PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristine Reyes reveals she rejected current BF in grade school

Cristine: "Siya ang unang-unang lalaking nanligaw sa akin."
by Rachelle Siazon
Published 6 hours ago
Cristine Reyes reveal current boyfriend courted her when she was in grade school
Cristine Reyes describes current boyfriend as a former suitor whom she rejected when she was in grade school. Fast-forward to present time, she happily shares that he's the guy she prayed for. "Sabi ko sa kanya, 'Hindi talaga tayo magiging tayo noon kasi we're meant to be now,'" she adds.
PHOTO/S: @cristinereyes / @giotingson (inset) Instagram

Inamin ni Cristine Reyes na may karelasyon siya ngayon, pero hindi niya pinangalanan kung sino.

Base ito sa takbo ng panayam sa kanya sa The Sexytime Podcast nina Isabelle at Ava Daza na umere kahapon, April 28, 2026.

"You know what? Siya ang unang-unang lalaking nanligaw sa akin. Grade school kami nun," masayang pagbabahagi ni Cristine.

Sa all-girls school daw nag-aaral si Cristine noong elementary days niya.

Bago pa niya makilala si mystery guy, sanay raw siyang puro babae lang ang nakakasalamuha kaya wala pa siyang konsepto ng paghanga sa opposite sex.

"May mga crushes pa ako na girls. Hindi pa ako ano sa boys nun!" natatawang pag-amin ni Cristine.

Lahad pa niya: "Grade six ako nun, e. Promise! Nanliligaw pa ako ng babae before, ha?

"Alam mo yung Blue Magic na [store] ng stuffed toys?

"Nanligaw ako, bumili ako ng malaking-malaking bear para sa isang high school, grade school ako nun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cristine Reyes calls Gio Tingson "the right person"

CRISTINE REYES ON VERY FIRST MEETING WITH MYSTERY GUY

Hanggang sa niyaya raw siya ng mga kaibigang dumalo ng Ateneo school fair, at pumayag naman siya.

Kuwento ni Cristine: "Tapos hinila nila ako sa marriage booth.

"So sabi ko, 'Ano 'to?' Parang medyo doon nag-change yung heart ko na parang, 'Boys? Ang cute pala nila!'"

"Ikinasal" daw si Cristine sa batchmate ni mystery guy, habang si mystery guy ang umaktong pari sa marriage booth.

Pagpapatuloy ng aktres: "So doon kami nagkakilala, and then after nun, shy na ako. Alis ako agad. Little did I know, hinanap niya ako sa buong campus.

"Tapos hiningi daw niya yung number niyo. Hindi ko na maalala. Siya lang nagpa-remember sa akin.

"Ang binigay ko daw na name was Agent Orange 'cause I was wearing orange shirt tapos ang usong kanta noon yung Slapshock na 'Agent Orange.'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Tapos after nun, nanligaw na siya sa school."

Pero basted si mystery guy kay Cristine. Ibang suitor daw ang sinagot ng dalaga, at taga-La Salle ang lalaki.

"So hanggang ngayon, meron siyang bubog sa akin," rebelasyon pa ni Cristine.

Sabay romantikong dagdag niya, "Tapos sabi ko sa kanya, 'Hindi talaga tayo magiging tayo noon kasi we're meant to be now.'"

Read: Did Cristine Reyes just soft launch her boyfriend Gio Tingson?

CRISTINE REYES ON PRAYING FOR THE RIGHT GUY

Ayon kay Cristine, iba si mystery guy sa mga lalaking karaniwang nagugustuhan niya noon.

May mga mababait daw siyang manliligaw pero madalas ay "napo-fall ako sa bad boys."

Akala raw niya ay iyon ang norm dahil nakagisnan niya ang mga kapatid na bad boy ang dating—yung tipong kumakarera at malakas ang tunog ng kotse kapag sumusundo ng girlfriend.

Nito na lang daw niya napagtantong mayroon din siyang nakagisnang father figure na may taglay na mga katangiang kahanga-hanga sa isang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Cristine: "I told you it's the first death anniversary of my foster dad today. I have that background na lumaki ako sa isang lalaki na sobrang mapagmahal.

"So, parang feeling ko, now that I'm mature enough na, parang sabi ko, 'Sandali, I remember when I was young, gusto ko ng someone like my dad.'"

Ipinagdasal pa raw niya iyon.

"Yun nga, nag-pass away siya last year. Ang sabi ko sa kanya, 'Dad, ang gusto ko lang ano, kahit na wala sa akin lahat—fame, money, whatever, okay lang.

"'Basta hihilingin ko lang sa iyo is, dahil wala ka na ngayon, palitan mo ng someone like you.'"

Sabi rin ni Cristine: "I think for the longest time, I was looking for love. E, hinanap ko yun.

"Parang may dumating. Akala ko siya na. Akala ko siya na.

"And then, yun pala, hindi sila lahat yun."

Pero sa current boyfriend niya, natupad ang dasal niya nang pumanaw ang kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matamis na ngiti ni Cristine, "I think ito na yun."

Read: Are Cristine Reyes and Gio Tingson in a relationship?

IS CRISTINE REYES REFERRING TO GIO TINGSON?

Low-key lang si Cristine pagdating sa kanyang love life, pero hindi rin naman niya itinatago ang espesyal na ugnayan nila ni Gio Tingson.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 2025, namataan si Cristine kasama si Gio sa isang book launch.

Sweet na sweet daw ang couple sa event.

Nang tanungin si Cristine kung sila na ba ni Gio, ang sagot niya ay "very, very happy" siya.

Malaman din ang mga sumunod niyang kataga.

“Super happy, and it's different when you know you're with the right person in your life," aniya.

Noong September 2025, nag-post din si Cristine sa Instagram kunsaan nag-soft launch siya ng mga litrato nila ni Gio.

Tinawag niyang "Mister G." si Gio at inilarawan ito bilang "my quiet anchor and constant calm."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Cristine Reyes posts soft launch of her reported boyfriend Gio Tingson.
Cristine Reyes posted an IG carousel where she was seen with reported boyfriend Gio Tingson and former Naga Mayor Leni Robredo.
Photo/s: @cristinereyes Instagram

July 2025 nang unang maisapubliko ang kanilang espesyal na ugnayan matapos mag-post si Gio ng mga litrato nila ni Cristine.

Kuha ang mga litrato sa kanilang bakasyon sa Vietnam kasama ng ilang mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Cristine Reyes and Gio Tingson speculated to be in a relationship after the latter posted photos of them in Vietnam.
Cristine Reyes (leftmost) and Gio Tingson (rightmost) speculated to be in a relationship after the latter posted photos of them in Vietnam.

Read: Cristine Reyes, kinumpirmang non-showbiz ang bagong idine-date

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristine Reyes describes current boyfriend as a former suitor whom she rejected when she was in grade school. Fast-forward to present time, she happily shares that he's the guy she prayed for. "Sabi ko sa kanya, 'Hindi talaga tayo magiging tayo noon kasi we're meant to be now,'" she adds.
PHOTO/S: @cristinereyes / @giotingson (inset) Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results