PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kenneth Cabungcal and Kenneth Marcelino reveal their real score

The two gave conflicting answers when asked if they are a couple.
by Bong Godinez Erwin Santiago
Published 6 hours ago
kenneth marcelino kenneth cabungacal real score
Models and male pageant winners Kenneth Cabungcal (left) and Kenneth Marcelino (right) say they genuinely enjoy each other’s company. That connection comes through in the videos they share on social media, where some netizens even “ship” them as a loveteam.
PHOTO/S: Instagram

Viral ngayon ang pageant kings at magkatukayo na sina Kenneth Cabungcal at Kenneth Marcelino dahil kinaaaliwan ng netizens ang kanilang online content, kung saan makikita ang dalawang laging masayang magkasama at tila more than good friends ang samahan.

Tinutukso tuloy sila ng netizens, samantalang ang iba ay sini-ship ang dalawa na para bang loveteam.

Si Kenneth Cabungcal o KC ay fourth runner-up sa Mister Supranational 2025, habang si Kenneth Marcelino o KM ay first runner-up sa Mister Cosmopolitan 2025.

Nagkakilala sila nang parehas silang sumali at nanalo sa Mister Pilipinas Worldwide 2025.

Inamin ng dalawa na hindi naging agaran ang kanilang koneksiyon at naging malapit lamang sila sa isa't isa nung natapos na ang pageant.

"Hindi kami masyadong close sa mismong competition na national kasi ano siya, from Dumaguete... Tapos ang lagi nilang kausap mga Bisaya, parang hirap pa siya sa Tagalog," saad ni KM sa panayam sa kanila ni Ogie Diaz para sa YouTube channel nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy niya: "Ako naman, hirap ako sa English. Nung nanalo kami, lagi kaming 'punta kayo sa ganito,' e, hindi kami...

"Hindi ko naman nakakausap yung ibang [pageant] kings. Yung ibang kings kasi, Inglesero, kami lang yung nag-uusap."

Read: Miss Universe Philippines 2026: Where to watch and key details to know

mister pilipinas worldwide 2025 winners
Mister Pilipinas Worldwide 2025 winners: (from left) Kenneth Marcelino, Mister Pilipinas Cosmopolitan 2025; Kitt Cortez, Mister Pilipinas Eco International 2025; Kenneth Cabungcal, Mister Pilipinas Supranational 2025; Jether Palomo, Mister Pilipinas Global 2025; Kirk Bondad, Mister Pilipinas International 2025; Raven Lansangan, Mister Pilipinas Manhunt International 2025; and Michael Angelo Toledo, Mister Pilipinas Man of the Year 2025.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

KM AND KC COLLAB ON SOCIAL MEDIA

Ideya raw ni KC na gumawa sila ng content para i-share sa social media. Hindi nila inasahang papatok ang mga ito at magugustuhan ng publiko.

Pagbabahagi ni KM: "Kay Ken talaga nag-start yung mag-TikTok tapos gusto niya lagi na yung may sayaw-sayaw.

"Pero kasi hindi ako marunong sumayaw, so more on ano, 'Siguro mag-start na lang tayo ng mga lip-sync-lip-sync.'

"Yung medyo gaganun-ganun or minsan may salita or may pakilig, so parang ganun na lang.

"Ayun, dun nag-start yung mga ship. May mga nag-e-edit nung mga videos, pictures namin."

Katulad ng inaasahan, mixed reactions ang nakuha ng dalawa sa mga content na inilalabas nila.

Bulalas ni KM: "I think masaya sila. Yung mga comment dun, happy. Madaming nakakakilig, madaming nang-aasar — kinikilig daw sila."

@_kennethmarcelino Pagod na pagod na ako, kakatakbo jan isipan mo! @ken #fyp ? original sound - Rios

THE REAL SCORE

Sa gitna ng usapan ay tinanong ni Ogie sina KC at KM kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ngayon lang po namin sasabihin 'to, dito sa show po ni Sir Ogie. Kami po talaga ni Kenneth [Cabungcal]," sagot ni KM.

Subalit nagbibiro lang si KM dahil parehong walang masagot ang dalawa at dinadaan na lang nila sa tawa nang usisain pa ni Ogie ang detalye ng kanilang samahan.

Yun pala ay pina-prank lang nina KM at Ogie si KC, pero hindi ito napanindigan ni KM at panay ang tawa kaya nahuli rin sila kalaunan.

Tinanong ni Ogie si KM kung hindi siya mai-in love kay KC.

Biro ni KM, "Siya ang mai-in love sa akin."

Sakay naman ni KC, "In love na yan."

Pero seryosong sabi ni KM, "In love as a friend, as a kapatid, as tukayo. Si Kenneth."

Ayon sa dalawang Kenneth, sa kasalukuyan ay wala silang kanya-kanyang karelasyon.

Biro ulit ni KM, "Kami na lang muna habang wala pa. Baka puwede."

Natawa lang si KC habang nagsasalita si KM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mayor Vico Sotto to teach at a university after his term ends in 2028

PART OF THE LGBTQ CROWD

Dahil na rin sa klase ng content na kanilang ginagawa, marami ang nagtatanong kung gay ba ang isa sa kanila o silang dalawa.

Diretso silang tinanong ni Ogie para linawan ito.

Sagot ni KM: "Ako po, yung nanalo na ako ng Mister Pilipinas Worldwide, tapos bago ako mag-compete ng international, may lumabas na po sa akin na article, na ako po ay talagang part po ng LGBT."

Ang ibig sabihin ng LGBT ay lesbian, gay, bisexual, at transgender.

