Naghahanap ng kasambahay ang kontrobersiyal na aktor na si Ron Angeles.
Sa Facebook bandang alas-tres ng hapon ngayong Biyerngagawa nges, April 24, 2026, inanunsiyo ni Ron ang paghahanap ng kasambahay na titira sa kanyang bahay.
Mensahe niya: "LF KASAMBAHAY
"Marunong Magluto, Maglaba, Malinis sa bahay, Maingat sa gamit, Maalaga at hindi CHISMOSA.
"FREE ACCOM AND FOOD."
May pahabol siyang requirements sa comments section.
Una rito: "Wala kang ibang gagawin kung hindi alagaan ako at bantayan ang bahay"

"Drop your comments nalang"

"28-38 age range ! Probinsyana much better magaling sila sa bahay at ma diskarte"

Dito na binaha ng mga nakakatuwang mensahe ang post ni Ron.
May nagbulontaryo pang sila na ang magpapaligo sa aktor.
Kailangan naman daw ng isa ang sahod dahil working student ito.

Ang isa naman ay magaling daw mag-alaga at may kakayahanpag gsilbihan ang aktor.
Nag-volunteer na rin ang iba pa.

Ang ilan naman ay nagsabing kahit walang suweldo ay kusa silang magseserbisyo sa aktor.

Read: Bea at Vincent, ikinasal na sa Maynila? Bea, hindi pa raw buntis
RON REQUESTs FOR PICTURES AS PART OF HIS VETTING PROCESS
Idiniin ni Ron na seryoso siya sa paghahanap ng kasambahay matapos mabasa ang ibang comments sa kanyang post.
Aniya, "SERYOSO AH HAHAH , PURO KAYO KALOKOHAN!"

Dahil nakaramdam siyang puro kalokohan ang komento ng kanyang followers, nanghingi na siya ng pictures sa mga nais mag-apply.
Sabi ni Ron sa kasunod niyang post: "DROP YOUR PICTURE HERE
"Makita natin agad if MAPAGKAKATIWALAAN ka"
Ayon naman sa isang aplikante, mapagkakatiwalaan siya.

All-around naman daw ang isa at kahit hindi pasahurin.

Ang isa naman daw ay maalaga.

Ang isa naman ay nakasuot na ng damit pangkasambahay.

Wala namang komento ang isa pero sabi ni Ron, "Kinilig pa sya."

Nais naman ng isang magsilbi kay Ron kahit tagalaba lamang.

Handa naman ang isang maging katuwang... este katulong pala.

Wala raw pinipiling trabaho ang isa kahit all-around pa.

Dahil nahirapan mamili si Ron, siya na raw muna ang nagluto para sa sarili.
Saad niya, "Ako muna mag luto wala pang mahanap na taga luto eh. Kaon ta!!"
Kabilang si Ron Angeles sa male showbiz personalities na biktima ng kumalat na video scandals noong Marso.
