Patuloy na umiinit ang laban sa Miss Universe Philippines 2026 matapos na ianunsiyo ang Top 7 finalists na magpapatuloy sa kompetisyon para sa inaasam na korona.
Mula sa mahigit 50 na kandidata mula sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad sa bansa, lalo pang humigpit ang laban nang unti-unting bawasan ang bilang ng mga kalahok—nagsimula sa Top 30, Top 15, hanggang sa Top 7.
Read: Miss Universe Philippines 2026 Top 30
Ang mga ito ay masusing pinili ng hurado at pageant fans, na bumoto online.
Ang mga nakapasok sa Top 7 ay nagpakita ng kahusayan sa iba’t ibang bahagi ng kompetisyon, kabilang na ang swimsuit at evening gown competition, bago sila sumalang sa pinakahihintay na question-and-answer portion.
Read: Miss Universe Philippines 2026 unveils Top 15 finalists

MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2026 TOP 7
Narito ang mga kandidatang pasok sa Top 7:
- Sultan Kudarat – Jenrose Javier (Pina Beauty Voting winners)
- La Union – Bea Millan-Windorski
- Cebu City – Apriel Smith
- Tarlac – Marian Arellano
- Taguig – Bella Ysmael
- Cebu Province – Nicole Borromeo
- Pampanga – Allyson Hetland
Samantala, ang kokoronahang Miss Universe Philippines 2026 ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2026 pageant na gaganapin sa Puerto Rico.
Ang magpapasa ng korona sa magwawagi ngayong edisyon ay si Miss Universe Philippines 2025 Ma. Ahtisa Manalo ng Quezon Province.
