PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas embraces brighter side of being single

Ai-Ai delas Alas: "Siguro after the storm, kaya ko pala ito. Ako naman ngayon."
by Rachelle Siazon
Published 1 Hour ago
Ai-Ai delas Alas shares brighter side of being single
Ai-Ai delas Alas on weathering the storm: "Okay na okay ako. Na-survive ko and naka-move on na ako. Sana lahat tayo. Let's all move forward."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas Instagram

Kinumpirma ni Ai-Ai delas Alas, 61, na ine-enjoy niya ang pagiging single ngayon.

"Okay na okay ako," masayang pahayag ni Ai-Ai.

Napatunayan daw niya ang kanyang katatagan nang kayanin ang buhay pagkatapos ng hiwalayan nila ng ex-husband na si Gerald Sibayan.

"Siguro after the storm, kaya ko pala ito. Ako naman ngayon.

"Biruin mo, di ko akalain na makakapag-hyrox ako sa edad ko!" bulalas ng betaranang aktres.

Ang hyrox ay isang indoor fitness workout na kombinasyon ng eight kilometers na running at walo pang functional workout stations—skiErg, sled push, sled pull, burpee broad jumps, rowing, farmer's carry, sandbag lunges, at wall balls.

Pagpapatuloy ni Ai-Ai: "Marami pala akong kaya gawin. Marunong na ako magpa-gas sa America. Hindi kasi ako marunong dati. Marunong na ako dumaan sa freeway.

"Marami akong nakayanan ko. Na dati parang nangangarag ako, kailangan ko yung ex-husband ko na gawin lahat ito kasi di ako marunong."

Natuto siyang maging independent?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo, independence day. Wooh!" masiglang pagsang-ayon ni Ai-Ai.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai pagkatapos ng presscon ng TV5 primetime series na My Bespren Emman na ginanap noong April 22, 2026.

November 2024 nang kumpirmahin ni Ai-Ai na hiwalay na sila ng mister matapos ang halos pitong taong buhay mag-asawa.

Nagdiborsyo sila sa America.

March 9, 2026, natanggap ni Ai-Ai ang kopya ng desisyon ng Superior Court of California, County of San Joaquin, na nalagdaan noon pang Marso 2025.

Wala pa silang annulment sa Pilipinas.

Read: Ai-Ai delas Alas is now officially divorced from Gerald Sibayan

AI-AI DELAS ALAS ON KEEPING THE FAITH

Noong panahong kakahiwalay lang nila ni Gerald, umabot ba sa puntong hindi niya maintindihan ang sitwasyon at napatanong siya sa Diyos?

Sagot ni Ai-Ai, "Never akong nagtanong sa Kanya, unless yung tanong na kung ano gagawin ko.

"Pero di ako nagtatanong sa Kanya na bakit? [Ang dasal ko], 'Ano yung gagawin ko and tulungan Mo ako na ma-survive ko.'"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa ngayon ay masasabi raw ni Ai-Ai na nalampasan na niya ang unos.

"Okay na okay ako. Na-survive ko and naka-move on na ako.

"Sana lahat tayo. Let's all move forward," nakangiting dagdag niya.

Read: Ai-Ai delas Alas sells engagement and wedding rings “for closure”

AI-AI DELAS ALAS ON MY BESPREN EMMAN

Sa presscon proper, ibinahagi ni Ai-Ai ang role niya bilang madre sa My Bespren Emman.

Ang celebrity A-lister na si Piolo Pascual ang nagkumbinsi raw sa kanyang maging bahagi ng serye.

"Akala ko nga siya makakaeksena ko rito, yun pala siya ang producer!" natatawang kuwento ng aktres.

"Nung sinabi niya na, 'Madre, ok lang?' Siyempre mahirap. 'Ako, madre?'

"Sinabi ko sa sarili ko, siguro binigyan ako ni God ng gift as a Papal Awardee. I think dapat lang, 'Hello, Martina, umayos ka, madre ka diyan.'

"Ninamnam ko naman at pinagpre-pray ko na sana magampanan ko yung role as a madre. Hindi naman ako as a mother ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi nila, maganda naman yung kinalabasan, so praise God, thank you."

Read: Ai-Ai delas Alas says husband Gerald Sibayan’s green card revoked

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on weathering the storm: "Okay na okay ako. Na-survive ko and naka-move on na ako. Sana lahat tayo. Let's all move forward."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results