Para kay Lotlot de Leon, ang legasiya ng namayapa niyang inang si Nora Aunor ay higit sa memorabilia o materyal na bagay.
Ito ang laman ng talumpati ni Lotlot sa "Bongga Ka Guy, A Celebration Of Life Of Ms. Nora Aunor," na inorganisa ng Noranians. Ginanap ito sa Alano Hall sa Philippine Navy Golf Course sa Taguig City noong April 16, 2026.
Read: Nora Aunor’s legacy: a Superstar onstage and onscreen
"Ang legasiya ni Mommy para sa akin ay hindi lang tungkol sa materyal na bagay, hindi tungkol sa pera, ito'y tungkol sa kanya bilang tao, tungkol sa pagtulong niya sa kapwa niya, yun ang pinakaimportante para sa akin.
"Hindi naman kailangan na ulit-ulitin ang mga karangalang natanggap niya kasi nasa libro na yan, habang buhay na yan hanggang sa mga susunod na henerasyon.
"Ang importante sa akin ay ipagpatuloy ang legasiya niya in helping others and being kind, just to be kind to other people," bungad ng beteranang aktres.

Inalala rin ni Lotlot na bata pa lang siya ay nasaksihan na niya ang dami ng taong nagmamahal para kay Nora.
"Kinalakihan ko na maraming tao sa bahay namin. Pag busy si Mommy, sasabihin niya, 'Anak, ikaw muna ang bumaba. Ikaw muna ang mag-asikaso sa mga bisita.'
"Kinalakihan ko na na bus-bus na mga tao ang dumarating sa bahay namin para masilayan ang aking ina."
Sa personal na level, walang halong artista factor ang relasyon nila ng adoptive mother.
"Para sa akin, bilang ina, siyempre ordinaryong ina siya para sa akin. Yung impact niya as a person and as a mommy, I learn to recognize as I'm growing up.
"But for me, she's simply Mommy."
Read: Lotlot de Leon's camp breaks silence on issue with brother Ian
LOTLOT DE LEON ON NORANIAN'S UNWAVERING SUPPORT
Binanggit rin ng aktres ang mga pinagdaanan ng kanilang pamiya at ang patuloy na pagpukol ng mga intriga sa kanilang magkakapatid.
Pero napatunayan daw niya ang pagmamahal ng Noranians para sa ina.
Emosyonal na lahad pa ni Lotlot: "Ang dami nang nangyari all through the years. Ang dami na ring nasabi tungkol sa aming pamilya.
"Yung mga haka-haka, yung mga panghuhusga, lalo na para kay Mommy, nanatili kayong nandiyan, nanatili kayo para sa kanya.
"Nanatili yung pagsusuporta niya, tiwala ninyo kay Mommy, at ang paghanga nyo sa kanya."
Para sa mga nagdadalamhati pa rin sa pagpanaw ni Nora, ipinaalala ni Lotlot na buhay pa rin sa alaala nila ang mga iniwang legasiya ng Superstar.
"One year ngayon, we try to go on day by day, at kung may isang tao na nagbuklod sa ating lahat at yan ay walang iba kundi ang aking ina.
"Siguro ang pinakagusto kong sabihin sa inyo ay salamat. Salamat sa pagmamahal niyo. Kahit wala na siya dito, ipagpatuloy pa rin yung kindness na yun na naiwan ni Mommy.
"By being all together, by taking care of each other also as a group of people who love her."

Read: Ian de Leon: "Each family has its own issues."
ON nora aunor's heart for the people
Hindi raw matatawaran ang inspirasyong iniwan ng ina.
"I think Mom is born in this world for that purpose na maging inspirasyon sa ating lahat, sa karamihan, na kahit ano mararating mo basta magsusumikap ka lang at magpapatuloy sa buhay.
"Yun nga, patuloy na pakikisama sa kapwa.
"Maraming salamat sa nagmamahal sa kanya, at nandirito pa rin kayo hanggang ngayon.
"Kasama niyo ako sa journey na ito, and we will all continue on Mom's legacy."
