Nagpapagaling na ngayon ang beauty queen-actress na si Maria Isabel Lopez matapos makaligtas sa car crash sa California, USA.
Inilahad ni Isabel ang kinasangkutang aksidente sa panayam niya sa ABS-CBN News na lumabas ngayong Martes, April 28, 2026.
Lahad niya: "I was driving home on Gravenstein highway corner Hessel Road in Sebastopol, California. I was 5 minutes away when we had a head-on collision with a car on the opposite lane.
"Things happened so fast. My iPhone said 'This is an emergency'. My airbag burst!
"Side window airbags too. The door couldn’t be opened from inside. Ambulance came and I was brought to Kaiser Santa Rosa."

Nakita raw sa CT scan na may pumutok sa kanyang bituka kaya agad siyang inoperahan.
Labintatlong araw siyang nanatili sa ospital, at ngayon ay nakauwi na sa bahay at nagpapagaling .
"Doctors removed 70cm of my intestines. Days after nagkaroon ako ng inflammation. Saw an abscess in my abdomen so I had another procedure to 'aspirate' it. Stayed 13 days in the hospital. Now I’m back home with a wound vacuum in my abdomen to speed the healing process."
Read: Vice Ganda, may "pasabog na collab" para sa MMFF 2026
POSTS ABOUT MARIA ISABEL LOPEZ 'S CAR CRASH
Noong Lunes, April 27, 2026, kumalat sa social media ang larawan ni Isabel na nasa hospital bed at nakasuot ng hospital gown.
Naka-private ang Instagram account ni Isabel kaya hindi ito ma-access ng mga hindi naka-follow sa kanya.
Caption niya, base sa mga lumabas sa balita: "Survived a car crash. Thank you Lord [praying hands emoji]"

Ni-repost ng anak ni Isabel na si Mara Lopez ang post ng ina, at sinabing ang pinakamahalaga ay buhay at walang masyadong malubhang nangyari sa ina.
Caption ni Mara: "She's alive and that's all that matters [heart emoji] Mahal kita @beautyqueenmil pagaling ka [face with kiss emoji]"

Read: Kathryn Bernardo spotted with Mark Alcala at a Sunday market
Nitong Martes ng madaling-araw, April 28, 2026, nag-post naman sa Facebook ang mister ni Isabel na si Jonathan Melrod.
Dito ay ibinahagi niya ang nangyari sa aktres.
Nagkaroon ng intestinal rupture at infection si Isabel.
Pero nagpapagaling na raw ang kanyang misis.
Saad ni Jonathan: "My wife Maria Isabel Lopez had a car crash causing an intestinal rupture and accompanying infection. Luckily she is out of the hospital and on her way to recovery. Thank you for your well wishes"
