Ang mga Pilipino ay maituturing na pageant enthusiasts.
Nakaabang sila sa tuwing may kokoronahang bagong beauty queen.
Marami ang nagbubunyi kapag may napapabalitang milestones.
Marami rin ang nalulungkot kapag may nangyaring hindi kaaya-aya.
Babalikang-tanaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga beauty queens na naging headliners dahil sa sinapit na trahedya.
Sakop nito ang mga local at national pageants na ginanap mula 2010 hanggang 2026.
Read: Mayor Vico Sotto plans to teach at a university in 2028
FILIPINA BEAUTY QUEENS with tragic endings
Melody Gersbach, Binibining Pilipinas International 2009

Binawian ng buhay si Melody noong August 21, 2010, sa edad na 24, dahil sa car accident na nangyari sa Baranggay Pawili, Bula, Camarines Sur.
Nangyari ito nang ang sinasakyan nitong Toyota Innova ay bumangga sa kasalubong na passenger bus.

Ayon sa mga ulat, namatay si Gersbach kasama ang dalawa pang sakay ng Innova, ang make-up artist niyang si Alden Orense at ang driver na si Santos Ramos Jr.
Nakaligtas ngunit sugatan naman ang pang-apat na pasahero na si Ronald Lita.
Samantala, apat na pasahero ng nakabanggaang Guevarra bus ang sugatan.
Boluntaryong sumuko ang bus driver na si Wilson Pontillas sa kapulisan ng Pili, Camarines Sur.
Read: Bb. Pilipinas International 2009 Melody Gersbach and two others die in road mishap
Geneva Lopez, Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024
Si Geneva ay kinatawan ng Sto. Tomas, Pampanga, sa Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024.

Misteryosong naglaho ang dalaga at ang nobyo niyang si Yitshak Cohen noong June 21, 2024, ang araw na nagpunta sila sa Capas, Tarlac, para tingnan ang isinanlang lupa sa beauty queen.

Natagpuan ang kanilang mga bangkay noong July 6, 2024, sa isang quarry site sa Barangay Sta. Lucia sa Capas.
Ayon sa pahayag ni Pampanga Governor Delta Pineda sa kanyang official Facebook account:
“Malungkot ko po na ibinabalita sa inyo na natagpuan na ang mga bangkay ng kabalen natin na si Geneva Lopez at ang kanyang kasintahan na si Yitshak Cohen sa isang lugar sa Sta. Lucia sa Capas, Tarlac pagkatapos silang mawala ng dalawang Linggo.
“Kinumpirma po ito ng pulis base sa kasuotan at gamit ng mga biktima.
“Ipagdasal po natin ang kanilang kaluluwa. Nakikiramay po ako sa mga pamilya.
“Patuloy po akong tutulong sa paghahanap ng hustisya para kay Geneva at Yitshak.”
As of March 2025, nahuli na ng awtoridad ang apat sa limang suspects.
Ang sinasabing motibo: land dispute.
Read: PNP names mastermind in murder of Geneva Lopez, boyfriend
Akini Arradaza (aka Acquene Arradaza), 2012 Miss Matag-ob winner
Noong July 31, 2025, bigla na lamang dinukot si Akini sa tapat ng kanilang bahay habang siya ay papunta sa isang grocery store sa Barangay Valencia, Ormoc City.

Ayon sa ulat ng Kapuso Mo, Jessica Soho noong August 10, 2025, may mga saksi raw na nagsabing ang mga lalaking dumukot ay armado at nakasakay sa black vehicle.
Noong August 4, kumalat sa social media na may natagpuang bangkay ng isang babae sa dagat malapit sa Tacloban.
Nakumpirmang si Akini ito.
Wala pang update tungkol sa kaso ng 35-year-old beauty queen.

Read: Vice Ganda reveals reason for recent break from It's Showtime
Lullete Jane Ramilo De Guzman, Miss Philippines-Earth 2013 runner-up
Noong nakaraang February 13, 2026, nagulantang ang social media sa pagkamatay ni Lullete Jane Ramilo De Guzman.
Si Lullete ay binaril ng dalawang lalaki noong gabing iyon.
Nasa loob ng sasakyan si Lullete, na noo'y kakarating lang sa kanyang tahanan sa Brgy. Cabaritan, San Manuel, Isabela.
Si Lullete ay sumali sa 2013 Miss Philippines-Earth, kunsaan nahirang siya bilang isa sa limang runners-up.
Siya ay isang public school teacher.

