PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aljon Mendoza parts ways with Star Magic after seven years

Aljon Mendoza, a scholar of Boy Abunda, is nearing his goal of finishing college.
by Jojo Gabinete
Published 6 hours ago
aljon mendoza star magic
Aljon Mendoza, who is taking up Bachelor of Science in Business Administration at PWU, on importance of finishing college: “Personally, it is for security talaga. Ang pag-aartista ko po ay walang kasiguraduhan ang bukas. Sa diploma na makukuha ko, mase-secure ko ang future ko. Meron akong ibang puwedeng puntahan."
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Hindi na contract artist ng Star Magic ang former Pinoy Big Brother (PBB): Otso (2018-2019) housemate na si Aljon Mendoza, 24.

Ito ay dahil ini-release na siya ng talent management arm ng ABS-CBN na dating namamahala sa kanyang showbiz career.

Inamin ni Aljon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Porta) na makaraan ang pitong taon, wala na siyang kontrata sa Star Magic.

Saad niya: “Yes po, wala na po ako sa Star Magic.

"Ang nangyari po ay last year, may offer sa akin ang Viva at humiling po ako sa Star Magic na magpa-release. Pero hindi po ako napagbigyan.

“Naiintindihan ko po yon at iginagalang ko ang kontrata na meron ako.

"Originally, November this year pa matatapos ang contract ko. Pero nitong March, ni-release po ako."

Tumatanaw raw ng malaking utang na loob si Aljon sa ABS-CBN at Star Magic.

“Ganoon pa man po, nagpapasalamat ako sa ABS-CBN and Star Magic dahil sa kanila ako nagsimula at binigyan nila ako ng mga proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakapag-provide din ako sa family ko because of them. Lahat po ng mga natutunan ko sa kanila, bibitbitin ko as I move forward to the next chapter of my life.”

Ilan sa mga naging proyekto niya ay ang mga teleseryeng Sandugo, Hoy Love You, at It's Okay To Not Be Okay; at mga pelikulang Un/Happy For You at The Last Resort.

Read: Meralco, ipinaliwanag ang mga singil sa electricity bill

BOY ABUNDA'S SCHOLAR

Si Aljon at ang kapwa niya PBB: Otso housemate na si Kaori Oinuma ang dalawa sa scholars ng King of Talk na si Boy Abunda mula pa noong 2023.

Pero nakita lamang daw nila nang personal ang Fast Talk With Boy Abunda host nitong Abril 2026.

Si Boy rin ang tumatayong career adviser ni Aljon buhat nang i-release ito ng Star Magic.

Bachelor of Science in Business Administration ang kurso ni Aljon sa Philippine Women’s University (PWU). Malapt nang matupad ang pangarap niyang makatapos ng pag-aaral.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
aljon mendoza pwu
Aljon Mendoza is now taking up Bachelor of Science in Business Administration at Philippine Women's University
Photo/s: Facebook

Saad niya: “Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management po ang kinuha kong course. Matagal ko pong pinag-isipan ang kurso ko.

“May mga nag-advice noon sa akin na mag-Communication Arts ako. Pero ‘kako, yun na kasi ang ginagawa ko sa trabaho ko dito sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko naman pumunta sa ibang dako, which is marketing, production, selling. Puwedeng sa products or talents.”

Nagpapasalamat si Aljon kay Boy dahil sinuportahan nito ang pag-aaral nila ni Kaori.

Pagbabahagi niya: “March 2023 nang bumalik ako sa pag-aaral. Five yeas din po ako nag-stop.

"Thank God, sinamahan ako ni Tito Boy na maitawid, at ngayon matatapos na ako sa kolehiyo sa Philippine Women's University.

“Kagustuhan ko po talagang ituloy at tapusin ang pag-aaral ko. Yan ang lagi kong ikinukuwento at may mga tao sa buhay ko na sinuportahan ako, tulad ng mga magulang ko.

“Tinulungan din ako ni Sir Mico del Rosario ng Star Cinema na makabalik sa pag-aaral. Siya ang naglapit sa akin kay Tito Boy.

“Ayun, binigyan po ako ni Tito Boy ng scholarship hanggang sa makapagtapos po ako. Sobrang laking tulong po nun sa akin dahil hindi ko na poproblemahin ang tuition fees ko."

Dagdag ni Aljon: “I’m graduating this July. I'm looking forward to that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero sa ngayon, nag-o-on-the-job training po ako sa Boy Abunda Talent Agency and Services.

“Marami akong natututunan dahil nae-expose ako sa product developments and content creation.”

Read: Mayor Vico Sotto to teach at a university after his term ends in 2028

ALJON MENDOZA ON BALANCING EDUCATION AND SHOWBIZ CAREER

Ano ang mga hamon at sakripisyo sa pinagsabay niyang pag-aaral at pag-aartista?

“Pagbabalanse,” sagot ni Aljon.

“Minsan kailangan talaga may i-sacrifice ako. Minsan may inquiry sa akin na work na hindi ko matatanggap dahil final exams ko.

“Minsan naman po, may important tasks ako sa school pero hindi ako makaka- comply dahil may lock-in taping/shoot ako.

“Ilalaban mo lang talaga, lalo na irregular student po ako. Mabuti na lang, very considerate ang PWU.

“Kapag may missing outputs ako or hindi nakapag-take ng exams, puwedeng humabol or makapag-comply sa ibang paraan.

“May mga araw na overwhelming dahil minsan, hindi ko na alam ang uunahin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dumadating sa point na nagka-cramming na ako sa mga deadline sa school pero lagi kong itinatatak sa isip ko na lilipas din lahat at matatapos rin isa-isa.”

Gaano kahalaga sa kanya ang pag-aaral at pagkakaroon ng college diploma?

Ayon kay Aljon: “Naniniwala po ako na bago mo marating ang ambitions at dreams mo, you really need to put a lot of hardwork. And sa hardwork na yon, kasama ang education at diploma.

“Aside from that, personally, it is for security talaga. Ang pag-aartista ko po ay walang kasiguraduhan ang bukas.

“Sa diploma na makukuha ko, mase-secure ko ang future ko. Meron akong ibang puwedeng puntahan.

"Also, it is a gift for myself and for my parents na, finally, ang bunso nila may diploma na.

“Na lahat ng mga anak nila, napagtapos nila ng pag-aaral. Gusto kong maramdaman nila ang accomplishment na yon bilang mga magulang.

“At ang pag-aaral, hindi natatapos sa loob ng school. Lalo na sa mga nangyayari sa bansa natin at sa buong mundo, you really need to make informed choices.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Matty Juniosa nakamit ang second golden buzzer; pasok na sa grand finals ng Britain's Got Talent

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aljon Mendoza, who is taking up Bachelor of Science in Business Administration at PWU, on importance of finishing college: “Personally, it is for security talaga. Ang pag-aartista ko po ay walang kasiguraduhan ang bukas. Sa diploma na makukuha ko, mase-secure ko ang future ko. Meron akong ibang puwedeng puntahan."
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results