Pagpapatuloy niya: "Yeah, aminado naman po [ako] and ano din po yun, para sa mga gustong sumali ng pageant na part ng LGBT na okay lang po, parang lumakas yung loob nila."

Bukod sa pagiging modelo at pageant winner, si KM ay isang make-up artist.

Bagamat hindi kabilang sa mga LGBT, malaki naman daw ang respeto ni KC sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gets ko po yung mga LGBT kasi simula noong bata ako hanggang sa nag-high school, nag-college, mga best friend ko po ay mga gay po sila, so gets na gets ko kung sino sila," bulalas ni KC.

"Masaya lang ako na kasama sila. Dati, parang binu-bully na ako, pero nung mga kasama ko sila, katuwaan lang always, always tawanan.

"Wala namang masama sa pagiging bakla. Yung [gay] best friend ko nga yung tumulong sa akin na maging mabuting tao."

Umamin din si KC na nakatanggap na siya ng indecent proposals.

"Yung pagpasok ko dito sa industry, lalo na’t wala akong kaalam-alam. Dami po," nakangiting sambit niya.

"May namimigay nga ng pera. Sabi raw, bibigyan ako ng condo, bibigyan ako ng kotse."

Hindi naman daw tinanggap ni Kenneth Cabungcal ang mga alok na ito dahil sa hiya at prinsipyo.

"Hindi ko kayang tanggapin yung ganoong kabilis na pera. Kasi yung pera po namin, pinaghirapan po namin yan bago namin makuha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, medyo nakakaintindi naman," kuwento niya.

kenneth cabungcal and kennet marcelino
Kenneth Cabungacal (left) and Kenneth Marcelino (right)
Photo/s: Ogie Diaz YouTube

WILL KC AND KM FALL FOR EACH OTHER?

Sa isang punto ng panayam sa dalawa ay nagtanungan sila sa isa't isa.

Tinanong ni KC si KM kung nagkaroon na ito ng karelasyong babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Kenneth Marcelino: "Oo, meron. Meron akong naging dyowa. Meron akong... dalawa.

"Merong akong isa na nagtagal kami... Nung high school kami, medyo ano kasi ako, makulit, tapos medyo may pagkaano din, pilyo.

"So, siya yung girl na ano kasi... gusto ko din kasi matapang, yung siga-siga na babae. Mas okay ako dun."

Paglalarawan pa ni KM sa kanyang dream girl: "Parang taga-Cebu. Gusto ko Cebuana...

"Gusto ko na local na Cebuana talaga. So gusto ko, if ever, yung baby, yung anak namin, dun [Cebu] lalaki."

Hindi raw isinasara ni KM na magkarelasyon muli sa isang babae, lalo na sa isang Cebuana.

Hirit naman ni KC, "Cebuana o Cebuano?"

Sagot naman ni KM, "Tiga-Dumaguete... special man."

Tinanong naman ni KM si KC kung nagkagusto na ito sa kapwa-lalaki o sa isang trans.

Sagot ni KC, "Parang wala pa"

Pero naa-appreciate daw niya ang kagandahan ng mga trans.

Paliwanag pa ni KC: "Ako kasi, mas more on personality kaya naa-attract ako sa attitude ng tao, yung personality nila...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mas tatagal yung attitude kesa beauty."

Tinanong ni Ogie sina KC at KM kung hindi ba sila "nahihipan ng hangin," na ngayon ay naglalaro lamang sila ngunit kalaunan ay mayroon na pala silang nararamdaman sa isa't isa.

Binanggit naman ng dalawa ang mga nakukuha nilang komento sa kanilang TikTok videos, gaya ng "in love" na ang isa sa kanila.

Diretsong tanong ni Ogie sa kanila: "So, definitely hindi kayo magkakaroon ng relasyon someday, friendship lang?"

Parahong sumagot ng "yes" sina KC at KM.

Ipinangako rin nila sa kanilang followers na susuportahan at mamahalin nila ang isa't isa, at patuloy ang paggawa ng content para sa kasiyahan ng fans.

Sabi pa ni KM: "Saka ang daming kinikilig, e. For sure, ang daming nahe-help namin sila na baka yung iba dito, nai-stress sa school, nai-stress sa work.

"Baka minsan nagiging way kami para maano sila, ma-save namin sila dun sa pagod nila sa buong araw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo at Vincent Co, ikinasal na sa Maynila?

KENNETH AND KENNETH ON DOING A BL PROJECT

Tinanong din sila kung open ba silang gumawa ng boys love o BL series, at kung okay ba sila sa kissing scene.

Sagot ni KC, "Kailangan pa nating pag-usapan yan."

Biro naman ni KM, "Pag-usapan saka practice. Pagpraktisan muna natin... off-cam."

Pero alam daw ng dalawa na magtatawanan lang sila kung saka-sakali.

Dugtong ni KM, "Siguro magte-tequila shots muna ako."

Sumang-ayon din si KM na mas madali sa kanya ang magkaroon ng kissing scene sa kapwa lalaki.

Pero aniya, "Okay lang din pero pag nakikita ko na po yung mukha niya, natatawa na po ako, e."

Sa huli, sinabi ng dalawa na hindi nila isinasara ang pintuan sA paggawa ng BL project.

"Open na open," hirit pa ni KM.

Read: Did Imelda Schweighart take a swipe at MUPH in MGI intro video?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Models and male pageant winners Kenneth Cabungcal (left) and Kenneth Marcelino (right) say they genuinely enjoy each other’s company. That connection comes through in the videos they share on social media, where some netizens even “ship” them as a loveteam.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results