Ayon sa ulat ng Inquirer.ph, ang gunman ay nakasakay sa isang motorsiklo nang pumasok sa gate at saka pinagbabaril si Lullete.
Ligtas naman daw ang tatlong anak ng beauty queen na kasama niya sa sasakyan.
Ilang araw ang nakalipas, natukoy na ng pulisya ang mga suspek.

Ayon sa press release na inilabas ng Police Regional Office 2 ng Cagayan, kinasuhan na sa piskalya ang isa sa kanila.
Nakasaad sa statement: "Matapos ang masinsinang imbestigasyon, natukoy na ng kapulisan ang mga suspek sa pagpaslang kay Lullete Jane D. Ramilo, dating Ms. Philippines Earth 2013 3rd Runner-up.
"Naisampa na ang kasong murder laban sa isang indibidwal na sangkot sa karumal-dumal na insidente ng pamamaril na naganap bandang alas-sais ng gabi noong Pebrero 13, 2026 sa Brgy. Cabaritan, San Manuel, Isabela."
Pero sa pahayag ng mister ni Lulette na si Dr. Clifford dela Cruz noong March 20, bagamat kilala na ang mga suspek ay hindi raw agad nahuli ang mga ito dahil sa "complicated investigative protocols."
Aniya pa, "...this is not justice. This is not closure. What we are seeing is only identification, not capture, not accountability."
Read: Former Miss PH-Earth 2013 runner-up shot dead in Isabela
Catherine Camilon, Miss Grand Philippines 2023 candidate (still missing)
Naging kontrobersiyal na balita ang pagkawala ng Miss Grand Philippines 2023 candidate dahil tumutok ang media sa paghahanap sa kanya sa loob ng ilang buwan.
Una itong napansin sa national news noong October 15, 2023.
Ilang araw na raw kasi itong hindi nagpaparamdam at umuuwi sa kanilang bahay.

Ayon sa Facebook post ng kapatid na si Chin-chin noong October 13 (published as is): “Baka po mababasa to ng kasama ni Catherine Camilon kagabi na ka work niya, hindi lang po namin alam kung sino, di po matandaan ang pangalan, pasabi naman po baka alam niyo po kung nasaan siya, kagabi pa po siya tumawag 8pm, kaninang umaga pa po naka off ang phone nya, hanggang ngayon at hindi din po nag oonline, palagi po sya nag aupdate sa amin, ngayon lang po talaga hindi.”
Si Catherine ang nag-represent ng Tuy, Batangas, sa national pageant na Miss Grand Philippines 2023.
Read: Mom fears for Miss Grand PH 2023 candidate
Ang diumano'y mastermind sa pagdukot sa dalaga ay si Major Allan de Castro, na sinasabing karelasyon ni Catherine, na isa ring guro.
Ginawa raw ni De Castro ang pag-amin sa harap mismo ng hepe ng PNP at direktor ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame noong November 15, 2023.
Read: Camilon Case Suspect Admits to Affair
Bukod kay De Castro, nahaharap din sa reklamong kidnapping at serious illegal detention ang driver-bodyguard na si Jeffrey Magpantay at dalawa pang John Does kaugnay pa rin sa misteryosong pagkawala ni Catherine.

Noong January 2024, sinabi ni CIDG 4A deputy chief Police Major Nilo Morallos na posibleng “patay” na si Camilon base sa mga kuwento ng mga saksi.
"We are hoping for the best, pero we are expecting the worst. Sa flow po ng investigation namin, hindi namin masasabi kung wala na talaga.
"Pero based po doon sa account ng witnesses namin, it appears na, iyon na nga po, patay na nga po."
Hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan si Catherine.
Read:
- Who is Catherine Camilon?
- Cop tagged to be person of interest in Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon’s disappearance
- Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon "missing" according to mom, sister
- Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon now declared “missing person” by Batangas Police Provincial Office
- Missing Miss Grand PH 2023 candidate still alive — police
- Calabarzon Police identifies person of interest in Catherine Camilon case; reward money now at PHP200K
