Muling namataang magka-date sina Kathryn Bernardo at Lucena Mayor Mark Alcala.
Sinasabing nakita silang magkasama sa isang Sunday market kahapon, April 26, 2026.
Nakunan sila ng litrato na matamis ang ngiti sa isa't isa habang nasa tapat ng stall ng bilihan ng butterfly squids.
Sa likod nila ay may tables at chairs para sa shoppers na gustong mag-dine al fresco.
Hindi tinukoy kung saan eksakto kuha ang mga larawan.
Tila senyales ito na unti-unting nagiging bukas ang couple tungkol sa kanilang relasyon.
KATHRYN BERNARDO AND MARK ALCALA PREVIOUS SIGHTINGS
Noon lamang Semana Santa ay magkasamang nagbakasyon sina Kathryn at Mark sa Thailand at Bhutan.
Nakunan sila habang pababa ng escalator sa EmSphere Mall sa Bangkok, Thailand, base sa mga litrato na kumalat online noong Biyernes Santo, April 3, 2026.
- Kathryn Bernardo at Mark Alcala, nag-"soft launch" sa Thailand?
- Kathryn Bernardo at Mark Alcala, naispatan na naman sa airport?
- Kathryn Bernardo revisits Bhutan 14 years after Princess and I
Ayon sa Cabinet Files, naiulat na noong panahong iyon ay nagtungo rin ang dalawa sa Bhutan, at naging point of entry nila ang Thailand.
April 14 nang mag-post si Kathryn ng hiking photos niya sa Bhutan, pero hindi niya isinama sa post ang alkalde.
Hanggang sa kasalukuyan ay walang opisyal na kumpirmasyon sina Kathryn at Mark tungkol sa kanilang relasyon.
Pero consistent na nakikita silang magkasama in public.
Noong early March, kumalat din ang video nila na nakitang namimili sa isang mall, pero nakasuot pa noon ng eyeglasses at facemask ang aktres.
REAL SCORE BETWEEN KATHRYN AND MARK
Hindi malinaw kung kailan eksaktong nagkamabutihan sina Kathryn at Mark.
Pero noong July 2024, ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang unang nag-ulat tungkol sa panliligaw ng Lucena mayor sa Kapamilya A-lister na noo'y nagsu-shooting pa lang ng pelikula nila ni Alden Richards.
Matagal nang single si Kathryn, na ang huling naging karelasyon ay si Daniel Padilla.
Read: Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla
November 30, 2023 nang kumpirmahin nina Kathryn at Daniel na hiwalay na sila matapos ang 11 taon nilang relasyon.
