PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristine Reyes, Isabelle Daza recall real sabunutan and conflict

Co-star to Isabelle Daza: "Girl, tinotoo kang binugbog."
by Bernie V. Franco
Published 9 hours ago
Cristine Reyes, Isabelle Daza
Years after their intense teleserye clash, Cristine Reyes (left) admits she made their infamous confrontation scene with Isabelle Daza (right) painfully real. The revelation sheds light on behind-the-scenes tensions, personal struggles, and how the two actresses eventually reconciled.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment

Inamin ni Cristine Reyes na tinotoo niya ang pagsabunot at pananakit kay Isabelle Daza sa nag-viral na eksena sa pinagsamahan nilang teleserye noong 2016.

Sina Cristine, Isabelle, at Zanjoe Marudo ay bumida sa Kapamilya afternoon drama series na Tubig at Langis na tumagal sa ere ng isa at kalahating taon.

Ang eksenang sabunutan ay nag-viral at pinag-usapan dahil mukhang totohanan ang sakitan ng dalawang aktres, partikular ang pananabunot ni Cristine kay Isabelle.

Pag-amin ni Cristine, tinotoo nga niya ang pananakit kay Isabelle dahil naipon daw ang inis niya noon sa co-star.

Habang pinag-usapan ang controversial scene na iyon, nahalungkat ang iba pinagdadaanan noon ni Cristine kaya naibuhos niya ang kanyang galit kay Isabelle.

Read: (UPDATED) WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co's wedding date

CRISTINE AND ISABELLE MEET AGAIN

Napag-usapan ang tungkol sa totohanang sakitan nila sa Tubig at Langis nang mag-guest si Cristine sa The Sexytime Podcast ng magkapatid na Isabelle at Ava Daza noong April 27, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Cristine, simula pa lang nang tanggapin niya ang Kapamilya teleserye, may mga indikasyon na raw siyang hindi maganda.

Comeback project iyon ni Cristine at kapapanganak pa lamang niya.

Pakiramdam daw ni Cristine, hindi pa siya handang magbalik sa trabaho pero hindi siya makahindi kaya pumayag siyang gawin ang teleserye.

May pagkakataon daw siya noong gumawa ng serye na pang-primetime, pero pinilit daw siyang gawin ang afternoon teleserye kaya “buwisit” siya.

Si Isabelle naman ay kakalipat lang sa ABS-CBN, mula sa GMA-7 kunsaan naging co-host siya sa Eat Bulaga!.

Aminado si Isabelle na mahirap para sa kanya ang role dahil ang dialogue niya ay Tagalog at kailangan niyang maging “probinsyana.”

Nakaramdam daw ng pressure si Isabelle dahil bukod sa kailangan niyang makipagsabayan sa mahuhusay na artista, istrikto ang direktor nila si FM Reyes.

Tinangkilik daw ng mga manonood ang Tubig at Langis, na tumagal ng 18 months, pero marami sa mga eksena ay sampalan sa pagitan nina Cristine at Isabelle.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Ronnie Alonte files complaint vs. NDA violators at wedding with Loisa Andalio

OFF TO A BAD START

Inusisa sina Cristine at Isabelle kung bakit sila nagkainisan.

Ayon kay Cristine, galing siya sa simpleng pamumuhay. Kaya pagdating sa taping, kailangan niyang bumati sa lahat ng kasamahan.

Lahad niya: “Si Isabelle, siyempre iba siya sa akin, di ba? Parang sosyal.

"Yung time na iyon, It Girl, whatever, ganyan siya.

“So parang ako, nag-e-expect ako na parang ano siya, being friendly.

"Pero meron siyang dating na, ‘T*ng*na, hindi man lang nag-hi or something.’”

Tanguan lang daw sila kapag binabati ang isa't isa. Hindi raw sila nag-uusap kapag wala silang eksenang magkasama.

Pagtatanggol naman ni Isabelle sa sarili, wala raw sa personalidad niya ang pagiging palabati.

Kailangan pa raw siyang sabihan ng kanyang manager kung sinu-sino ang mga dapat niyang batiin.

“Hindi ako sanay to come on the set and greet everyone,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para raw kay Isabelle, diretso trabaho lang para sa kanya.

Ang dating naman daw niyon kay Cristine: “So parang ako, ‘Huh, porket It Girl siya, sikat na kasi siya,’ ganyan…”

Bukod pa roon, sinabi ni Cristine na “pagod na pagod” siya kay Isabelle.

Kailangan pa raw kasi niyang alalayan at bigyan ito ng instructions sa kanilang mga eksena.

