Singkuwenta anyos na si Vice Ganda at nananatiling nasa tugatog ng tagumpay bilang Asia’s Unkabogable Superstar.
Nagawa na ba niya lahat ng gusto niyang gawin sa kanyang golden year? Nakamit na niya lahat ng pinangarap niya?
“There are so many things I haven’t done yet,” sambit ni Vice noong Abril 27, 2026, Lunes ng gabis, a Romulo Cafe, Sct. Dr. Lazcano St., Quezon City.
“And I’m so looking forward to doing a lot of other things aside from the things that I’ve been doing now.
“Kasi, madami pa, e. Na I am yet to realize. I am limitless. I am limitless.”
Limitless?
Ayaw ni Julie Anne San Jose, ang binansagang "Asia’s Limitless Star." Parang inaagawan niya ito ng title…
Natawa si Vice, “Salbahe kayo!”
VICE GANDA ON BEING "LIMITLESS"
Pagpapatuloy ni Vice, “I am limitless. Hindi lang tayo open doon sa thought na yon… may kaya pa, marami pa tayong kayang gawin.
“At yun ang ine-embrace ko. May magagawa pa ako bukas. Parang Araneta [Coliseum], I never ever thought na magkakaroon ako ng more than ten concerts sa Araneta.
“When I had my very first concert sa Araneta, I thought that’s gonna be the first and the last.
“Kasi even myself, at first I thought I was just a fluke. I thought I was some form of a novelty performer. Yung tapos bukas, wala na. Yung ganun.
“Tapos nataning-taningan din ako, di ba, ng mga iba na, ‘Ahhh sandali lang yan,’ ganyan-ganyan.
“And I also believed them. I used to believe them. And then I realized, ‘Ay! Hindi.’ ‘Ay! Oo nga, no, ay! Hindi!’
“Yung nagugulat din ako sa sarili ko. Nagugulat din ako. Pag nagre-review ako ng [It’s] Showtime, ‘Ay! P*ta, nakakatawa pa ako doon, ha?!’ ‘Ay! Mabilis ako doon, ha?!’
“Yung ganun. Nire-review ko kasi yung sarili ko, e. So, alam ko yung, ‘Ay! Mahina ako doon.’ Yung ganun…”
Read: Vice Ganda, may "pasabog na collab" para sa MMFF 2026
GOODNESS, GRACIOUS!
Magaling siya sa “Goodness, gracious!” moment mula sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy (MMFF 2013) na idinirek ni Wenn V. Deramas.
Gumanap siya bilang Jackstone quadruplets na sina Girlie, Peter Jr., Mark Jill, at Panying.

Napangiti nang mabini si Vice: “Siguro, yun Gen-Zs, yun ang trip nila ngayon, e. Nostalgia. Di ba?
“Marami silang hindi na-experience at na-enjoy dati, na na-enjoy ng mga naunang generations sa kanila. Na gusto rin nilang ma-experience.
“So when someone saw Girl, Boy, Bakla, Tomboy and someone posted something about it online, andaming nakabasa.
“So everyone was naging interesado, tapos nag-invest ng time. Ngayon, more than 10M views na ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy sa YouTube. It used to be 1 point something million lang.
“Tapos in just a month, naging sampung milyon siya. Dahil sa ‘Goodness, gracious!’
“Kaya nga sabi ko, kahit noong panahong hindi ako pumapasok sa Showtime, sabi ko, ‘Hindi ako pumapasok pero parang ang relevant ko dahil sa Goodness, gracious.’
“Sa Tiktok, puro yon ang laman. Sa Instagram, Facebook, puro ganun ang laman.”
Read: Vice Ganda reveals reason for recent break from It's Showtime
GIRLIE IS BACK
Ano ang feeling niya matapos buhayin muli ang trending Girlie character sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy?
“Nakakatuwa! Kasi, lalo na, di ba, andaming umookray nung pelikulang yon?” pagmamatwid ni Vice.
“Andaming umookray ng pelikula ko in general. Tapos naa-appreciate nung bagong generation.
“Tapos parang, ‘Ay! Gusto rin naming manood ng ganito sa sinehan. Kasi hindi nila napanood.”
Aminado si Vice na nahirapan siyang gampanan ang quadruplets sa isang pelikula.
“Akala ko nga, mananalo akong best actor noon sa filmfest, e!” bulalas ni Vice.
Ang best actor sa 38th MMFF ay si Robin Padilla para sa 10,000 Hours na nagkamit din ng parangal sa mga kategoryang best picture, best director, best supporting actor (Pen Medina), Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award, FPJ Memorial Award for Excellence, best screenplay, best original story, best cinematography, best editor, best production design, best visual effects, best musical score, at best sound engineer.
Ang best actress ay si Maricel Soriano na gumanap bilang ina ng quadruplets sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy.
So, ano’ng feeling nang magpaka-Girlie siya muli sa It’s Showtime?

