Hindi maitatangging malalim na ang relasyon sa pagitan nina Daniel Padilla, 31,at Kaila Estrada, 30.
Ito ay dahil nag-uumapaw ang mainit na pagtanggap ng pamilya ni Daniel kay Kaila sa 31st birthday celebration ng aktor.
Dinaluhan ito ng mga malapit na kaibigan at kapamilya ni Daniel.
April 26 ang birthday niya.
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co's wedding date
KAILA ESTRADA WITH DANIEL'S MOM KARLA
Isa sa mga kumalat na videos ay ang pag-abot kay Daniel ng birthday cakes ng mga kapatid niyang sina Magui at Carmella Ford.
Sa di kalayuan ay magkatabi si Kaila at ina ni Daniel na si Karla Estrada. Nakaangkla pa ang kamay ni Karla kay Kaila, patunay kung gaano sila kakumportable sa isa't isa.

May selfie video pa sina Kaila at Karla na mega-watt smile ang pag-pose sa camera.
Read: Kathryn Bernardo spotted with Mark Alcala at a Sunday market
KAILA ESTRADA PHOTO WITH DANIEL'S DAD
Nasa party rin ang ama ni Daniel na si Rommel Padilla, at may group photo ang mga ito kasama si Kaila.
Dahil dito ay mahihinuhang boto ang pamilya ni Daniel kay Kaila.
Hindi naman magpapahuli ang rumored couple na may mga litrato ring magkasama sa party.

March 16 naman nang magdiwang ng ika-30 kaarawan si Kaila.
Dumalo roon ang kapatid ni Daniel na si JC Padilla at asawa nitong si Thalia Valdivia.
Sinasabing naroon ang dalawa pang kapatid ni Daniel na sina Magui at Carmella.
What you see is what you get pagdating sa hinihinalang espesyal na ugnayan nina Daniel at Kaila.
Hindi naman nila itinatago sa publiko kapag lumalabas sila.
Pero hindi lang sila nagkukukuwento tungkol sa blooming romance nila kapag naiinterbyu sila ng press.
Nagkatrabaho sina Daniel at Kaila sa ABS-CBN at Netflix series na Incognito, na umere mula January-July 2025.
Read: Kathryn Bernardo spotted with boyfriend Mark Alcala at a Sunday market