Katuwiran naman ni Isabelle, bago lang siyang artista noon. Hindi raw siya kasing bilis ni Cristine na mag-internalize ng character on the spot.

Sundot ni Isabelle, “And to be honest, 26 scenes in one day, 18 iiyak tayo, 15 may sampalan.”

Sinegundahan iyon ni Cristine na sinabing nakakapagod ang mga eksena nila.

Ikinuwento naman ni Cristine na sa kabila ng kanyang mabibigat na eksena, kailangan pa niyang bigyan ng instructions sa Isabelle.

Binanggit pa ni Cristine na hirap sa pagta-Tagalog si Isabelle kaya hirap din ito sa kanyang dialogues.

Sa loob-loob daw ni Cristine, nasasabi niya, "‘Wag nang mag-inarte at tapusin na ang eksena.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, “Hindi lang ito nangyari sa isang taping. Eighteen months ito, bwisit na bwisit na talaga ako. So, parang nagkaroon ako ng chance…”

Ang tinutukoy ni Cristine na "chance" ay ang eksena sa beach kunsaan sasabunutan at sasaktan niya si Isabelle dahil inaakit nito si Zanjoe Marudo, na karelasyon ni Cristine sa teleserye.

Read: Cristine Reyes reveals she rejected current boyfriend in grade school

THE SAbunutan SCENE

Sa podcast, inamin ni Cristine na kinuha niya ang pagkakataong iyon para ilabas ang inis niya kay Isabelle.

Sabi ni Cristine, “Sorry talaga, Belle, pero nagkaroon ako ng chance sa beach.

“Hindi siguro niya in-expect na talagang tototohanin ko ito.”

Sa loob-loob daw ni Cristine, “This is my chance. How many months mo akong pinahirapan.”

Binalikan nina Cristine at Isabelle ang eksenang iyon.

Malakas pa raw noon si Cristine dahil nagti-train siya ng jiu-jitsu.

Sumingit si Isabelle at ikinuwento kung paano naging isyu o scandal ang eksena. Pero sa kabilang banda, nakatulong daw ito sa eksena para mapaganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Subalit kinumpirma ni Cristine na totohanan ang sakitang nangyari.

Ayon kay Isabelle, hinila ni Cristine ang kanyang buhok at kinalaldkad siya.

Tubig at Langis
The confrontation scene of Cristine Reyes (in stripes) and Isabelle Daza in the 2016 teleserye 'Tubig at Langis.'
Photo/s: ABS-CBN Entertainment

Pagkatapos daw ng eksenang iyon ay napahagulgol na lang si Isabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “Siyempre, I also didn’t know that she was gonna do that.

“I didn’t also wanna break character kasi I felt like, ‘This is it. This is a big scene.’ Sayang din if we break character, di ba?”

Paglalarawan pa ni Isabelle habang sinasabunutan siya ni Cristine: “She was bringing me 50 meters across the beach. Si Zanjoe was running around.

“You see the whole camera crew running, parang, ‘T*ng*na, anong nangyayari?’ E, tinotoo.

“At the end of the scene, anlaki ng hair ko because totoong sabunot,” nakuha pang magbiro ni Isabelle.

Pag-amin naman ni Cristine, “Totoo talaga yon. Ginawa ko.

"Sorry, ah, naipon na yun, Belle, e, ang dami mong ginawa sa akin na hindi mo alam.”

Isabelle Daza, Jean Saburit, Cai Cortez
Isabelle Daza (in black) is seen with her hair disheveled after it was pulled by Cristine Reyes. Also in the photo are their co-stars Jean Saburit and Cai Cortez.
Photo/s: ABS-CBN Entertainment
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa punto namang iyon, napag-isip-isip daw ni Isabelle na hindi sila magiging close ni Cristine.

Paliwanag pa ni Isabelle, takot siya sa kanilang direktor noon kaya’t nais niyang paghusayan.

Subalit dahil doon, hindi siya nagkaroon ng panahong maging malapit sa co-stars niya, tulad ni Cristine.

Read: Vice Ganda reveals reason for recent break from It's Showtime

WHAT HAPPENED AFTER THE SCENE

Ibinahagi ng dalawang aktres kung ano ang nangyari pagkatapos ng eksena.

Pagsigaw raw ng director ng "Cut!," tumalikod agad si Cristine at pumunta sa kanyang area.

Sabi ni Isabelle: “She turned around and I broke down crying.

“I didn’t expect it. It’s not like she told me, ‘Hoy, gagawin ko ‘to.’ It was, like, nabigla ako.”