“Ang saya! Ang saya-saya lang! At saka yung meron akong instant na pasabog pagbalik ko ng Showtime,” pagtatapat ni Vice.
“Naka-Girlie outfit ako. Nalakatuwa. Pero nakakatawa talaga yung pelikulang yun though maraming eksena doon na politically incorrect na.
“Sinasabi ko nga sa kanila, ‘Ay! Marami ditong politically incorrect na eksena.’ Siyempre sa kurso ng panahon, di ba, nag-iiba din naman yung mga puwede at hindi na puwede.
“So, pasensya na. I apologize, kung ngayon, yung mga makapanood, kasi marami siyang hindi na politically correct.”
Read: Vice Ganda calls to end victim-blaming in male celebs' scandal
CANCEL CULTURE
Mahirap ba iyon para sa isang komedyante ngayon na marami nang hindi puwede? Na mako-call out kapag humirit ng mga politically incorrect jokes…
Pahayag ni Vice: “Mahirap kaya kailangang maging matapang ka. Katulad sa Amerika, maraming mga comedians na at first, naaapektuhan sila and they try to be more sensitive.
“And they were trying to find ways na hindi ma-cancel until sabi nila, ‘Ay! Hindi na! Kung ika-cancel niyo kami, sige i-cancel nyo kami! Kung mao-offend kayo, sige ma-offend kayo. We will just continue doing our thing.’
“Di ba? Magpapatawa kami sa materyal na gagamitin namin. Kung ma-offend kayo, e di ma-offend kayo.
“Ang magandang balita diyan, pag na-offend kayo ngayon, bukas buhay pa din kayo.
“Di ba? Hindi naman namin kayo mapapatay because of our jokes, di ba? Yung ganun.
“So, kung mao-offend, sorry. Pero ganun talaga, e, di ba? Kahit naman sa drama, may hit and miss. Sa action, may hit and miss.
“May action na hindi ka mae-excite. May dramang hindi ka maiiyak. May comedy ring hindi ka matatawa. Depende yun sa taste ng tao.
“Pero it should not… it should not…”
Limit…
'“Limit. And stop, di ba? Ganun. Hindi dapat, e.”
Read: Vice Ganda questions government plan for drivers amid fuel hike
POLITICAL JOKES
Kumusta ang production staff sa kanyang paligid kapag bumanat siya?
“Kinakabahan sila. Pero knowing me, wala naman silang magagawa,” pagsisiwalat ni Vice.
“Sabi ko nga, pag gusto kong sabihin, sasabihin ko talaga siya. Tapos ayun.
“Self-aware naman ako. May mga alam din ako, ‘Ay! Sumobra ako doon.’ ‘Ay! Sablay yon!’ Yung ganun.
“Pero I’d rather do it, di ba, and then realize and be wiser the following day, than not doing it and, you know, be regretful.”
Sa mainstream, parang siya lang yungbumabanat ng mga bagay-bagay kaugnay sa pulitika at lipunan…
“E, takot sila, e!” Sabi-sabi, sa ngayon, comedians are braver than politicians…
“Kasi nga, unang-una, bahagi ng komedya ang satire. And that’s even protected by the Constitution, ha,” sey ni Vice.
“Ng batas, ha. May mga ruling na tinatanggap ang satire bilang bahagi ng karapatan ng expression. Di ba?
“So, bukod sa maganda siyang material, bukod sa current siya, di ba? Alam mo, bago pa ako nag-TV, nag-mainstream, political talaga ang mga jokes ko.
“Kasi pag political ang jokes mo, lagi kang may bagong joke. Hindi kagaya ng impersonators.
“Di ba, maraming comedians na meron silang ini-impersonate, tapos yun na forever ang material nila, di ba?
“E, pag political ka, pag political ang mga jokes mo, andaming nangyayari sa paligid araw-araw na bago. So, andami mong material.
“Tapos, dahil sa bago siya, mas may kiliti sa tao, di ba? Lalo na kung yung mga bagay na yun, e, may kinalaman sa kanila.
“So, mas may suntok dun sa tao.”
Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"
MINDFUL
Walang makakapigil sa pagbibigay niya ng opinyon?
“Wala, kasi mindful din naman ako, e. I do political jokes pero I’m mindful,” pagdidiin ni Vice.
“Alam ko naman yung puwede at hindi puwede, di ba? Alam ko naman yung sobra sa sapat, di ba?
“Ako mismo sa sarili ko, alam ko yun. Kasi may mga tao namang OA, di ba? Parang… OA. Hindi.
“Ako mismo, may gauge ako sa sarili ko — yung konsensya ko, di ba? At saka yung mga taong nakapaligid sa akin, sila ang mga batayan ko.
“Hindi rin naman ako papayagan ng unit namin or ng programa namin kung sumosobra, e.”
Read: Vice Ganda urges public to join protest against corruption
