Kitang-kita sa videos ang sweetness overload ng rumored couple na sina Juliana Gomez, 25, at Ricci Rivero, 27.
Kung si Ricci ay todo-suporta kay Juliana sa SEA Games noong December 2025, si Juliana naman ang nanood ng PBA game ng Phoenix Super LPG vs Converge noong Linggo, April 26, 2026.
Si Ricci ay basketball player ng Phoenix Super LPG.
Pagkatapos ng game, namataan pa si Ricci na lumapit sa audience area kunsaan nakaupo si Julia. Sinenyasan niya ang dalaga na magbibihis lang siya.
Maya-maya pa ay bumalik din si Ricci at sinundo si Julia sa kinauupuan nito.
Masuyong hinalikan ni Ricci sa noo si Juliana, sabay pinisil ang kamay ng dalaga kahit marami pang tao sa loob ng venue.
Todo-ngiti si Ricci habang nakikipagkuwentuhan kay Juliana, at hindi napigilang halikan ulit sa noo ang dalaga. Noong nakatayo na sila ay hinalikan pa ulit niya sa noo si Juliana.
Namataan din silang magka-holding hands paglabas ng court. Nakaalalay si Ricci kay Juliana, pero pinauunlakan din nila ang mga nagpapa-picture.
Kahit nasa backstage na ay may mga nakakuha pa ng video sa dalawa na magka-holding hands at halatang masaya sa piling ng isa't isa.
Matchy-matchy pa sila sa suot nila na black sweater at jogging pants.
Sinasabing ito ang unang beses na nanood si Juliana ng laro ng rumored boyfriend.
Read: Cristine Reyes reveals she rejected current BF in grade school
ANDREA BRILLANTES ALSO WATCHED PBA
Nanood din ng PBA noong araw na iyon ang ex-girlfriend ni Ricci na si Andrea Brillantes, pero para sa laban ng Barangay Ginebra at Titan Ultra.
Kasama ni Andrea ang A Secret In Prague leading man na si Enrique Gil.
Ayon sa ulat ng SPIN.ph, hindi nagkrus ang landas nina Ricci at Andrea dahil umalis kaagad sina Ricci at Juliana after ng first game.
Sina Ricci at Andrea ay nag-break noon pang May 2023.
Read: Ricci Rivero and Andrea Brillantes Split
Si Andrea ay masaya na rin sa non-showbiz boyfriend na si Pankie Capistrano.
Read: Andrea Brillantes welcomes 2026 with rumored boyfriend
PREVIOUS SIGHTINGS
Balik sa blooming romance nina Ricci at Juliana, malinaw na consistent ang pagtatangi ng mga ito sa isa't isa.
Noong March 8, namataan silang magka-holding hands habang nanonood ng set ng Parokya Ni Edgar sa Lubao Music Festival sa Pampanga.
Noong Enero ay napabalita rin ang sighting sa kanila sa isang mall at ang paghahawak-kamay nila, senyales na hindi nila itinatago ang kanilang unawaan.
Read: Juliana Gomez, Ricci Rivero spotted holding hands at a mall