Nilapitan daw si Isabelle ng kanyang co-stars tulad nina Jean Saburit at Dionne Monsanto.

Binigyan daw siya ng Valium ni Jean.

“Sabi ko, ‘Tita Jean, ano ‘to? I couldn’t stop crying. Sabi ko, ‘I don’t know why I’m feeling this way. Sorry, sorry. I couldn’t regulate my emotion.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ni Jean, ‘Girl, tinotoo kang binugbog.’”

Pinuntahan daw ni Isabelle si Cristine sa tent nito, pero hindi raw ready makipag-usap that time Cristine.

Paliwanag ni Cristine: “Siguro hindi niya nari-realize na you have to be ano naman, ikaw yung bagong pasok dito, e.

"Parang ako, ‘Hindi niya gets.’ Parang pumasok, parang in my head, ‘Laki na agad ng ulo niya.’ So, parang hindi ako ready nun.”

Pag-aalala naman ni Isabelle sa oras na iyon: “So, I cried to you. I said, ‘You know, this isn’t my show. Parang I’m here to support you.’”

Ayaw raw kasi ni Isabelle ng tensiyon sa set.

“Ang hirap na nga ng trabaho, ‘tapos enemies pa kami in real life,’” sabi niya,

Sinabi ni Isabelle na maraming pinagdaraanan noon si Cristine na hindi pa handang i-share sa kanya.

Pahayag naman ni Cristine, iyon daw ang panahon na nagpo-post siya ng “happy family,” subalit may pinagdaraanan na ang kanyang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na raw umuuwi noon ang kanyang karelasyon. Bagkus, pumupunta raw ito sa casino at may mga babaeng itine-table.

Sundot ni Isabelle, inilabas ni Cristine ang galit niya sa karelasyon sa mga eksena nila ni Isabelle.

Sinegundahan ito ni Cristine at nag-sorry kay Isabelle.

Hindi binanggit ng dalawa ang pangalan ng karelasyon noon ni Cristine, ngunit noong panahong iyon ay kasal ang aktres sa dati nitong asawa na si Ali Khatibi.

CRISTINE-ISABELLE RECONCILIATION

Nagkapatawaran daw sina Cristine at Isabelle makalipas ng maraming taon.

Kuwento ni Isabelle: “We really reconciled years after, when she opened up to me and said na parang she apologized for that, and said na, ‘Andami kong pinagdadaanan sa bahay.’”

Nang manganak daw si Isabelle noon, pinadalhan siya ng flowers ni Cristine.

Naantig daw ang damdamin ni Isabelle na naalala siya ni Cristine.

Sabi naman ni Cristine, bago pa ang reconciliation nila makalipas ang ilang taon, nagkaroon siya ng simpatiya kay Isabelle noong ginagawa pa nila ang Tubig at Langis nang nagkasakit ang asawa nitong si Adrien Semblat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumabay pa noon ang pagpanaw ng ama ni Isabelle na si Bong Daza.

Pagbabalik-tanaw naman ni Isabelle, napakahirap ng panahong iyon dahil kahit namatayan siya ng ama at nagkasakit ang asawa, hindi sila puwedeng tumigil sa taping dahil hand-to-mouth sila.

Ibig sabihin, for airing ang kanilang mga kinukunang eksena.

Sabi ni Isabelle, “It’s just the reality of it. Sometimes when people see showbiz, they think it’s so glamorous. It’s not.”

Sinang-ayunan ito ni Cristine.

Paglalahad ni Isabelle, bago pa nila ilahad ni Cristine sa podcast ang pinagdaanan nilang iyon, napag-usapan na nila ito nang masinsinan.

Sabi ni Isabelle, marami rin siyang natutunan sa panahong iyon. Tinawag niya itong “great experience” at mas naging mahusay sa pag-arte dahil sa Tubig at Langis.

Masaya raw siya na napag-uusapan na nila ni Cristine yung nangyari.

Pag-amin ni Cristine, awkward siya sa tuwing magkikita sila ni Isabelle dahil alam niyang may ginawa siya kay Isabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi naman ni Isabelle na traumatic man ang karanasang iyon, napatawad na niya si Cristine at parte ito ng kanilang healing.

Read: DonBelle confirms break from loveteam after Tayo Sa Wakas

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Years after their intense teleserye clash, Cristine Reyes (left) admits she made their infamous confrontation scene with Isabelle Daza (right) painfully real. The revelation sheds light on behind-the-scenes tensions, personal struggles, and how the two actresses eventually reconciled.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results