Humingi ng paumanhin si Angel Galang sa kapwa drag queen na si Marina Summers matapos niya itong paulanan ng lait noong gabi ng Miss Universe Philippines 2026 grand coronation.
Ginanap ang grand coronation ng most prestigious beauty pageant sa bansa noong Sabado, May 2, 2026, sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Si Marina ang main host ng programa.
Read: Miss Universe Philippines 2026 winning answer
Angel galang: "CHAKA HOST MUPH"
Habang ongoing ang pageant, nagpasaring si Angel sa pamamagitan ng kanyang Facebook account: "Binagot mo ang #MUPH. Totoong buhay lang.”

Sa hindi malamang dahilan, binura ni Angel ang kanyang post kalaunan.
Pero hindi pa natigil si Angel doon.
Naglagay pa ito ng note sa kanyang Facebook Story: "Chaka host MUPH."

Sa X (dating Twitter) naman, nag-post din siya ng pasaring: "Bagota ang sena kaloka."

Walang binanggit na pangalan si Angel, ngunit malinaw na si Marina ang painatutungkulan niya sa kanyang social media posts dahil ang Drag Race Philippines Season 1 runner-up ang main host ng Miss Universe Philippines 2026.
Read: Bea Windorski crowned Miss Universe Philippines 2026
ANGEL GALANG APOLOGIZES TO MARINA SUMMERS
Kinabukasan, May 3, 2025, tila nahimasmasan na si Angel at napagtanto ang kanyang pagkakamali.
Sa pamamagitan ng Facebook, humingi siya ng paumanhin sa mga kapwa niya drag artists at lalo na kay Marina.
Inako ni Angel ang kanyang pagkakamali.
Buong post ni Angel (published as is): "Unang una sa lahat sorry mga alaga, award sena !! HARD loka!! Pero sorry I’m really really sorry hard especially to my sister, Marina.
"Na over express ako at I know na MALI TALAGA AKO
"I want to take accountability and responsibility dito mga nak . Pero thank you talaga sa mga taong nag call out sakin para maging better person. Thank you din sa mga queens na nagsabi sakin na mali ang nagawa ko .
"Again, masaya ako para sa lahat ng achievements ng mga sisters ko TOTOONG BUHAY LANG !!"
MAXIE ANDREISON SCOLDS SISTER ANGEL GALANG
Sa comments section ng kanyang post ay nagkomento ang kanyang nakatatandang kapatid niya at kapwa drag queen na si Maxie Andreison.
Si Maxie, Jayvhot Andreison Galang sa tunay na buhay, ay itinanghal na winner sa Drag Race Philippines Season 3 noong October 2024.
Pagsita niiya kay Angel (published as is): "tang ina ka puro ka kase laro !!"
Read: Maxie Andreison's rise to Drag Race Superstardom
Sa kanyang Facebook post kahapon din, isiniwalat ni Maxie na pinagalitan niya ang kapatid dahil sa mga pasaring nito kay Marina.
Sabi niya (published as is): "Jwu mga mama mama! wow ! sobrang saya ko pa naman kagabe habang nasa work ako kase andami ng drag queens ang nabibigyan ng opportunity sa tv, sa movies, sa music at sa hosting.
"btw yung Angel!!! Pinagalitan ko hindi ko tinotolerate ang ganon paguugali! Hindi tayo puro laro, lalo na para sa komunidad. so sana maayos to kase nakakaloka to sa totoong buhay lang!!!"
Nauna na ring ipagtanggol ng TV5 showbiz anchor na si Kaladkaren si Marina laban sa mga taong hindi nagustuhan sa kanyang hosting style.
Read: Kaladkaren defends Marina Summers’ hosting style at MUPH 2026
