng aktor sa Libingan ng mga Bayani.
Nagpunta ang iba sa kanila nang tapos na ang misa at nakaalis na si Ian sa Libingan ng mga Bayani.
Pero kung anuman ang isyu nilang magkakapatid, sinabi ni Ian na umaasa siyang magkakaayos din sila sa tamang panahon.
Paliwanag ni Ian: "I'd rather live towards discernment and distance to not getting emotionally attached towards what's happening right now.
"It's not gonna be productive to everybody, especially malilit pa mga anak ko. I don't want to be an example to them na too emotional just because may mga issues.
"Each family has its own issues. It just happened that we're in the limelight, and unfortunately, siyempre di natin maiiwasan.
"But in God's good graces and in His time, everything will fall into place.
"Probably sooner or later, everything will be patched up. It's a matter of time."

Read: Lotlot de Leon's camp breaks silence on issue with brother Ian
IAN DE LEON AND THE ONE PERSON CORPORATIONS THAT HE FOUNDED
Sa naunang panayam kay Ian sa Beyond The Exchange With Rico Hizon noong April 12, inihayag niyang siya ang maituturing na "sole heir" ni Nora.
Ipinaliwanag din niyang nagtatag siya ng Nora Aunor Enterprise at Nora Aunor Foundation, na parehong nirehistro bilang One Person Corporation (OPC).
Ang OPC, ayon sa philippines.incorp.asia, ay isang business structure na may isang stockholder na tumatayong incorporator/director/president.
Ibig sabihin, siya ang may total control sa negosyo at hindi siya nangangailangan ng board of directors at stakeholders.
Nang tanungin siya ni Rico kung paano ang kanyang mga kapatid, sinabi ni Ian na sa oras na magkaroon ng "traction" at "momentum" ang OPC ay maaari raw itong gawing kumpanya.
Gusto raw ni Ian na magkaroon ng "order" at "structure" sa business affairs ng yumaong ina.
Mayroon daw kasing ibang mga indibidwal na nagtatayo ng OPC sa ngalan ni Nora, kahit wala itong kinalaman sa pamilya.
Bilang "sole heir" ng ina, responsibilidad daw niya ang pangasiwaan ang naiwang body of works nito, mapa sa pelikula o musika.
Pati na ang pagtayo ng mga proyektong magpapatuloy sa legacy ng Superstar at National Artist.
Read: Lotlot at Matet de Leon, wala sa misa para kay Nora Aunor
LOTLOT DE LEON CLAIMS IAN DID NOT CONSULT HER
Pero lumalabas na hindi sang-ayon ang panganay na kapatid ni Ian na si Lotlot sa initiatives na ginawa ng aktor.
Sa ulat ng PEP.ph noong April 16, inilathala ang official statement ng legal counsel ni Lotlot.
Kontra sa pahayag ni Ian, hindi umano kinonsulta ni Ian si Lotlot nang itatag nito ang One Person Corporation para sa Nora Aunor Enterprise at Nora Aunor Foundation.
Ni hindi raw ipinaalam ni Ian kay Lotlot ang activities at projects na inorganisa nito.
Nasaktan at nalungkot daw si Lotlot nang itatwa ni Ian ang foundation para kay Nora na naunang itinatag ni Lotlot, gayong may permiso raw iyon ni Ian at ng ibang mga kapatid.
Kinuwestiyon din ng kampo ni Lotlot ang pahayag ni Ian na ito ang "sole heir" ni Nora, dahil wala naman daw naiwang last will and testament ang Superstar.
Nakasaad din sa ulat sa PEP na hindi dumalo ang magkakapatid na Lotlot, Matet, at Kenneth sa death anniversary gathering na pinangunahan ni Ian.
Ang dinaluhan ni Lotlot ay sariling pamisa nila ng ibang mga kapatid na ginanap sa St. John Paul II Parish sa Eastwood, Quezon City, noon ding April 16.
Read: Bea at Vincent, ikinasal na sa Maynila? Bea, hindi pa raw buntis
IAN DE LEON ON PREPARING A MUSEUM FOR NORA AUNOR
Balik sa panayam kay Ian noong April 16, ibinahagi niyang sinisimulan na ang ibang proyekto para sa pagpapatuloy ng legacy ni Nora.
