Los Angeles, California — Isang malaking milestone para sa P-pop scene ang naitala ng BINI matapos silang parangalan sa 2026 Billboard Women in Music na ginanap sa Hollywood Palladium sa Los Angeles noong Abril 29 (U.S. time).
Tinanggap ng walong miyembro ng grupo ang Global Force Award, isang prestihiyosong pagkilala mula mismo sa Billboard.
Patunay ito ng kanilang lumalawak na impluwensiya hindi lang sa Pilipinas kundi sa international stage.
Kamakailan lang ay ginawaran din sila ng Powerhouse Award ng Billboard Philippines.
Para sa BINI, hindi basta parangal ang natanggap nila kundi isa itong simbolo ng kanilang pag-angat mula noong mag-debut sila noong panahon ng pandemya hanggang sa makakuha sila ng global recognition.
Sa kanilang acceptance speech, hindi maitago ng grupo ang excitement na makasama ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa music industry.
Ani BINI Jhoanna: “Ohh my gosh! Hi everyone! We are big, big fans of yours. We can't believe we're in the same room and breathing the same air.”
Bukod kay Jhoanna, ang iba pang miyembro ng BINI ay sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, at Sheena.
Read: BINI overwhelmed after Coachella debut
FROM DEBUTING DURING PANDEMIC TO GAINING GLOBAL RECOGNITION
Ang British actress na si Cara Delevingne ang nagpakilala sa BINI bilang Global Force awardee.
Saad ni Cara: “We recognize them here in Hollywood as Billboard’s Global Force honoree.
"It is quite a journey for these eight women who debuted during the pandemic at a time when connection had to travel through Wi-Fi—through live streams, comments, and choreography learned at home.
"Their combination of sweetness, sparkle, and sisterhood broke through the screens… the seven straight weeks the group had 7 songs charting on the Billboard Philippines Hot 100.”
Ibinahagi rin ni Jhoanna ang mensahe nila para sa kanilang mga tagasuporta at sa mga nangangarap: “We hope that we also inspire young girls watching this and they realize that their dreams are also valid no matter where they come from.”
Bukod sa Billboard recognition, isa pang malaking achievement ng BINI ngayong taon ang pagiging kauna-unahang homegrown Filipino girl group na nagtanghal sa Coachella.
Read: BINI makes history at Coachella 2026
OTHER BILLBOARD WOMEN IN MUSIC 2026 AWARDEES
Samantala, kinilala bilang Woman of the Year ang fictional group na HUNTR/X mula sa animated film K-Pop Demon Hunters.
Kabilang sa iba pang awardees sina Kehlani (Impact), Laufey (Innovator), at Tate McRae (Hitmaker).
Isa ring highlight ng gabi ang pagkilala sa Mexican superstar na si Thalía, na tumanggap ng Icon Award para sa kanyang matagal nang kontribusyon sa musika.
Paborito siya ng maraming Pinoy dahil sa kanyang mga sikat na telenovela noong dekada ’90, gaya ng MariMar, Maria Mercedes, at Rosalinda.
Hindi rin pinalampas ng pagkakataon ang BINI na makipagkita kay Thalía backstage—isang moment na siguradong hindi nila malilimutan.
Sa sunud-sunod na international milestones—mula Coachella hanggang Billboard—patuloy na pinatutunayan ng BINI na kaya ng OPM at P-pop na makipagsabayan sa global stage.
Samantala, inanunsiyo kamakailan ng BINI ang kanilang Signals’ World Tour 2026, kung saan nakatakda silang mag-concert sa Asia, US, at Europe simula sa Mayo.
Read: BINI announces Signals’ World Tour 2026 across Asia, US, Europe