PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda calls to end victim-blaming in male celebs' scandal

Vice Ganda recalls uforgettable encounter with Pope Leo XIV with his mother.
by Jerry Olea
Published 7 hours ago
vice ganda victim-blaming
Vice Ganda calls for a documentary highlighting the stories of the women involved in the video scandal linked to several male celebrities: “Sa history yata ng Pilipinas, sila yung may pinakamaraming napangas na artista, di ba?! Kailangang pag-aralan. Sino sila? Paano nila ginagawa iyon? Ano ang dahilan nila? Ano ang intensyon nila? Anong buhay meron sila? Ano talaga ang trabaho nila? Di ba?”
PHOTO/S: Jerry Olea

Dalawang buwan na mula nang mag-umpisang kumalat ang video scandal ng tinaguriang "The Big Four" na sina Ron Angeles, Nikko Natividad, Gil Cuerva, at Arron Villaflor.

At least eight more male personalities ang merong similar video scandal na kumalat online afterwards.

Aside from The Big Four ay umamin sina Nico Locco, Andre Cue at Jayden Fernandez na sila yung lalaki sa video scandals na katalik ng babaeng maraming tattoo.

Yung iba ay patay-malisya — walang opisyal na pag-amin, wala ring pagtanggi.

Marami pang ibang pangalan ng mga biktima ang nababanggit o nadadawit sa isyu.

“Alam mo, pinag-uusapan namin kanina. Sabi ko, kailangang may gumawa ng documentary tungkol sa babaeng yun,” komento ni Vice Ganda noong Abril 27, 2026, Lunes ng gabi, sa Romulo Cafe, Sct. Dr. Lazcano St., Quezon City.

Tatlo raw na magkakaibang babae yung mga nakaniig ng mga kilalang personalidad.

“Di ba same girl?” Magkakaiba ang mga tattoo…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa history yata ng Pilipinas, sila yung may pinakamaraming napangas na artista, di ba?!” bulalas ni Vice.

“Kailangang pag-aralan. Sino sila? Paano nila ginagawa iyon? Ano ang dahilan nila? Ano ang intensyon nila?

“Anong buhay meron sila? Ano talaga ang trabaho nila? Di ba? Sabi ko, parang ang gandang docu nun.”

Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat

NO TO VICTIM BLAMING

Nanawagan ang Film Academy of the Philippines (FAP) noong Marso 8: “The Academy has received disturbing news about intimate videos being distributed online without the consent of the actors. We condemn such gross acts which violate rights to privacy and dignity.

“We strongly encourage victims to reach out to the Film Academy of the Philippines, and we will help you contact the appropriate authorities to file cases if necessary.”

Ano ang insights ni Vice sa panawagan ng FAP?

“Dapat talagang merong sumuporta sa biktima, di ba? Merong matakbuhan yung mga biktima, di ba?” tugon ni Vice.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So, ayun. Lalo na yung mga artista, di ba? Malaki ang epekto nito negatively kahit kaninong tao.

“Pero pag may pangalan kang pinagkakakitaan, di ba, makakaapekto ito sa ekonomiya mo. O sa hanapbuhay mo, sa pagkatao mo, di ba?

“Sa kabuuan ng pagkatao mo, di ba? So, kailangan talaga merong tumulong at sumaklolo sa mga biktima para magkaroon din ng tamang paglalagyan ng mga bagay at ng mga tao.”

Kailangan ang ibayong pag-iingat upang huwag mabiktima ng ganoong modus operandi.

“Hindi puwedeng mag-victim blaming, e. Di ba? Na nangyari ito, kasi, hindi ka nag-ingat, di ba?” saad ni Vice.

“Ang mabe-blame lang natin… hindi ito dapat nangyari to begin with, lalo na kung may asawa sila, may partner sila. Di ba?

“So, yun ang maaano natin doon. Mako-call out natin. Na dapat, to begin with, hindi ito nangyari. Kasi may asawa sila, may partner sila.

“Pero yung pagiging biktima, ano yun. Ang isisisi natin, doon sa nambiktima, di ba? Anong intensiyon mo?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tatlong biktima sa leaked video scandal, pare-pareho ang kuwento

HINANAP NG SANTO PAPA?!

Gusto ba niyang makilala ang tatlong babae na maraming tattoo?

Natigilan sandali si Vice bago sumagot: “Personally… gusto kong maliwanagan, di ba? Marami akong pinapanood na ganyan, mga docu-docu’ng ganyan.

“Parang si Bernard Cloma, di ba, dapat magkaroon na ng docu. Sino ba si Bernard Cloma?

“Kasi, di ba? Laging nagtatanong, ‘Ay! Kakilala mo pala si Bernard Cloma, kasi nakita ko yung picture nyo.’ Kasi, ma-posing si Bernard Cloma.

“‘Oo, kakilala ko siya.’ Ang trabaho niya… marami siyang raket! Ganun na lang, marami siyang raket.

“Bakit ganyan? What is he? Who is he? How is he? Kasi, kahit ako, marami akong nagugulat ako sa eksena niya.

“Oo, sa Rome. Kasi, nagpunta kami ng Rome ng nanay ko. Gusto niyang magdasal, gusto niyang makita ang Santo Papa. Gusto niyang magsimba. Na-late kami.

“May oras yon, e. So nagsara na, napagsarhan kami. Yung nanay ko, heartbroken. Tapos sabi niya, ‘Dito na lang ako sa labas magdadasal.’ Pero alam ko, heartbroken siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos nawala si Bernard Cloma. Nawala si Bernard Cloma. Tapos bigla siyang bumalik, tumatakbo.

“Sabi niya, ‘Meme! Meme! Hinahanap ka ng Santo Papa!’

