Pumalag ang trans woman at content creator na si Awra Briguela sa muling pagtawag sa kanya ng ilang netizens na "Bronny James."
Kumalat sa social media kahapon ang larawan ng tatlong lalaki na nagpa-picture kasama Awra.
Caption ng uploader sa post: "With Bronny James. [basketball emoji]"
Nakasulat din sa comments section nito ang pahabol na komento ng uploader: "Ang sarap mo Awra Briguela."
Naka-tag pa rito si Awra.

Sa comments section, nakatikim ng panlalait mula sa followers ni Awra ang tatlong lalaking nagpa-selfie at pinagtawanan ang showbiz personality.

Read: Inah de Belen, Rosmar Tan clash online over "look-alike" comment
AWRA BRIGUELA: "letche tong mga bloated na ‘to!"
Hindi lingid sa kaalaman ng followers ni Awra na hindi ito natutuwa kapag tinatawag na "Bronny James."
Si LeBron Raymone "Bronny" James Jr. ay professional basketball player na naglalaro para sa Los Angeles Lakers ng NBA.
Siya ay anak ng basketball superstar na si LeBron James.
Sa kanyang Facebook kahapon, May 5, 2026, binuwelthana ni Awra ang mga lalaking nagpa-picture at nang-insulto sa kanya.
Post ni Awra (published as is): "letche tong mga bloated na ‘to! LAIT GUSTO? DIET AYAW?? Ano yan isang size lang kayong tatlo para hiraman nalang??"
Hindi ito ang unang beses na tinawag si Awra na "Bronny James" ng netizens.
Noong July 2025, ibinahagi ni Awra sa kanyang Instagram channel ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ng isang netizen na tumawag sa kanyang "Bronny James."
Hindi niya ito pinalampas.
Base sa sagot ng TV and movie personality, mahihinuhang ang netizen ay ka-schoolmate ni Awra sa University of the East, kung saan siya nag-enroll ng senior high school.
Sa huli ay humingi ng patawad ang netizen kay Awra.
Pagsita ni Awra: "What you're doing is inappropriate.
"As a Grade 9 student with honors, I would expect more maturity from you.
"Yet, you continue to spam me with Bronny James comments as if we were close friends.
"This behavior is unacceptable,and I will be reporting it to your school as it constitutes cyberbullying.
"I hope you take this as an opportunity to reflect and learn. You are still young choose the right path and always strive to be kind."
Read: Awra Briguela calls out netizen for "Bronny James" comments