Una na rito ang museum na magiging bahay ng mga memorabilia ng nag-iisang Superstar.
"Right now, we're working on the museum. It's going to be in Manila, it's a temporary museum.
"But after that, we're planning another museum along the way, a more permanent one.
"That's why we're working extra mile to gather up all mom's memorabilias. Yung mga trophies and awards, yung mga dresses that she used on her anniversaries on Superstar, the dresses that she used on her movies.
"We're working hard on that to curate for the museum. On process na yun. We're on the works for that, and actually we're discussing a deadline for it.
"Maybe it's gonna launch sometime June of this year, and we're fast tracking things."
Hinikayat ni Ian ang ibang Noranians na makilahok sa pagbuo ng memorabilia para sa museum.
"We don't want to lose momentum. We don't want people, yung feelings will die down with Nora Aunor. We want them to continue so we have to be aggressive.
"I hope everyone will be there to support. Sa mga Noranians na may mga memorabilias, i-include po namin yan sa museum.
"Yung pinaplano po namin na museum, sa mga memorabilia, like pictures, albums, clippings, na puwede nilang i-share sa museum, ilalagay po namin ang pangalan ninyo as credits.
"So, malalagay sa musuem yung pangalan niyo kapag nakapag-donate po kayo or naka-share kayo ng inyong memorabilia.
"After that, we have a pile of projects, but I'm not yet ready to disclose it, so along the way [we will share more updates]."
Ayon kay Ian, hindi biro ang pag-mount ng legacy projects para sa yumaong ina.
"Actually, everything is really difficult during the beginning process. Everyone has to start and have a hard time with it.
"But you know, through resilience and determination, we'll find that momentum eventually.
"We're doing this not for me, not for anyone. It's for mom and what she has left behind. We don't want put that to waste.
"That's why we're working hard for her legacy to continue on and to be passed down to our kids, for the next generation, para maging relevant siya always sa mga tao and to be an inspiration."
Read: Is this Matet’s reaction to inheritance issue with brother Ian?
STILL MOURNING NORA AUNOR'S DEATH
Isang taon na ang lumipas, pero ramdam pa rin daw ni Ian at ng kanyang pamilya ang pagkawala ng ina.
"Trying to cope up. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala si Mommy.
"Kanina nung nagma-mass ako, naiiyak na si EJ din, naaalala niya yung burial, nung nililibing si Mommy. Kasi close sila ni Mommy.
"Tatawag si Mommy, pinapupunta kami dun [sa bahay niya], kahit hirap na hirap, kaligayahan daw niya makita ang mga ito.
"Umiiyak, of course, buti nandito ang mga ito. Yung depression medyo, of course, mandatory yun."
Dagdag niya: "Ang nagbibigay sa atin ng lakas ay yung Panginoon, always praying, and my kids.
"Natutuwa nga ako, kabisado nila ang mukha ko, e. Pag nadi-depress ako, 'Daddy, let's pray,' ganun sila. Nakuha nila kay Mommy.
"Tinuturuan ni Mommy yung dalawa na laging magpe-pray kay Lord."

Sa kabilang banda, ipinapasa-Diyos na lang daw ni Ian kung anumang kalungkutang nararamdaman niya.
"Siyempre one year na yung dumaan. Kailangan kong i-remind sa sarili ko na hawak-hawak na siya ni Papa God.
"I cannot grieve for that kasi ayaw Niya ng malungkot, gusto Niya masaya. Gusto Niya laging masaya, ayaw Niyang nakikita na nalulungkot tayo for her kasi magagalit Siya.
"I make it a point na pag nakakaramdam kami ng medyo, naalala namin siya, like for example itong araw na ito, we see to it na kahit papaano masaya tayo."
Ipinunto ni Ian na maraming aral at inspirasyong iniwan ang ina.
Paliwanag niya: "But we're not gonna celebrate dahil death anniversary but we just have to be grateful na life has passed its course.
"Our Papa God has his own plans for us, maybe itong araw na ito ang daming realizations, and maybe one of those realization comes from Mommy.
"Ang dami naming natutunan kahit wala na siya at para sa mga bata we keep that. It shows na kailangan talaga namin na maging matatag.
"Actually, I don't wanna call it our loss, everyone's loss, but a gain in heaven. Kumbaga, nag-transcend lang siya. It's a gain for everyone especially for us."