“Sabi ni Bernard, ‘Hinahanap ka ng Santo Papa! Halika na daw!’ ‘Tigilan mo na ako, huwag mong iparinig yan sa nanay ko! Heartbroken siya.’ ‘Ipapasok kita!’

“‘Kung totoo yan, huwag na ako. Kasi baka masampal kita sa harap! Kung totoo, yung nanay ko na lang, ipasok mo lang yung nanay ko.’

“Alam mo, naipasok niya… oo nga. ‘Hinahanap ka ng Santo Papa! Tawagin daw kita! At saka si Aling Rosario!’

“Nakapasok yung nanay ko. Nakapagsimba sa harapan. Nakita niya yung Santo Papa.

“Ang saya-saya ng nanay ko. ‘Nakita ko ang Santo Papa! Pinasok ako ni Bernard!’ ‘Paano nangyari?’ ‘Wala, dire-diretso lang kami. Tapos kinakausap lang ni Bernard yung mga ano.’

“He still amazes me. Ang amazing ni Bernard Cloma.”

Read: Pageant kings Kenneth Cabungcal and Kenneth Marcelino reveal their real score

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
vice ganda & bernard cloma
Vice Ganda and Bernard Cloma
Photo/s: Threads

SOCIAL RESPONSIBILITY

Sa panahon ngayon na naghihikahos ang maraming Pilipino, pakiwari ba niya ay mas dapat niyang patawanin o pasayahin ang mga tao? Adhikain niya iyon?

“Yeah,” malumanay na wika ni Vice.

“Now, I know what I was asked to do what I do now. I know why I was given gift. I know the reason why I was given this gift.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I know the reason why I am given the chance to still be here. So, parang yun nga… my job now and everything that is happening in my life right now, and everything that I do now — is not just about me anymore.

“Even my decision to come back, to work right away again, it’s not just about me.

“Parang it’s all gonna make a lot of sense pag ganun ang tingin mo, e. Yung kasi ganun pag napapagod ka, pag parang burnout ka, di ba? ‘Itutuloy ko pa ba ito?’

“‘Tama pa ba ito?’ Yung ganun. ‘Ang sakit-sakit na, di ba?’ Minsan kasi, ang sakit-sakit na, e. Di ba, parang…

“Nagpatawa lang ako. Tapos andaming natawa dun, di ba? Gusto ko lang magpasaya at ang daming sumaya dun.

“Pero may masakit na mababasa ka, maririnig. May masakit na balik. So, parang tama na nga, e, di huwag, kung ayaw niyo. E, di huwag na! Parang di na naman ako magugutom bukas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero at the end of the day, no, this is not just about me. This is not just about earning money or you know.

“This is more than that. My doing this thing now has a bigger purpose, a greater purpose than my own personal goal.”

Read: Mayor Vico Sotto to teach at a university after his term ends in 2028

VICE GANDA On SADNESS

Paano kapag nalulungkot siya?

Pagtatapat ni Vice: “Malulungkot. Pag nalulungkot ka, just give yourself some time to be sad. You have to feel. You have to feel it.

“Because that makes you believe that you live. That makes you believe that you exist, that you’re alive.

“You have to feel everything. You have to be sad, you have to be happy, you have to be frustrated.

“You have to give yourself the right to feel things. Yeah, and you have to give yourself the right to rest, di ba? To get tired and then rest, and then work again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko dine-deprive yung sarili ko. May mga times na parang nade-delay lang pero, no, I’ll give it to myself.

“When I feel like crying, I will cry. Pag gusto kong tumawa, tatawa ako. Yung ganun, hindi ko dine-deprive ang sarili ko.

“Pag may gusto akong sabihin, sasabihin ko. Alam mong malulungkot ako pag hindi ko sinabi.

“Hindi! Sasabihin ko ito, yung ganun. Parang… I will risk it. I will risk it. I’m a go-getter, e.

“Ayokong mabuhay sa regret. Yung, ‘Sayang, sana sinabi ko ito.’ ‘Sayang, sana naramdaman ko ito.’ ‘Sayang, sana ginawa ko ito.’

“Ako, gagawin ko talaga. Pag nararamdam kong umiyak, maiiyak ako. Pag nararamdaman ko yung inis, ibibigay ko sa sarili ko yun.

“Pag nararamdaman kong naiiyak ako, iiyak ako. Pag nakakaramdam ako ng compassion or empathy, dadamahin ko siyang lahat. Yung ganun.

” Kailan siya huling umiyak?

“Kanina. Meron akong nakita sa Instagram na video, na yung matanda, nagtutulak ng kariton,” lahad ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Matanda na siya, tapos punumpuno ng laman yung kariton niya. Tapos kasama yung mga asong naglalakad sa tabi niya…

“Parang nakita ko yung post, sakit! Nasasaktan lang ako sa ganun. Yun, naiiyak ako doon.

“Tapos nung nakaraan din, may napanood akong clip sa Tiktok naman. Parang compilation, may fan na gumawa ng mga clips namin ni Ion [Perez, Vice's partner], naiyak din ako.

“Naiiyak ako pag nakakakita ako ng so much beauty. Naiiyak ako pag nakakakita ako ng so much ugliness, yung ganun.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda calls for a documentary highlighting the stories of the women involved in the video scandal linked to several male celebrities: “Sa history yata ng Pilipinas, sila yung may pinakamaraming napangas na artista, di ba?! Kailangang pag-aralan. Sino sila? Paano nila ginagawa iyon? Ano ang dahilan nila? Ano ang intensyon nila? Anong buhay meron sila? Ano talaga ang trabaho nila? Di ba?”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results